My Unexpected Someone

65 3 0
                                    

Mia's POV:

Pagkadating namin doon sa reception area, na assign kami nila Athena, Carlos, Cylene at Marcelo sa VIP table kasi isa kami sa most important guest, syempre. Habang hinihintay namin yung groom and bride, kinausap ako ni Marcelo. "Mia, may nabanggit ba sayo si kuya about sa surprise namin sayo?" tanong niya. "O yes, nga pala, about that, para saan pala yun? Eh hindi ko naman espesyal na araw ngayon bakit niyo ako bibigyan ng surprise?" sabi ko. "Uhmm, may ipapakilala kasi kami sayo Mia, actually kilala mo na siya, pero sana kapag nakita mo siya eh wag kang magagalit" sabi niya. "Huh? Eh sino ba yun?" sabi ko. "Uhmm, tingin ka sa entrance, nandoon siya." Sabi niya. Pagka tingin ko sa entrance, OMG!!! Totoo ba tong nakikita ko?? LINUS FONTANILLA??! Waaaaaaaah!! What is HE doing here??! Nakatulala lang ako. "Mia??" sabi ni Marcelo. "Guys! Si Linus??! What is HE doing here??! Siya ba yung sinasabi niyong surpresa niyo??" sabi ko. "Oo sis" sabi ni Athena. "What??! So alam niyo toh?? Pinlano niyo toh??" sabi ko. "Sis, relax! Inimbita namin si Linus para magkita na ulit kayo at magbati, sis, give him a second chance na, it's been long years nung nasaktan ka niya" sabi ni Athena. "Mia, si kuya ang nakaisip ng lahat ng toh, kinwento nila Athena sa kanya kung anong meron kayo ni Linus noon, nung time na nalasing ka so naisip ni kuya na ipagbalikan kayong dalawa, kasi wala kaming ibang mapagkakatiwalaan na para sayo kundi si Linus lang" sabi ni Marcelo. "WHAT??? Kami?? Ipagbabalikan niyo?? Huh!! Excuse me! Ayoko!" sabi ko. "Mia, why not just give him a second chance? Sising-sisi siya sa nagawa niya sayo noon, at ngayon willing siyang gawin lahat para lang mapatawad mo siya" sabi ni Carlos. Then biglang nag flash back lahat sa akin ng ala-ala noong kami pa ni Linus at kung gaano ko siya minahal noon, at the same time kung gaano niya din ako sinaktan noon. "Mia, please?" sabi ni Marcelo. "Look, I cannot promise you anything" sabi ko. "Then we'll leave it all to Linus, siya nang bahalang manligaw ulit sayo" sabi ni Carlos. "Ugh, talaga lang huh, as if" sabi ko. Papunta na si Linus sa table namin, ah so siya pa pala yung katabi ko, eish. Susubukan kong maging as professional as I can be! Pagkalapit niya, binati siya ni Marcelo "Cousin!" sabi niya then nakipag bump fist siya kay Linus. WTF?? Magpinsan sila nila Ivan?? Waaaah!! Ano ba yan!! This is so AWKWARD! -___- Tinignan niya ako bigla, nginitian niya ako, then tinitignan ko lang din siya "Hi Mia" sabi niya. Ugh hindi ko alam sasabihin ko c'mon Mia, move on na! "Pwede bang tumabi sayo?" sabi niya ulit ng nakangiti. Nag deep breath nalang muna ako. "Uhmm, yeah sure have a seat" sabi ko then nakangiti lang siya "Salamat" sabi niya then umupo na siya. Tumingin lang ulit ako kila Athena. "So...Kumusta ka na Mia? Long time no see" sabi niya. As a professional lady, kelangan kong maging as friendly as I can be, whew! HMP!! "Uhh, just fine, I'm doing good, how 'bout you?" sabi ko. "I'm fine as well" sabi niya. "Well, that's good then" sabi ko nalang. "Gumaganda ka nang gumaganda ah" sabi niya. Nakuha pang mambola neto, hmp! "Thanks for the compliment Mr. Linus, but I don't need it" sabi ko nalang. "Ahem" sabi bigla ni Athena then nginitian niya ako. Nag killer eyes lang