She has his heart already ... How 'bout me? :'(

47 3 0
                                    

Mia's POV: 

                                So ayun, kinabukasan, nagpa celebrate sila tita ng napaka enganyong party. Pero bakit ganon? May iba akong nararamdaman, bakit parang ang layo na ng loob sa akin ni Ivan, mas malapit pa sila ni Jenn. Haay praning nanaman ako. Then nag ayos na nga ako para sa party. Pagkadating ko sa bahay nila Ivan, nakailaw na lahat at marami na ring bisita. Sinalubong ako ni tita Martia "O iha good thing you're already here and you look so gorgeous just like your mother in law!" sabi niya then nakipag beso-beso siya sa akin. "Thank you po tita, si Ivan po?" sabi ko. "Ah nandoon sa may pool side, kasama niya yung kaibigan niya sa Guemaras, si Jenn?" sabi niya. "Ah ganun po ba sige puntahan ko nalang po" sabi ko. "Sure iha" sabi ni tita then pumunta na ako doon. Pagkadating ko sa pool side, nag uusap nga yung dalawa. Nilapitan ako ni Athena "Sis, super close ata nung Jenn at ni Ivan, grabe oh, sarap ng ngitian nilang dalawa, sa tingin mo merong something sa kanila since 16 months na nawala si Ivan?" Sabi niya. "Wala naman siguro, sadyang close lang talaga sila kasi si Jenn lang naman yung super kilala niya ngayon dito" sabi ko. "Haay nako siguraduhin mo lang sis, baka mamaya maagawan ka" sabi niya. "Sus hindi noh wag mong isipin yan praning" sabi ko. "Haha okay" sabi nalang ni Athena then mejo lumapit ako dun sa dalawa and narinig ko yung usapan nila. "Bakit ganyan lang ayos mo?" sabi ni Ivan kay Jenn. "Bakit? Pangit ba ako?" sabi ni Jenn. "Hindi ah, pero binibigyan ka ni mommy ng magandang dress at sapatos kanina, libre pa, pero ayaw mo" sabi ni Ivan. "Hindi kasi ako sanay na nagsusuot ng mga ganun eh" sabi ni Jenn. "Sabagay, maganda ka parin naman kahit na anong suot mo" sabi ni Ivan. "Sus wag ka nga mang bola jan" sabi ni Jenn. "Hindi naman ako nambobola ah, totoo kayang maganda ka, mabait pa, isang tunay na kaibigan" sabi ni Ivan. Ngumiti lang si Jenn. Nag echo bigla sa utak ko yung mga words ni Ivan ... Bakit parang familiar sa akin yung scene na nakikita at naririnig ko ngayon? Para bang nangyari na rin sa akin toh, anu toh DE JAVU?? Eh wala naman akong matandaang sinabi sa akin ni Ivan yun noon, hmm. Ah ewan! Basta hindi ko na maalala. Nilapitan ko nalang sila "Hi Ivan, hi Jenn" sabi ko nalang. "O Mia, anjan ka na pala, kanina ka pa ba jan?" tanong ni Ivan. "Ah hindi kakarating ko lang ngayon lang, hehe" sabi ko kahit na 10 minutes na akong nakatayo doon sa likod nila kanina. "Mia ang ganda ganda ganda mo naman ngayon" sabi ni Jenn. Ngumiti lang ako. "Kaw naman Jenn, matagal na akong maganda noh" sabi ko. "Naman!" sabi ni Jenn. "Joke lang! Toh di na nabiro haha" sabi ko then nilapitan ko si Ivan, kiniss ko siya sa lips then hinawakan ko yung kamay at braso niya. Tinitignan lang kami ni Jenn. "You look so handsome baby, hindi ka parin nagbabago, gwapo ka parin as always" sabi ko then kiniss ko ulit siya sa lips. "Hmm, thank you Mia" sabi lang ni Ivan nang nakangiti. Sinusubukan ko ding tignan si Jenn. "Uhmm, Jenn, grabe noh? Ikakasal na kami ng best friend mo" sabi ko. "Uhmm, hehe... oo nga eh, congrats" sabi niya. "Are you happy for the both of us?" tanong ko. "Naku oo naman, ang swerte nga ni Ivan dahil makakapangasawa siya ng isang tulad mo eh" sabi niya. Ngumiti lang ako. "Swerte din ako, kasi si Ivan ang para sa akin" sabi ko. Ngumiti lang din siya. "Alam mo, ikaw din someday, kapag nahanap mo na yung lalaking para sayo, napaka swerte din nun" sabi ko. "Uhmm, hehe" sabi nalang ni Jenn. Natahimik lang si Ivan. "Tara na sa loob? Tara Ivan" sabi ko. Then pumasok na nga kami. Nilapitan kami ni Ivan ng mga bisita kaya pumunta nalang si Jenn sa tito niya.

Jenn's POV:

             Grabe ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ganun, parang hindi ako masaya nung hinahalikan ni Mia si Ivan? Haay. Tinitignan ko lang sila sa malayo. "O ano gurl, wag mo na silang tignan, nasasaktan ka lang" sabi bigla ni tito. Hindi ako nakapag salita. "Naku .. kagagawan mo yang nangyayari sayo ngayon, alam mo palang mahal mo yang si Ivan, di mo pa siya sinagot habang maaga nun, yan tuloy" sabi ulit niya. Ayokong mag salita. Tama si tito, ang tanga tanga ko. Haay.

Mia's POV:

                    Natapos yung party ng gabi then hinahanap ko ulit si Ivan, nawala nanaman sa tabi ko eh. Pumunta ako sa may garden at nakita ko naglalakad mag isa si Jenn doon. Nakita ko pinuntahan siya ni Ivan. OMG. Totoo nanaman ba ang hinala ni Athena? Anu ba yan! Whoo hindi yan! Nag aadjust palang si Ivan kaya ganun. Then narinig ko ulit yung usapan nila. "Anong ginagawa mo dito? Dapat nasa loob ka lang baka mamaya hanapin ka ni Mia" sabi ni Jenn kay Ivan. "Mia is busy talking to the other guests there, and bakit ka ba nag sosolo dito?" sabi ni Ivan. "Wala, hindi kasi ako bagay makisalamuha sa mga mayayaman" sabi ni Jenn. "Kaya ba ayaw mo din akong sagutin as boyfriend noon?" tanong ni Ivan. What?? OMG totoo nga! (X___X) "Anung pinagsasasabi mo jan?? Manahimik ka nga, baka may makarinig sa atin" sabi ni Jenn. "I know what I'm saying Jenn, may amnesia man ako, alam ko kung ano yung usapan natin dati sa tabi ng dagat noon" sabi ni Ivan. Nanahimik lang si Jenn. "Jenn, ikaw ang mahal ko, si Mia, siguro oo minahal ko siya noon, nung hindi pa ako naaaksidente, pero wala na yun, wala akong maalala, ni wala nga akong maalala manlang na nag propose ako sa kanya eh" sabi ni Ivan. "Pero Ivan, si Mia ang para sayo, mayaman siya katulad mo, maganda siya without any questions, sikat siya at mabait" sabi ni Jenn. "And so what if she had all those things? Kung hindi ko naman na siya mahal? Sinusubukan kong magkaroon ng feelings sa kanya pero wala, it's only the last day when I've met her again like for the first time" sabi ni Ivan. Hindi ko na kaya mga naririnig ko. Waaah! Sinubukan kong ipikit yung mata ko then nung pagkamulat ko... "Jenn, you're the one I love, please don't push me away" sabi ulit ni Ivan then hinalikan niya si Jenn sa lips. Para akong mahihimatay sa nakikita ko, grabe! Sinagasaan nanaman ng Pison yung puso ko! Pumasok nalang ako then tinawag ko sila Athena at Carlos then pinilit ko silang umalis without even asking permission from Ivan's parents. Sumakay kami sa revo ni Carlos, pinag drive ko siya. "Saan ba tayo pupunta sis? Hindi pa tapos yung party eh" sabi ni Athena. "Basta samahan niyo nalang ako please?" sabi ko. "Tsaka san si Ivan?" sabi ni Carlos. "Ah si Ivan iniwan ko muna alangan isama ko siya eh siya nga yung ipinunta nung mga bisita doon" sabi ko. "Sabagay" sabi ni Carlos. "So saan nga tayo pupunta sis?" tanong ulit ni Athena. "Sa Nevada Square" sabi ko. "Oh anung gagawin natin doon? Bar yun ah" sabi ni Carlos. "Eh di mag iinom at magpa party ano pa nga ba?" sabi ko. "Huh?? Eh may party na nga kila Ivan" sabi ni Athena. "Well, sige, kung ayaw niyo akong samahan, ako nalang mag isa ang pupunta" sabi ko. "Sige na nga sasamahan ka na namin" sabi ni Athena, then nakarating na kami doon after 30 minutes, then pumasok na kami sa loob. Umupo na kami sa table namin then agad-agad may lumapit na waiter at binigyan kami ng menu. "Tig isang tequila sunrise lang sa amin ni Athena" sabi ni Carlos. Tumawa ako nang malakas "Yun lang? As in yun lang ang iinumin niyo? Ang weak niyo naman!" sabi ko "Kuya sa akin is tig isang baso ng lahat ng alak niyo dito, wala dapat mamimiss huh?" sabi ko dun sa waiter. "GOSH Mia! As in lahat?? Grabe ka naman!" sabi ni Athena. "O bakit? Kaya nga tayo nandito para magsaya at mag party diba? Hindi para uminom lang ng kakapiranggot na tequila sunrise!" sabi ko nang natatawa. "Sis, may problema ba? Wala ka naman balak magpakalasing ng bonggang-bongga sa dami ng inorder mong alak noh?" sabi ni