Mia's POV:
Limang buwan na ang nakalipas at hindi ko na talaga kaya yung sakit at lungkot na nararamdaman naming lahat, kaya nag decide akong hanapin si Ivan. Sinabi ko toh sa pamilya niya "Hindi parin ako nawawalan ng pag asang buhay si Ivan, hahanapin ko po siya at ibabalik dito, kung kenakailangang libutin ko ang buong mundo mahanap lang siya, gagawin ko" sabi ko. "Sigurado ka ba jan sa gagawin mo iha?" tanong ng dad ni Ivan. "Opo tito, gagawin ko po lahat para lang matagpuan si Ivan, nangako kaming hinding hindi namin iiwan ang isa't-isa" sabi ko. "Kung ganun sasama ako sayo" sabi ni Marcelo. "Gagawin ko din lahat, matagpuan ko lang ang kuya ko" dagdag pa niya. "Ako din" sabi ni Cylene. "Anak, dito ka nalang, matagal mawawala sila Marcelo" sabi ni tita Martia. "Pero mommy, ngayon na ngalang ako uuwi dito eh, gusto kong sumama sa kanila kuya, gusto ko makitang buhay si kuya Ivan, please mom?" sabi niya. Walang nagawa sila tita at tito kaya pinayagan na din nila si Cylene na sumama sa amin. So nag simula na nga kaming bumiyahe kinabukasan, kasama din namin sila Athena at Carlos. Nag simula kami sa pinaka tuktok ng Pilipinas, sa Batanes. Isang lingo kaming nagsi stay each place para malibot yung lugar. Pinapadalhan nalang kami nila tita Martia ng pera every week for our pocket money. Ang dami na naming napuntahan, umabot na kami from Region 1 to Visayas wala parin kaming matagpuan. Halos labing isang buwan na kaming biyahe nang biyahe. Then, nakarating kami sa isla ng Guemaras. Isang linggo din kaming nanatili doon, pero wala parin, kelangan ulit naming lumipat sa ibang lugar. Haay. Hindi ako susuko Ivan, mahal na mahal kita, pangako ko iyan.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...