Athena's POV:
"Kawawa naman yung kapatid natin" naluluha kong sabi kay Carlos "Kaya nga eh, pangalawang beses na siyang nasaktan ng ganyan" sabi niya. "Haay, una kay Linus, ngayon naman kay Ivan, mas malala pa" sabi ko. "Mas lalo siyang magiging malayo sa love pagkatapos neto, sana lang wag niyang pagdamutan ang sarili niya, sana wag niyang gawing desisyon ang tumandang dalaga" sabi ni Carlos. "Sana nga, yun din ang kinakatakot ko, Mia doesn't give second chances, but she did it with Ivan matapos niyang masaktan kay Linus noon pero ngayon nasaktan ulit siya, I don't know kung kaya pa ang third chance for love kay Mia" sabi ko. "Haay" sabi nalang ni Carlos then nakita naming super duper high si Mia sa dance floor na halos mag hubad na siya, inalis niya yung cardigan niya dahil sinasabayan niya yung kantang "Young, Wild and Free". Tinawagan ko agad si Marcelo para magpasundo at maiuwi na namin si Mia bago pa siya tuluyang mabastos ng todo todo. "Hello Athena?" sagot ni Marcelo sa phone. "Marcelo, kelangan ka namin dito now na ASAP" sabi ko. "Huh? Bakit asan ba kayo ngayon? Tsaka bakit sobrang ingay? Kala ko andito pa kayo sa amin" sabi ni Marcelo. "Kanina pa kaya kami wala jan, mga 3 hours ago na, andito kami sa Nevada Square ngayon kasama si Mia, pinilit niya kaming samahan siya dito then nagpakalasing siya nang sobra-sobra at ngayon super lakas na ng tama niya sa dance floor" sabi ko. "Huh?? Bakit?? Kasama niyo ba ngayon si kuya?" tanong ni Marcelo. "Hindi nga eh, anjan lang siya, basta punta ka nalang dito, mamaya na namin sasabihin yung problema ni Mia, bilisan mo nalang kasi halos maghubad na siya sa dance floor oh" sabi ko. "Ah o sige papunta na ako jan" sabi ni Marcelo then agad-agad niyang pinuntahan si Ivan "Bro! kelangan mong sumama sa akin ngayon din, si Mia nasa Nevada Square ngayon lasing na lasing" sabi niya. "Huh?? O sige tara maiwan ka muna Jenn" sabi ni Ivan then agad-agad silang sumakay sa sasakyan ni Marcelo then nag drive si Marcelo as fast as he can, within 25 minutes nakarating sila sa Nevada Square. Pagkapasok nila sa loob, nandoon nga si Mia sumasayaw sa gitna ng super daming tao na halos maghubad na, nilapitan namin sila then hinila ko si Mia sa dance floor "Let's go na sis" sabi ko. "What?? Eh nagsasayaw pa ako dito oh alangan iwan ko tong mga fans ko" sabi niya then nakita niya si Marcelo at Ivan, bigla siyang natulala then hinimatay. Agad-agad siyang binuhat ni Ivan then sinakay na namin siya sa sasakyan then inuwi sa kanila. Pagkadating namin sa bahay ni Mia, hiniga ni Ivan si Mia sa may sofa then kumuha ako ng towel at maligamgam na tubig pamunas sa kanya. "Anung nangyari kay Mia bakit siya nagkaganyan?" tanong agad ni Marcelo. "Uhmm" sabi ko lang sabay tingin kay Ivan. "May problema ba?" tanong ni Ivan. "Ivan, ikaw ang rason kung bakit nagkaganyan si Mia" sabi ko. Natahimik lang si Ivan. "Huh? Bakit anung problema kay kuya?" tanong ni Marcelo. "Nalaman kasi ni Mia na hindi na mahal ni Ivan si Mia" sabi ni Carlos. "What the heck? Ano??" gulat na sabi ni Marcelo. "Kanina kasi, nung pupuntahan sana ni Mia si Ivan, nakita niya magkausap sila ni Jenn, narinig niya din yung usapan nila, sabi daw ni Ivan na hindi na si Mia ang mahal niya, kundi si Jenn" sabi ko. "Hell no! Kuya??! Totoo ba toh??" tanong ni Marcelo kay Ivan. "Patawarin niyo ako, pero totoo, walang-wala akong ni isang maalalang pagmamahal ko kay Mia, siguro noon oo, siya ang babaeng mahal ko dahil nag propose pa pala ako sa kanya bago mangyari ang lahat, pero sa labing anim na buwang nalayo ako sa inyo at nawalan ng alaala, si Jenn ang babaeng nag alaga sa akin at never akong iniwan sa tabi, nung nahanap ako ni Mia at sinabi niyo kung anong meron sa amin, masaya ako at sinubukan kong alalahaning siya ang mahal ko, pero wala talaga, ni isang spark manlang wala, sana maintindihan niyo ako" sabi ni Ivan. Natahimik lang kami. After 3 minutes, binuhat na ulit ni Ivan si Mia papunta sa kwarto niya para makapagpahinga then bumalik na kami sa sasakyan para bumalik sa kanila. Habang bumibiyahe kami, nag salita si Marcelo. "Bro, hindi ako makapaniwalang wala ka na palang nararamdaman para kay Mia" sabi niya. "I'm so sorry bro, Carlos, and Athena, nasaktan ko si Mia" sabi ni Ivan. "Kung alam mo lang kung gaanong hirap at lungkot ang dinanas ni Mia nung nawala ka, at siya din ang nakaisip na libutin ang buong pilipinas para lang mahanap ka" sabi ni Marcelo. Natahimik lang si Ivan. "Pero naiintindihan kita bro, hindi rin namin alam ang hirap na nararamdaman mo ngayon, kaya kung anong desisyon mo, rerespatuhin ko yun para sayo" sabi ni Marcelo. "Maraming salamat bro, isa kang tunay na kapatid at napaka swerte kong ako ang naging kambal mo" sabi ni Ivan. Ngumiti lang si Marcelo then nag salita ako "Ivan, gusto ko mang magalit sayo ng todo ngayon, pero hindi naman kita masisisi sa kung anong nararamdaman mo ngayon, naiintindihan din kita, at hindi mo kasalanang hindi na si Mia ang mahal mo, at hindi kita pipiliting mahalin yung kapatid ko kung talagang si Jenn na ang mahal mo" sabi ko. "Salamat at sorry ulit talaga" sabi ni Ivan. "Pero I just wanna let you know something" sabi ko. "Ano yun" sagot ni Ivan. "Ikaw kasi yung pangalawang sineryoso ni Mia after niyang masaktan sa unang lalaking minahal niya noon, she had been into many relationships but only the two of you ang sineryoso niya" sabi ko. "Uhmm, sino yung isa?" tanong ni Ivan. "si Linus Fontanilla, kaklase namin noong high school sa Pines, siya ang kauna-unahang minahal ni Mia nang seryoso, pero sinaktan niya si Mia, niloko niya at ipinagpalit sa ibang babae" sabi ko. Natahimik lang si Ivan. "Mia doesn't give second chances, she never did, except for love, nasaktan na siya ng isang beses but she did gave love a second chance, at yun ay nung pinili niyang mahalin ka" sabi ko ulit. "Ganun ba, haay, ang laki pala ng kasalanang nagawa ko kay Mia" sabi ni Ivan. "Wag mong sisihin sarili mo bro, wala kang kasalanan, pero ang kinakatakot lang namin ay ang tuluyang pag ayaw ni Mia sa love, baka never na ulit siyang umibig pa at mag desisyong tumandang dalaga nalang, ayaw naming mangyari sa kanya yun, sana matulungan niyo kami" sabi ni Carlos. "Wag kang mag alala bro, gagawin namin ang lahat para matulungan kayo, tsaka wait, Linus Fontanilla? I remember him, he's a far cousin of ours! Mother side bro!" sabi ni Marcelo. "Really?? OMG. as in capital letters OMG talaga!" Sabi ko. "Wow... liit nga naman talaga ng mundo eh noh" sabi ni Carlos. "Grabe! I can't believe it! This is destiny!" sabi ni Marcelo. "Yeah ... Kaya nga eh... Ahaiy" sabay naming sabi ni Carlos. "Diba first true love niya si Linus? Asan na siya ngayon? Sila pa ba nung babaeng ipinalit niya kay Mia noon?" tanong ni Ivan. "Syempre hindi, thanks to us" sabi ko then bigla akong napatawa ng konti. "Yuy bad ka" sabi ni Marcelo nang nakangiti. "Matagal na noh bleeah" sabi ko lang. Ngumiti lang si Ivan "So asan na siya ngayon? May balita pa ba kayo sa kanya?" tanong niya. "Uhmm, I think nagta trabaho siya ngayon sa texas instruments sa loakan" sabi ni Marcelo. "Well that's great then, at least andito rin lang siya sa Baguio" sabi ni Ivan. "At bakit naman?" tanong ko. "Here's my suggested plan, puntahan natin si Linus, magpapakilala ako at makikipag kaibigan, since He is our cousin, then sasabihin kong balikan si Mia" sabi ni Ivan. "What?? Duhh! Eh halos kulong kulo parin yung dugo ni Mia dun, and remember, Mia doesn't give second chances" sabi ko. "Eh di baguhin natin yung puso ni Mia at yung ugali niyang doesn't give second chances na yan, kung nagawa na niya isang beses na magbigay ng second chance sa love, magagawa niya ulit yun! Alam kong kaya niyang gawin ulit yun sa isa pang pagkakataon, mabait na tao si Mia at tunay na mapagmahal, may tiwala ako sa kanya, kayo ba wala?" sabi ni Ivan. "Oo nga noh, hmmm, may point ka, ang smart mo huh" sabi ko. Ngumiti lang si Ivan "Hindi naman masyado, sadyang gusto ko lang makatulong at makabawi kay Mia sa lahat ng ginawa niya para sa akin" sabi niya. "THE BEST ka talaga bro!" sabi ni Marcelo then inakbayan niya si Ivan. "Sana lang bigyan ulit ni Mia ng chance yung Linus na yun, matapos ng ginawa niya noon" sabi ko. "Siguro naman nagsisisi na si Linus sa ginawa niya kay Mia" sabi ni Carlos. "Oo yan, basta that's our plan then" sabi ni Ivan. "Sure" sabi namin then nakarating na din kami sa bahay nila Ivan. Pagkapasok namin sa loob, nakita ko si Jenn. Ugh, gusto ko siyang awayin nang bonggang-bongga, pero wala naman siyang kasalanan, haay. Tsk. Tinignan ko lang siya, then bigla siyang lumingon sa akin, nag half smile lang ako sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Bigla siyang yumuko.
Jenn's POV:
Bakit kaya hindi na kasama nila Athena si Mia? Haay, tsaka bakit kaya siya nagpakalasing nang sobra? Haay, naku sana naman okay lang siya, tsk, tapos itong si Athena hindi na maganda yung tingin sa akin, grabe okay lang kaya siya? Whew, hindi kaya alam na nila yung sa nararamdaman ni Ivan? Wag naman sana, ayoko ng away, huhuhu.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...