Mia's POV:
Kinabukasan, sobrang aga akong pinuntahan ni Linus sa bahay, magdi-date daw ulit kami. Gusto niya din daw akong i-introduce sa mga empleyado ng T.I. Nag road trip muna kami saglit, nag breakfast, then bumili din kami ng couple sweatshirt at couple necklace namin. Matapos nun ay dumiretso na kami sa T.I. Binati agad kami nung security guard pagkababa namin sa sasakyan. "Good morning sir Linus..and ma'am?" sabi nung guard. "I want you to meet my fiance, Mia" sabi ni Linus sabay akbay sa akin. "Oh it's very nice meeting you Ma'am Mia, and congratulations" sabi nung guard sakin. Nginitian ko siya "Thank you" sabi ko then pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin, nakatingin halos lahat sa amin ni Linus. "Good morning Sir Linus, may I ask where Sir Louise is?" tanong nung isang supervisor kay Linus. "He's on a leave right now" sabi ni Linus. "I see." sabi niya sabay tingin then ngiti sa akin. "Hello" sabi niya. "Hello" sabi ko din. "Oh, by the way, I'm gonna make a special announcement today Ma'am" sabi ni Linus. Biglang na excite yung mukha nung supervisor then lumingon siya dun sa mga iba pang employees. "Everybody, I want you to meet my fiance, Amilia Channelle Montez. You can call her Mia. Our wedding would be 8 months from now, and all of you are invited, I hope to see everyone of you in the most special day of my life." sabi ni Linus habang naka akbay parin sa akin. "Whoo!" sabi nung ilang mga employees habang pumapalakpak sila. "Congratulations in advance Sir Linus and Ma'am Mia" sabi nung supervisor sa amin, nakangiti lang kami ni Linus then dumiretso na kami sa office niya. Grabe hindi ko alam sasabihin ko sa sobrang saya, nakangiti lang talaga ako then tinitignan lang din ako ni Linus. "Baby, I love you" sabi niya sa akin. "I love you more baby" sabi ko. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko then niyakap niya ako. "I'm so proud to have you as my soon to be wife Mia" sabi niya. "Me too Linus" sabi ko then nginitian niya lang ulit ako. "Hmm, talaga?" sabi niya. "Oo naman, ikaw yata yung best frenemy ko noh, hehe. At dahil jan, we'll never be apart, sorry ka nalang, dahil never ever na kitang bibitawan" sabi ko. "Don't worry, dahil ako mismo eh hinding hindi mag aattempt na makawala sayo" sabi niya. "Hmm talaga lang huh" sabi ko then nilapit ko yung mukha ko sa kanya. Niyakap lang ulit namin isa't-isa. Nung lunch time, kasabay naming nag lunch yung mga employees. "Sir Linus, siya po pala yung high school sweetheart niyo, totoo nga, she's so beautiful" sabi nung isang employee. Nagtaka si Linus. "Uhmm, how did you know that she's my high school sweetheart Joshua?" tanong ni Linus. "Uhmm, sir Louise told us" sabi niya. Natulala bigla si Linus. Tinakpan ko bigla yung bibig ko dahil mejo natawa ako bigla sabay tingin kay Linus. Biglang namutla si Linus. "Uhmm...anything He said aside from that?" tanong niya. "Uhmm..your high school life sir, how the two of you fell in love with each other" sabi ni Joshua. Mas lalong natulala si Linus. Grabe, pinipigilan ko nalang yung tawa ko, namumutla na din ako. Napatingin bigla sa akin si Linus, nakita niyang nakatakip yung dalawang kamay ko sa bibig ko, nahalata din niyang pinipigilan ko yung tawa ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Baby?" sabi niya. Grabe di ko na talaga mapigilang tumawa. Nag killer eyes siya sa akin. "Ahem..sorry" sabi ko habang nakangiti parin. "Haay..Louise talaga.. He really told you that huh? It's so embarrassing" sabi ni Linus. "Embarrassing? Not really. Actually, it's very sweet. We love your high school story sir, it's one of a kind, hehe" sabi ni Joshua. Nag agree din yung ibang mga empleyado. "Really. So all of you know my high school story" sabi ni Linus. "Yes" sabay na sinabi nung mga empleyado. Namutla nanaman si Linus. "Good job to Louise" sabi ko ng nakangiti sabay tingin kay Linus. "Anyway, you're right guys, my high school life is really one of a kind and I'm so proud of it" sabi ni Linus sabay kiss sa pisngi ko. "Yiihiiee" sabi nila then tinuloy na namin yung pagkain namin. Pagkatapos naming kumain, umalis na din kami ni Linus.
Nung hapon, tinext ni Danielle si Linus na nandoon sila sa house nila Linus ngayon, jamming daw ulit sila. "Baby, gusto ka daw makasamang kumanta nila Danielle ngayon" sabi ni Linus. "Ah really? Hehe why not" sabi ko. "Yes! Hehehe, excited na ulit akong marinig kang kumanta" sabi niya. "And excited na din akong marinig yung piece ninyong magpipinsan, hehe" sabi ko. Ngumiti lang siya sabay halik sa kamay ko. Then biglang nag ring yung cellphone ko, si Chad tumatawag. Hindi ko sinasagot yung phone ko. "Sino yan baby?" tanong ni Linus. "Ah si Chad" sabi ko. Bigla siyang sumimangot. "Baby wag mong sasagutin huh, patayan mo nalang ng phone" sabi niya. "Don't worry, wala naman talaga akong balak sagutin yung tawag niya eh, I'm sick of all his pa-cool attitude" sabi ko. "Dapat lang baby, hindi ko gustong makipag kaibigan ka pa jan sa lalaking yan" sabi niya. Bigla akong nagtaka dahil sobrang seryoso niya. "Baby? Why? Something wrong?" tanong ko. Natahimik siya then tinitignan niya lang ako ng mejo malungkot. Hinawakan ko yung kamay niya then nginitian ko siya. "What's that Linus, tell me" sabi ko dahil alam kong something's bothering him. "Baby...ayoko na sanang ipaalam toh kahit kanino pero ayoko namang magtago sayo ng kahit na ano...uhm..." sabi niya. "Sabi ko na nga ba something's not right eh, please tell me" sabi ko. "I'm so sorry hindi ko sinabi sa inyo, pero kasi nung gabi after nung reunion ng Pines, matapos kitang ihatid sa inyo, habang nagbibyahe ako pabalik ng town, biglang may nag overtake sa aking sasakyan, hinarangan pa niya ako, at yun ay si Chad" sabi niya. "OMG! And then? What happened next?" tanong ko habang gulat. "Ayun, bumaba ako, tinanong ko siya ng maayos kung may problema, then ininsulto niya agad ako, sabi niya wala daw akong karapatan sayo dahil hindi daw kita kayang bigyan ng buhay na tulad ng kaya niyang ibigay sayo, at kayo daw ang magka level at ang para sa isa't-isa" sabi niya. "How dare he say that to you! Ang kapal ng mukha niya!" sabi ko then nag init bigla yung dugo ko. "He doesn't even know you!" dagdag ko. "Yun na nga eh, hindi niya pa ako kilala pero simula palang tinatapakan na niya ako, nung unang kita niya palang sa akin, alam kong tinatapakan na niya ako" sabi niya. "Eh di ano namang sabi mo matapos ka niyang sabihan ng ganun?" tanong ko. "Ayun, ayoko na sanang pumatol pa, pero sinabihan pa niya ako ng maangas kaya ayun nasabihan ko siya ng hindi maganda, sabi ko nakakaawa siyang tao dahil hanggang yaman lang niya ang kaya niyang ibigay sayo, wala namang kwenta" sabi niya. "Tama yan baby" sabi ko. "Tapos yun nasaktan siya sa sinabi ko, sinubukan niya akong suntukin pero nakailag ako, hindi ko na din napigilan yung sarili kong tadyakan siya at padapain sa kalsada" sabi niya. "Hala! Buti nalang hindi ka nasaktan baby" sabi ko. "Uhmm, oo nga eh, may kasama pa siya nun huh, lalaban din sana siya pero umatras siya nung napadapa si Chad then umalis nalang sila, binalaan pa niya ako, babalikan niya daw ako" sabi niya. "Grabe, as if namang kaya ka nun, ang lakas mo kaya, lampang butiki na yun, kapal talaga ng mukha, panay yabang at away lang ang alam, ugh!" sabi ko. Natahimik lang si Linus then mejo ngumiti lang siya. "Baby... I'm so sorry" sabi ko sabay hawak ulit sa kamay niya. "Huh? Why are you saying sorry?" sabi niya. "Kasi kenailangan mo pang makipag deal sa isang walang kwentang tao, and ang masama pa doon eh kaibigan namin siya ni Ivan" sabi ko. "You don't have to be sorry for that Mia, hindi mo kasalanang may mga taong wala talagang utak" sabi niya. Nagri-ring parin yung phone ko, ugh. Binuksan ko yung phone ko then kinuha ko yung sim, agad kong pinutol sa dalawa sabay tapon sa labas nung bintana nung sasakyan. Nagulat