Athena. "Wala noh! Gusto ko lang magpakasaya dahil nalaman ko kung gaano ako kamahal nang sobra ni Ivan!" sagot ko. "Sigurado ka huh" sabi ni Athena then after 15 minutes dumating na yung mga inumin. Nagsimula na kaming uminom then sobrang daming sumasayaw, ang lakas pa nung music grabe, at naglalambingan nanaman tong sila Athena at Carlos, matagal-tagal na din nung huli ko silang nakitang mag lambingan, hindi ko na nga maalala kung kelan yun eh. Medyo tamado na ako then may mga lumapit na mga tatlong lalaki then dalawang babae sa table namin "Wow miss ang hard ata natin ngayon ah" sabi nung isang lalaki sakin. "Oo naman! FYI matagal na akong hard drinker noh!" sabi ko. Then nakikipag kwentuhan lang sila sa amin at nakipag tawanan, after 2 hours of drinking, lasing na lasing na ako then di ko na mapigilan tumakbo ako sa loob ng C.R para sumuka, then sinundan ako ni Athena. Di ko na din mapigilan umiyak habang sumusuka then pina-pat ni Athena yung likod ko "Sige sis ilabas mo lang yan" sabi ni Athena. Umiiyak parin ako nang sobra dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Sis, alam ko may problema ka, I know you, we've been sisters since forever, sabihin mo na kasi, totoo bang masaya ka kaya ka pumunta dito?" sabi ni Athena. "Sis .. si Ivan kasi eh" sabi ko habang umiiyak parin. "O bakit si Ivan? Anong problema sa kanya?" tanong niya. "Hindi niya ako mahal bhe, hindi ako mahal ni Ivan" sabi ko then niyakap ko si Athena. "Huh? Paanong hindi ka niya mahal? Eh parang kanina lang sabi mo nalaman mo kung gaano ka kamahal ni Ivan?" sabi ni Athena. "Sis hindi, hindi totoo yun, kanina sa party nila Ivan, pupuntahan ko sana siya kaso nung pagdating ko sa garden nakita ko magkasama sila ni Jenn then narinig ko yung usapan nila, sabi ni Ivan si Jenn daw ang mahal niya at hindi ako, sa 16 months na wala siyang maalala satin nawala na din lahat ng nararamdaman niya para sa akin, nakay Jenn na" sabi ko then sumuka ulit ako sa sink. Nanahimik si Athena habang pina-pat yung likod ko then pinakita ko sa kanya yung suot kong ring "Eto, etong singsing na toh, wala nang kwenta toh" sabi ko. Lumabas na kami sa C.R then nag aabang doon si Carlos. "Ok lang ba siya hon?" tanong ni Carlos, "Hindi hon, laki pala ng problema neto eh" sabi ni Athena then kinwento niya lahat nung sinabi ko then natahimik lang din si Carlos, then inalalayan nila ako pabalik sa table namin. "Zupp! Kaya pa ba miss beautiful?" sabi nung isang lalaking kakwentuhan namin then nginitian ko lang sya. "You wanna rock?" tanong nung lalaki. "Sure! Why not??" sabi ko naman ng malakas then tumawa ako "Yun oh! Leggo!" sabi nung lalaki then tumayo sila pati yung mga babae "Maiwan na muna kami dito" sabi ni Carlos then pumunta na kami sa dance floor with the music "We are young" by fun. Naka mini shorts at crop top lahat nung mga babae then ako naka  cocktail dress and high stilletos akong pumunta sa gitna ng dance floor but who cares anyway? It's not about the clothes, it's the guts and the high spirit that matters. So ayun sumayaw na nga kami, ako na ata yung pinaka lasing doon eh.

Jenn's POV:

             Grabe ang sarap sa pakiramdam na ka-halikan ko yung taong mahal ko. Teka... Ano ba tong ginagawa ko?? Oh no! Bigla akong umatras palikod. Tinitignan lang ako ni Ivan. "Jenn..." sabi niya. "Ivan ano bang ginagawa mo? Hindi mo dapat ako hinalikan! Sasaktan mo lang si Mia!" sabi ko. "But I don't love Mia" sabi niya. "Pero bakit? Bakit hindi mo subukang mahalin ulit siya?" sabi ko nang naluluha. "I already told you why... Jenn, bakit ba hindi mo ako kayang matanggap? Alam ko mahal mo din ako, nararamdaman kong mahal mo din ako" sabi niya. "Ivan tama na... hindi tayo ang para sa isa't-isa!" sabi ko. "Bakit... dahil ba sa status ng buhay ko? Eh di sana hindi nalang nila ako nahanap diba? Kung yun lang pala ang rason mo para hindi ako tanggapin" sabi niya. Natahimik lang ako sa sinabi niya then hindi ko na napigilang lumuha, niyakap niya ulit ako.

My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon