Mia's POV:
Kinabukasan, ang aga kong nagising para bumisita sa Pines. Pero bakit ganon parang sinasabi ng instinct ko na wag na akong tumuloy? Haay, wala lang toh, I need to see my friends again, it's been so many months nung huling kita ko sa kanila, hindi manlang kasi nila ako dalawin sa Brent o sa bahay manlang. Ugh -_- Pagkadating ko doon, binati agad ako nung guard. "O Mia! Long time no see, Kumusta ka na?" tanong ni manong guard. "Eto po ayos lang, maganda parin, hehe" sagot ko. "Naks di ka parin nagbabago ah" sabi niya. "Syempre naman manong, super na miss ko nga po ang Pines eh, kumusta naman po yung klase ni ma'am Suarez?" tanong ko. "Ay naku Mia wala na si ma'am Suarez, lumipad na papuntang America last month pa, ikinasal na siya sa isang kano" sabi niya. "Ay oh?? Aww sayang naman hindi ko manlang siya naabutan, haay, eh sila Athena po, si carlos, si bobby, si Linus at yung iba kumusta na?" tanong ko. "Ah yung mga kaklase mo? Ayun okay lang naman sila" sabi niya. "Ay wow naman hehe nakakamiss sila, eh si Linus po?" tanong ko ulit. "Ah eh si Linus? Naku ... ayun okay lang din, kaso lagi siyang may kasamang babae, lagi nga silang magkahawak ng kamay eh, minsan pa nga nakita ko hinalikan siya nung babae, sinita ko tulloy sila nang di oras" sabi nung guard. WHAT???!!!!! Super gulat ako sa narinig ko at natulala, nag e-echo sa utak ko yung narinig ko. Waaaaaaaaaaah!!!! LINUS!! How could you??!! </////3 "Uhmm, sigurado po ba kayo manong na si Linus yun?" tanong ko. "Naku oo naman! Diba siya yung laging kasa-kasama din ni Jonathan? Yung galing ng DANHS?" sabi niya. "Uhmm, manong, ano pong itsura nung babaeng palagi niyang kasama?" tanong ko. "Ah eh morena tsaka straight na mahaba yung buhok, kilala mo ba yun? Alam ko kaklase niyo siya dati pa eh" sabi niya. Va... VANESSA!!! SIYA NGA!! WAAAAAAH!!!
"Ma'am? Mia? Okay ka lang?" sabi nung guard. "Ah opo, okay na okay po" sabi ko, pinipigilan ko lang yung luha ko. "Ah buti naman, o siya, iriring ko na yung bell, break time na nila, gusto mo bang pumasok para puntahan sila?" tanong nung guard. "Ah hindi na po, wag na po, alis na po ako" sabi ko. "Huh eh kala ko ba namiss mo sila?" sabi nung guard. "May pasok pa po kasi ako eh, next time nalang po, tsaka nanjan naman po kayo na nakakwentuhan ko, salamat po huh, buti nalang talaga kayo muna yung una kong nakausap" sabi ko. "Sigurado ka huh o sige ingat ka nalang" sabi nung guard. "Sige po paalam po" sabi ko then tumalikod ako agad-agad, di ko na mapigilan yung luha ko, ayokong ipakita sa guard yun, ugh! Ni ring na niya yung bell, naririnig ko yung ingay ng mga papalabas na mga estudyante, hindi ko na kayang harapin pa si Linus, manloloko din pala siya, I hate him!! Then umalis na ako. Umiiyak ako habang nasa taxi. How could you Linus. How dare you!! "Iha? bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" tanong bigla nung taxi driver. Hindi ako sumagot for 1 minute, basta umiiyak lang ako. "Manong ... bakit ganun? Ang sakit sakit" sabi ko. "Huh bakit ano bang nangyari sayo?" tanong niya. "Niloko ako ng taong mahal ko" sabi ko. "Naku! Tsk kadalasang problema talaga yan ng mga kabataan ngayon noh? Alam mo iha, masyado ka pang bata para problemahin at iyakan ang mga ganyang bagay, mas marami ka pang pwedeng atupagin na mas importante kesa sa relasyon sa isang lalaki" sabi niya. Natahimik lang ako, haay. "Pasensya ka na iha ah, may anak din kasi akong high school, pinoproblema din niya ang lalaki, sabi ko eh masyado pa siyang bata para sa mga ganoong problema" sabi niya. "Tama po kayo manong, pinägsisisihan ko pong pumatol ako" sabi ko. "Alam mo iha, mag aral ka nalang nang mabuti, balang araw darating din yung lalaking para talaga sayo" sabi niya. "Opo manong salamat po" sabi ko then nakarating na din kami sa amin sa wakas. Pagkapasok ko sa bahay, dumiretso lang ako sa kwarto ko, then tinuloy-tuloy ko na yung pag iyak ko, hinubad ko yung bracelet na binigay ni Linus then hinagis ko yun nang malakas sa pader.
Athena's POV:
Lumabas na din kami nila Carlos at Bobby then si Linus kasama si Vanessa. Linta talaga tong babaeng toh kay Linus. "O ma'am Athena, dumating pala yung dati niyong kaklase kanina, kaso agad din namang umalis" sabi nung guard. "Sinong kaklase?" tanong ko. "si Mia" sabi nung guard. "Huh? Si Mia?" sabi ni Linus. "OMG my sister! Nasaan siya? Bakit naman siya umalis agad?" sabi ko. "Eh sabi niya may pasok pa daw siya eh, pinapakamusta nalang niya kayo, namimiss na daw niya kayo kaso next time nalang ulit daw siya dadalaw" sabi nung guard. "Hala hindi niya manlang kami hinintay" sabi ni Bobby. "Kaya nga po eh, sabi ko iriring ko na yung bell baka gusto niyang pumasok para puntahan kayo, ayaw naman na niya, sabi niya papasok pa siya eh ang pagkakaalam ko walang pasok ngayon ang Brent" sabi nung guard. "Ouch naman ano kayang problema ni Mia, haay" sabi ko nalang. Biglang nag alala si Linus at naalala niyang niloko niya si Mia. "Tara na asawa ko bili na tayo ng food gutom na ako" sabi ni Vanessa kay Linus. "Bitch" sabi ko sa kanya then inirapan ko siya. "Manong, may mga naikwento ba kayo kay Mia kanina?" tanong ni Linus sa guard. "Ah oo naman kinakamusta niya kasi kayong lahat kaya ayun nag kwento ako sabi ko may girlfriend ka na" sabi nung guard. "Really?" abot tengang ngiting sabi ni Vanessa. "Gustong gusto mo naman! Mang aagaw! Kaya pala hindi na tumuloy si Mia! Kupal!" sabi ko sa kanya habang dinuduro siya. Natulala sa akin si Vanessa. "Naku patay" sabi ni Linus. "Bakit po? Girlfriend mo ba si Mia?" tanong nung guard kay Linus. "Oo manong, si Mia ang tunay niyang girlfriend at hindi itong babaeng ito, nilandi niya lang naman si Linus kasi wala na si Mia!" sabi ko na nang gagalaiti. "Ayy! Naku! Kaya pala umalis nalang siya kanina pagkatapos kong maikwento, hindi ko naman alam" sabi nung guard. Tinakpan ni Linus yung mukha niya. "Buti nga manong nasabi niyo kay Mia yun eh, para malaman niya pinag gagagawa ng dalawang toh!" sabi ko. "Kasalanan niyo toh! Parehas kayong malandi! Ikaw Linus manloloko ka! How dare you! Pinagkatiwalaan ka naming mga kapatid ni Mia pero sinaktan mo lang siya!" sabi ko na naluluha. "I'm so sorry" sabi ni Linus. Sinampal ko si Linus ng sobrang lakas. "Ayy!!" sabi bigla ni Vanessa. "Sorry??! Yun na yun??! Sa tingin mo magagamot niyang sorry mo yung sakit na nararamdaman ngayon ni Mia??! Magsama kayo niyang basura mo!!" sabi ko pa. "Ma'am tama na" sabi nung guard then inawat ako nila Carlos. "Tara na asawa ko" sabi ni Vanessa kay Linus then hahalikan niya sana ito nang biglang tumakbo si Linus sa loob ng classroom.
Linus' POV:
"Asawa ko!" sigaw ni Vanessa then sinundan niya ako. Agad-agad kong kinuha yung gamit ko at tumakbo palabas. "Saan ka pupunta asawa ko?!" sigaw ni Vanessa na sumusunod parin. "Diyan ka lang!!" sabi ko then tumakbo ako papalabas ng gate. "Manong pupuntahan ko po si Mia, aayusin ko toh, kasalanan ko lahat toh!" sabi ko doon sa guard. Hinayaan lang ako nung guard na lumabas. Lumabas din si Vanessa pero hindi na niya ako nakita.
Agad-agad akong pumunta sa Brent School pero pagkadating ko doon, sabi nung guard walang pasok yung mga estudyante dun. Hala. Grabe alalang-alala na ako, then naisipan kong pumunta sa bahay nila Mia. Pagkadating ko doon, hinarap ako ng katulong nila Mia. "Ate si Mia po?" tanong ko. "Ay sir nasa kwarto po niya, tawagin ko lang po" sabi nung yaya. "Sige po salamat po" sabi ko. Whew! Sumasakit bigla yung ulo ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...