ako sa kanya. "Nga pala... I forgot to ask about Vanessa, kumusta na siya? Kasal na din ba kayo? Uhmm, any kids?" sabi ko. Napayuko si Linus. "Mia" sabi ni Athena. "What...may mali ba sa tanong ko? I just asked about his dear little GIRLFRIEND" sabi ko. "Nakakalimutan mo na ata yung kinwento ko sayo noon" sabi niya. "Oh! I'm SO SORRY" sabi ko with sarcasm sabay tingin kay Linus. "It's okay. Pero Mia, matagal na kaming wala ni Vanessa, hindi pa kami umaabot ng pitong buwan nakipag break na ako sa kanya, nakakasawa na din kasi yung ugali niyang pangit eh" sabi ni Linus. "Awwe, that is sooo sad" sabi ko with obvious sarcasm. Natahimik lang siya. "Wait...sabi mo PANGIT ugali niya kaya mo siya hiniwalayan, eh bakit mo kasi siya pinatulan? Alam mong may girlfriend ka pero pumatol ka parin, akala ko ba mga tunay na mababait lang ang ideal girl mo base sa mga sinulat mo sa notebook mo?" sabi ko ng sobrang mahinhin pero halatang sarcastic talaga na mejo nang aasar. Natahimik at napayuko lang ulit siya then ngumiti nalang siya. "Naaalala mo pa pala yung mga nabasa mo sa notebook ko noon" sabi niya. "Duhh of course, makakalimutan ko ba naman yun? Too bad for you hindi mo natagpuan si ideal girl" sabi ko. Tinignan niya lang ako sa mata then bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Mia... I'm so sorry for what I did, I was a big jerk. Natagpuan ko na yung ideal girl ko, pinakawalan ko pa, which is you" sabi niya. Tinitignan ko yung kamay niya then tumawa ako, inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. "Linus, this isn't the right place and the right time to create a nonsense drama, tsaka ilang taon na ang nakalipas, it's been more than 6 years, kinalimutan ko na ang lahat matagal na, so move on na tayo, okay?" sabi ko nalang then humarap na ako kila Athena. Biglang pumapalakpak yung mga guests at sa wakas, dumating na din yung newly wed. Whew! Pinapatunog ng lahat yung glass wine nila then tumingin sa akin si Ivan. Ngumiti siya nung nakita niyang magkatabi kami ni Linus. HMP talaga! I'm not really happy right now. Then habang hinihintay namin yung food, yung tito ni Jenn ang MC. "Ladies and Gentlemen, good evening. Thank you everyone for coming here tonight to join us in celebrating Ivan and Jenn's wedding. As we all know, we are all here to celebrate a very special day. To my niece Jenn Lim Montecillo and to her husband Ivan Montecillo, congratulations! Let us all give them a toast." Sabi niya. Ni raise naming lahat yung champagne glass namin. "So, ẃhile we're waiting for the food to be served, may I call on a special friend of our groom to play the piano for us, Mr. Linus Fontanilla" sabi niya. Napalingon ako bigla kay Linus. Whoa... Si Linus? Magpi piano? Wow huh. Kelan pa naging magaling sa music itong asungot na toh? Pumapalakpak silang lahat, nginitian lang ako ni Linus then tumayo na siya papunta sa harap kung nasaan naroon yung grand piano. Nanahimik na ang lahat. "I'll be playing this song for our newly married couples, Ivan and Jenn, congratulations to the both of you, and I also dedicate this song to a very special girl who once had my heart, and until now she has it" sabi niya. "Aawwwe" sabi nung mga guests. "Ayiiee" mahinang sabi nila Marcelo sa akin. Tinignan ko lang sila ng seryosong mukha.

My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon