Mia's POV:
Yess! Makäkapunta na ako sa kaarawan ni Linus! Maikikwento ko na din sa kanya yung panaginip ko! Kelangan kong paghandaan toh, susurpresahin ko siya! Tinignan ko ulit yung bracelet "I love you so much Linus, I promise to stay with you forever from now on" sabi ko. Tinawagan ko agad si Athena. "Hello sis?" sabi niya. "Sis!" sabi ko. "Oh bakit ka napatawag?" sabi niya. "Sis hanggang anong oras ka jan sa work mo today?" sabi ko. "Hanggang 3 lang sis why?" sabi niya. "Ayun! Pwede ba tayong magkita mamaya right after your work? Susunduin kita jan" sabi ko. "Uhm sure, why not, pero para saan? Tsaka bakit parang excited ka?" sabi niya. "Basta! Mamaya ko nalang ikikwento sayo" sabi ko. "Uhmm, okay" sabi niya. "Thanks sis! See you! Mwa!" sabi ko then binaba ko na yung phone ko. Naisipan kong gumawa ng letter na kamukha nung love letter na pinakaunang binigay sa akin ni Linus noong high school pa, doon ko ilalagay kung anong napanaginipan ko, hehe. Pagkatapos kong gawin yung sulat, nag ayos ako, pumunta na ako sa town para bumili ng gift ko kay Linus. Inabot ako ng dalawang oras sa pagtitingin ng magandang pwedeng ibigay sa kanya. Sakto 2:30 na, pwede na akong pumunta sa workplace ni Athena. Pagkadating ko doon, exactly 3 pm na at pauwi na sila Athena. "Sis!" sabi ko. "O sis! Bakit may dala kang paper bag? Anu yan?" sabi niya. "Regalo ko kay Linus sis" sabi ko. "Huh? Ah ipapabigay mo sa amin?" sabi niya. "Hindi sis! Ako mismo ang magbibigay sa kanya mamayang gabi sa party niya" sabi ko. "Huh?? Paano nangyari yun? Eh bibyahe ka na mamaya?" sabi niya. Then kinwento ko yung about doon sa substitute ko. "Ayy!! Talaga sis??" sabi niya ng malakas. "Oo sis" sabi ko then napahiyaw ulit siya ng malakas sabay yakap sa akin. "Uy sis wag kang mag scandalo dito sa workplace mo, mamaya masisante ka pa" sabi ko. "Ay sorry naman, excited lang ako yiiiee!" sabi niya then sumakay na kami ng taxi papuntang bahay. "So anong plano mo mamaya?" tanong niya. "Ganito, hindi muna ako magpapakita sa kanya, mauuna muna kayo, ipapabigay ko kay Jonathan yung sulat na ginawa ko since siya din lang yung nag abot sa akin dati ng love letter ni Linus" sabi ko. "Ay talaga may sulat ka para sa kanya?" sabi niya. "Yup" sabi ko. "Sweet! Ano namang nakalagay?" sabi niya. "Sinulat ko doon yung napanaginipan ko last night, about sa amin, ikakasal daw ako sa kanya" sabi ko. Napahiyaw ulit si Athena ng sobang lakas. "Wow namaaaan! Uuyyy!! Ikaw huh, so, gusto mo naman bang matupad yung panaginip mong yun?" tanong niya. "Honestly, yes, para sa akin, siya talaga si Mr. Right ko. Ngayon masasabi kong siya parin talaga yung lalaking mahal ko, at yung lalaking mamahalin ko habang buhay." sabi ko then niyakap ako ni Athena ng mahigpit "Congrats sis" sabi niya na mejo naluluha. "Haha agad-agad?" sabi ko. "Hehe syempre naman, tsaka congrats kasi nagawa mong bigyan si Linus ng second chance" sabi niya. "Hehe, kaya nga eh, haaaaaaay" sabi ko then ayun, tinawagan namin sila Carlos at Jonathan para doon sa maganda naming plano.
