Mia's POV:
Gabi na kami nakabalik ng Baguio. Sobrang naninibago si Ivan. "Oh!! I missed you Baguio City!" sabi ni Carlos na halos halikan na yung ground. "Ewww" sabi ko sa kanya. "Bro, welcome home" sabi ni Marcelo kay Ivan. Ngumiti lang si Ivan. "Grabe ang lamig naman dito!" sabi nung tito ni Jenn. "Uhmm, hehe, walk in freezer" sabi ko. "Oo nga eh grabe! Naku pa hug nga Jason!" sabi niya. Tumawa lang kami. Sumakay na kami sa sasakyan ni Marcelo papunta sa bahay nila. Pagkadating namin doon, nanlaki ulit mata nila Jenn, mama at papa niya, at ni Ivan dahil Mansion yung bahay nila, isang napakalaking bahay, malapit lang sa Diplomat Hotel. Pagkabukas nung gate, may security guard pa at may mga katulong. "Welcome back po sir Ivan" sabi nung mga katulong. Hindi alam ni Ivan isasagot niya. Agad-agad na lumabas yung mom and dad nila Ivan. Pagkalabas namin sa sasakyan, naluha nanaman si tita. "Ivan anak ko buhay ka!" sabi ni tita then super higpit ng yakap niya kay Ivan. Naluluha ako sa scene. OMG. Then niyakap din ni tito si Ivan "Welcome home anak, salamat sa Diyos at ligtas ka" sabi niya. Naluha si Ivan dahil naramdaman niyang sila nga ang tunay niyang mga magulang. Humarap sa amin si tita, "Mia, Marcelo at Cylene mga anak, Athena at Carlos, salamat, salamat at never kayong sumuko sa paghahanap kay Ivan" sabi niya. "Sabi ko naman po sa inyo tita eh, na lilibutin namin ang mundo, mahanap lang si Ivan, and nais nga po pala naming ipakilala ang pamilyang nagligtas at bumuhay kay Ivan sa Guemaras, sila Jenn at ang kanyang mga magulang, kung hindi dahil sa kanila, malamang wala na kaming iuuwi ditong Ivan" sabi ko. Lumuhod si tita sa harap nila Jenn and super nagpasalamat. "Naku ma'am, wag po kayong lumuhod, naku" sabi nung tatay ni Jenn then tumayo si tita. "Maraming salamat talaga sa inyo, utang namin ang buhay ng anak namin sa inyo, paano ko kayo mapapasalamatan?" sabi ni tita. "Naku wala po iyon, as long as naibalik namin si Jason sa tunay niyang pamilya, masaya na kami" sabi ni tito. "Jason?" sabi ni tita. "Uhm, ma, Jason po ang ipinagalan nila kay kuya kasi hindi kilala ni kuya sarili niya nung nagising siya noon" sabi ni Marcelo. "Ah ganun ba" sabi ni tita. Then pinapasok na niya kaming lahat at nagpahanda siya ng maraming pagkain, sinabihan na rin niya sila Jenn na doon muna tumuloy ng ilang araw bago sila umuwi. Binigyan sila ng dalawang malaking kwarto nila tita sa mansion nila then magkasama si Jenn at yung tiyo niya sa isang guest room.
Jenn's POV:
"Grabe tito sobrang yaman pala talaga nila Ivan noh? Grabe itong tirahan nila, parang castle! Itong kwarto lang na toh kasing laki na nung unang palapag nung bahay natin!" sabi ko na sobrang naa-amaze parin. "Oo nga gurl eh, nako sobrang swerte ng mapapangasawa nun" sabi ni tito. "Oo nga po eh, si Mia, sobrang swerte niya" sabi ko na medyo nalulungkot. "Ehmm, masaya ka naman ba para kay Ivan?" tanong niya. "Uhm, oo naman po, bakit naman hindi, nahanap na nga niya yung tunay niyang pamilya eh" sabi ko. "Kaloka ka hindi yun! Yung sa fiancé niya, masaya ka ba na may iba palang para sa kanya?" tanong ni tito. "Haay, oo naman po" sagot ko. "Weh sigurado ka? Eh bakit parang nakikita ko jan sa mga mata mo na nalulungkot ka?" sabi niya. "Huh hindi ah" sabi ko. "Naku wag ka nang mag deny, kilala na kita noh" sabi niya. "Haay, kasi tito meron yung time noon na naglalakad kami ni Jason sa tabi ng dagat, bigla niyang sinabi na mahal daw niya ako, tinanong niya kung pwede niya daw ba akong maging girlfriend" sabi ko.
•• Flashback ••
Habang naglalakad kami ni Ivan sa tabi ng dagat, namumulot lang kami ng mga shells. Biglang may napulot si Jason na kakaibang shell, sobrang ganda! "Nako Jason ang ganda naman niyan! Grabe hugis puso, kumikislap pa yung kulay" sabi ko. "Uhmm, kaya nga eh, bigla nalang siyang inanod ng dagat, saan kaya toh nanggaling?" sabi niya. "Nako Jason, itago mo yan, parang ikaw lang yan, isang napakagandang nilikha na inanod ng dagat" sabi ko. "Jenn, parang puso ko na din toh, and gusto ko tong ibigay sa babaeng mahal ko, para pangalagaan niya" sabi niya. "Uhmm, naks naman, eh sino naman yung babaeng mahal mo?" tanong ko. "Jenn, ikaw yun" sabi niya. Natulala lang ako sa sinabi niya. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
•• Back to Present ••
"Eh yun naman pala eh! O so anung nangyari?" sabi ni tito. "Sabi ko ayoko nga, nagpakipot pa ako, kaya yun nalungkot siya, kaya itinago nalang niya yung shell sa damitan niya sa bahay, tapos kinabukasan dumating na sila Mia" sabi ko. "Hala! Kaloka ka gurl! Sayang ka! Sinayang mo lang yung pagkakataon mo kay Ivan!" sabi niya. "Pero tito hindi ko naman inaasahang matatagpuan na siya ng babaeng una niyang minahal eh" sabi ko. "Haay nako kung mahal mo si Ivan, ipaglaban mo, at kung mahal ka rin ni Ivan, ikaw parin ang pipiliin niya" sabi niya. "Haay nako tito matulog na ngalang tayo, tutulong pa tayo bukas sa party ni Ivan" sabi ko nalang then natulog na kami.
Ivan's POV:
Habang nakahiga ako sa kama ko, grabe sobrang laki nung kwarto ko, tinriple nung kwarto ko sa Guemaras, may sarili pang C.R at kusina, may TV set pa! Napahinga lang ako nang malalim, then sinubukan ko munang tumayo. Pagkasilip ko doon sa malaking bintana, grabe ang ganda nung view, nakikita yung lungsod ng Baguio. Nakita ko din yung picture frames sa pader, picture naming dalawa ni Marcelo, meron ding picture kasama namin si Cylene. Then may nakita akong album sa coffee table, nung pagkabuklat ko, pictures namin ni Mia ang nandoon, grabe sobrang saya namin doon, nakita ko din yung pictures ko sa Rose Bowl, yung restaurant na sinasabi ni Marcelo. Grabe ngayon hindi na ako nagdududa, ako nga talaga si Ivan Montecillo. Huminga lang ulit ako ng malalim. Bumalik na ulit ako sa kama ko, then sinubukan ko nang matulog.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...