si Linus then natulala lang siya sa akin. "Simple as that" sabi ko sabay ngiti. "Pero baby, paano na yung contacts mo?" tanong niya. "It's okay, gagamitin ko nalang yung isang sim ko, and nandoon din lahat ng contacts ko except Chad" sabi ko. "Uhm okay baby, and I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo agad yun, ayoko lang kasi ng gulo" sabi niya. "It's okay baby, ang importante walang masamang nangyari sayo, kundi talagang sasapakin ko yang Chad na yun, he doesn't have any rights to hurt you" sabi ko. Ngumiti siya then inakbayan niya ako sa waist. "Thank you so much baby ko, I love you" sabi niya. "I love you most baby" sabi ko then nginitian ko lang din siya. Habang papunta kami kila Linus, inabutan din kami ng malakas na ulan, whew. Pagkadating namin sa bahay nila, nandoon na nga yung mga pinsan ni Linus, hinihintay kami. "Duuude !! Nice meeting you again!" sabi ni Danielle sakin. "Yeah, how are you?" sabi ko. "Just fine, all good!" sabi niya then nilapitan din ako ni Patricia sabay hug. "Linus! You're so lucky you've found such a gorgeous lady" sabi niya kay Linus. "Uhm, hehe, of course Tricia, and I'll always be proud to have Mia as my fiance" sabi niya. Grabe hindi ako makapag salita sa sobrang pagka flatter, nakangiti lang ako na mejo natatawa habang namumutla nanaman. "Ayyiiiee, look at the way she blush" sabi bigla ni Jonas. Napatawa lang ulit ako. "Kiss naman jan" sabi ni Danielle then lumapit sakin si Linus "I love you so much baby" sabi niya sabay halik. "Ayyiiiiee!" sabi ulit nila. "So, guys, let's go? To the music room" sabi ni Linus. "Sure dude!" sabi ni Danielle then pumunta na kami sa may pinakababa nung bahay nila Linus. Grabe kumpleto sa musical instruments yung music room nila, complete band set and all. "Mia, panoorin mo muna kami then later you'll join us" sabi ni Marco. "Sure" sabi ko then pumwesto na sila sa kanya-kanyang instrument. Kinanta nila yung "your love" by Marie Digby. Si Patricia at Danielle yung singer then nagpi-piano naman si Linus, guitar yung hawak ni Marco then nasa drums naman si Jonas. Grabe they are all born musicians! Napaka perfect nung harmony and sobrang sarap nilang panoorin, sobrang ganda talaga ng bond nilang magpipinsan, hehe. Such a real blessed family of Linus. Kinanta din nila yung "Somebody that I used to know" by Gotye and kayang-kaya nilang gawin yung cover ng down to earth. Cool! "Mia, it's time for you to join us now, hehe, of course kelangan mong kumanta kasama bawat isa sa amin while Linus will only watch us" sabi ni Danielle. Whoa. "Uhmm, okay" sabi ko. "Yun oh!" sabi ni Jonas. Tuwang-tuwa si Linus dahil close na kami ng mga pinsan niya, at ng mga parents niya. Good thing nasasabayan ko sila sa music, hindi nakakahiya, whew! Buong hapon lang kaming nagkakantahan then kami ni Linus yung pinakahuling magkasamang kumanta. Grabe kinikilig yung mga pinsan niya sa amin. Nag paalam na sila nung gabi. "Thank you so much for your time Mia, we really enjoyed jamming with you, and welcome to the group, welcome to the family" sabi ni Danielle. "Thank you so much as well guys, you're the BEST" sabi ko. "And congrats in advance to the both of you, we're so excited for the big day, hehe" sabi niya. Ngumiti lang ako then niyakap ako ni Linus. Buong araw kaming magkasama ni Linus, as in inseparable na kaming dalawa. Kahit nga nung gabi eh, pagkahatid niya sa akin sa bahay, ayaw na muna niyang umuwi sa kanila, farewell party ko na din kasi kinabukasan. "Baby, kung gusto mo dito ka na muna matulog" sabi ko. Ngumiti siya. "Sure baby, I'll be glad to" sabi niya then umakyat na kami sa room ko. Nakasandal lang ako sa chest niya then kinakantahan niya lang ako hanggang sa nakatulog ako.
Linus' POV:
Malapit nang umalis yung mahal ko, haay. Nung nakatulog na siya, tinititigan ko lang siya. Bigla akong na tempt, grabe ang bilis bigla ng heartbeat ko, whew! Gusto ko siyang galawin. Pero ayoko, she's very valuable to me, hinding-hindi ko siya gagalawin hanggang sa araw na ikasal kami, at yun ay pagkabalik niya galing France. Handa akong maghintay ng matagal para sa kanya. Hinding hindi na ulit kita sasaktan mahal ko, pangako iyan. Then nilabas ko yung isa pang singsing sa bulsa ko, ito yung ibibigay ko kapag magpo-propose na ako sa kanya. "Mia, minsan nang nasuotan ng engagement ring yung daliri mo ng ibang tao, this time ako na, hindi na ako papayag na may iba pang mag suot sayo ng singsing" sabi ko then tinignan ko ulit siya, ang sarap ng tulog niya. Niyakap ko siya then nakatulog na din ako.
Mia's POV:
"I, Amilia Channelle Montez, take you Linus Fontanilla, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part" sabi ko kay Linus, then bigla akong nagising, umaga na pala. Grabe napanaginipan ko nanaman yung kasal. Haaaaaaaay. Nakayakap lang sa akin si Linus then nagising din siya. "Good morning baby" sabi ko. "Good morning din baby ko" sabi niya then hinalikan niya yung noo ko. "Baby, I dreamed about our wedding again, this time I already said my vow to you" sabi ko. "Ah talaga, wow naman, hehe" sabi niya. "Baby... aalis na ako bukas" sabi ko ng malungkot. "Haay, oo nga eh, tsk I'm really gonna miss you SOOO MUCH" sabi niya. "Dibaleh baby, lilipas din ang 8 months, basta mag iingat ka palagi huh? Stay close to our friends and family" sabi ko. "Yes baby ko" sabi niya then we kissed each other again. Bumangon na kami para mag handa. Dumating na din sila Athena, then nagpa cater kami sa Le Chef, nag hire din kami ng mga tauhan. Nakahanda na ang lahat, kinahapunan, dumating na din yung mga bisita; sila Marcelo, tita Martia and tito George, sila mom and dad, yung parents ni Linus, and yung buong family ko sa Pines, Brent, and UB. Sakto, namanhikan na din yung mga parents namin ni Linus. Bigla akong tinawag ni Mommy. "Mia, ikaw huh, I remember Linus, siya yung kasama nila teacher Diane na dumalaw sayo sa hospital noong high school kayo, siya yung sinasabi mong enemy mo, sabi ko naman sayo eh, na in love ka tuloy sa kanya! Hahaha!" sabi niya. Bigla akong nag blush at napayuko. Naka ngiti lang din sa akin yung parents ni Linus. "Uhmmm... mom, oo nga eh, I really never thought and expected na si Linus pala talaga yung lalaking mamahalin ko, tignan mo naman kasi kami nung high school, we're like the worst enemies ever, ahe" sabi ko. Bigla akong inakbayan ni Linus. "Naku iha, bukambibig ka din talaga ni Linus sa samin ng dad niyo noon, kesyo nagkaroon daw siya ng kaklaseng matapang na bully, kaaway daw niya, sabi ko nga bakit siya nakikipag away sa babae eh dapat minamahal ang babae hindi inaaway" sabi naman ng mommy ni Linus. "Uhmm, hehe, grabe... Nakakahiya po ako nung high school, para akong hindi babae nun sa sobrang bully ko, haay" sabi ko lang then hindi ko talaga mapigilang mag blush ng sobra. "It's okay iha, at least natutunan niyo parin ni Linus mahalin ang isa't-isa despite na magkaaway kayo noon" sabi ni tita. "Uhm, yes mamita, thanks to Linus, for he never gave up on someone like me" sabi ko sabay ngiti kay Linus. Nakangiti lang din siya sa akin. "Anyway, we're all so happy for the both of you, you're so perfect for each other, right mare?" sabi nung mom ni Linus sa mom ko. "Of course mare!" sabi ni mom then they hugged each other, nag hand shake din sila dad. So ayun, it's already official, hehe, me and Linus received our parent's blessing. It was such a great day!
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...