Linus' POV:
Ang sakit sakit. Hindi manlang kami nabigyan ng pagkakataon ni Mia ibalik yung pagmamahalan namin. Haay. Ngayon, aalis na siya, iisa nalang ang natitira sa akin, at yun ay ang tiwala. Tiwalang babalik siya at sasabihing ako parin yung taong mahal niya... Teka, ano nga bang ginagawa ko dito? Hindi ba't dapat hinahatid ko siya papuntang Manila? Ano ba Linus!! Nagpadala ka nanaman sa emotions mo! Ang tanga mo!! Agad-agad akong lumabas sa bahay para puntahan si Mia pero bigla akong hinarang nung pinsan ko. "Linus saan ka pupunta? Gabi na, dumarating na yung mga bisita mo at magsisimula na mamaya yung party mo, malapit na din sila tita at tito" sabi niya. "I'll be back in a while promise may kelangan lang akong puntahan please?? Sobrang importante toh" sabi ko. "Pero bakit ngayon mo lang aasikasuhin, kung kelan naman kelangan ka na dito?" sabi niya. "I'm so sorry, please I'll be back in a while" sabi ko then agad-agad akong sumakay sa sasakyan ko. "Linus!!" sabi niya pero pinaandar ko na yung sasakyan ko at mabilis akong nag drive papalayo. Kelangan kong maabutan si Mia, sana nandoon pa siya. Pagkadating ko sa kanila, nakapatay na lahat nung ilaw, wala nang tao ... wala na si Mia ... I'm too late ... How stupid I am, haay. Nakaalis na yung taong mahal ko nang hindi manlang ako nakakapagpaalam ng maayos sa kanya. Wala na akong magagawa pa kundi ang bumalik sa bahay, harapin yung mga bisita ko, at sabihin kila mommy and dad na wala na yung babaeng ipapakilala ko sa kanila na nakapag bago ng buhay ko... Haay ... Habang nagdi-drive ako pabalik, hindi ko napigilang umiyak. Pagkadating ko sa bahay, marami nang bisita. Pagkababa ko sa sasakyan, nandoon yung pinsan ko sinalubong ako "Buti naman at tinupad mo yang sinabi mo, nandito na sila tita at ang dad mo na galing pa ng Ireland, hinahanap ka" sabi niya. Pinuntahan ko sila mom and dad. "O iho!! You're here! Where have you been?" tanong ni mom. "I'm sorry ma, I just went to my friend's house, the girl I was telling you about, unfortunately, she's not there anymore, she already left going to France" sabi ko. "Awe, we're so sorry for that son" sabi ni mom. "Happy Birthday son" sabi ni dad tapos niyakap niya ako. Dumating na din sila Athena at Carlos. "Happy birthday Linus" sabi ni Athena. "Bro, happy birthday" sabi ni Carlos then inabot nila yung gift nila. "Salamat" sabi ko habang malungkot na nakangiti. "Linus, we're so sorry for Mia, pero sana wag ka nang malungkot, lalo na at kaarawan mo ngayon" sabi ni Athena. Ngumiti nalang ako. "Pasunod na din sila Jonathan bro, darating na din sila mamaya maya lang konti" sabi ni Carlos. "Ah sige bro, tara hatid ko na kayo sa table niyo, kung saan din ako naka table" sabi ko. "Wow, talagang sa presidential table mo kami ilalagay huh" sabi ni Athena. "Oo naman, kaibigan ko kayo eh" sabi ko then ngumiti lang sila. Nandoon din si Louise sa table namin. "Carlos, Athena, I want you to meet my Best friend and ever loyal secretary, Louise" sabi ko. Tumayo si Louise then nakipag kamayan siya sa kanila. "Nice meeting you bro" sabi ni Carlos. "So, kayo pala yung mga kaibigan ni Mia" sabi ni Louise. Nagulat si Carlos at Athena. "Uhmm, hehe, I told him the whole story of my high school life sa Pines, that's why he knows everything" sabi ko. "Whoa.. As in Everything?" sabi ni Athena na mejo natatawa.. Napayuko lang ako. "Uhmm... yeah?" sabi ko na mejo nahihiya. Tumawa bigla si Athena. "I see, good for you" sabi ni Carlos then ngumiti lang si Louise. 30 minutes na ang nakalipas wala parin sila Jonathan, anyare kaya sa kanila? Hmmm. Nag start na yung party, MC yung pinsan ko. "Ladies and Gentlemen, thank you so much for coming tonight in this special day of our dear Linus Fontanilla, bro, Happy Birthday" sabi niya then nagpalakpakan ang lahat. Tumayo ako sa harap. "Thank you so much everyone, to my family, mom, dad, to my friends, and to my special someone although she's not here tonight, for filling my 23 years of existence with fun, love, joy and excitement, you gave my life a very wonderful meaning, I thank God for all of these, no words can express how happy I am to have all of you" sabi ko. Pumalakpak ulit lahat nung mga guests. "Tonight, I'm gonna play the piano for you" sabi ko. Umupo ako doon sa upuan ng piano then sinimulan kong i-play yung "kiss the rain" by yiruma. Haay, Mia, ang lungkot ko ngayon, dahil hindi ko manlang nagawang magpaalam sayo ng maayos, umalis ka ng mabigat ang loob dahil sa akin, haay.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...