Mia's POV:
Habang inaayos ko yung mga papeles ko, naalala ko yung mga sinabi ni Linus kanina. Yung rason kung bakit niya ako nagawang lokohin. Sapat na rason ba yun? Ganun na ba talaga ang tingin ng ibang tao sa mga lumilipat sa mas mataas na lugar? Nakakainis. Hindi ko tuloy alam kung bibigyan ko pa ba siya ng isa pang pagkakataon o hindi na. Haay. Nakaka stress!
Tapos ko nang ayusin yung mga documents ko, ready na ako for next week, pwede na din akong matulog. Habang natutulog ako, naramdaman ko bakit parang hindi ako makahinga. Nagising ako bigla, inaatake ako ng asthma! Wala pa naman din akong gamot, matagal na kasi akong hindi inaatake eh. Sinubukan kong kontakin sila Athena.
Athena's POV:
Habang nag iinuman at nagkakantahan kame, si Linus parang ang lungkot-lungkot nanaman. Ano kayang napag usapan nila ni Mia? Biglang nag ring yung phone ko, si Mia tumatawag, madaling araw na ah, di pa siya tulog? "Hello bhe" sabi ko then naririnig ko parang ang lakas ng pag hinga niya. "Hello Mia?? Okay ka lang??" tanong ko, biglang natahimik sila Carlos then nakatingin na sakin si Linus. "S-sis ... "sabi ni Mia. "Mia? Bakit ganyan yung paghinga mo okay ka lang ba?" sabi ko then tinitignan ko na sila Linus, "Hindi siya maka hinga" sabi ko then tumayo agad si Linus. "Hello Mia?? Okay ka lang ba?? Papunta na kami jan" sabi ko then agad-agad kaming sumakay sa sasakyan ni Carlos papunta kila Mia.
Mia's POV:
Grabe, hindi ako makatayo, nahihilo na ako, hindi na din talaga ako makahinga. After 15 minutes, narinig ko sila Carlos sa baba, kumakatok. Nanghihina na ako, sinubukan kong tumayo, malapit na ako sa pintuan ng kwarto ko pero biglang nag dilim yung paningin ko, bigla akong nag pass out.
Athena's POV:
Hindi bumababa si Mia... Hindi na din niya sinasagot yung phone niya... Sana okay lang siya. Wala na yung susing tinago ni Mia sa bahay nung aso niya, kaya hindi namin mabuksan yung pintuan. Wala kaming choice kundi ang piliting buksan yung pintuan. Nang näbuksan namin, agad-agad kaming tumakbo sa taas. Pagkabukas ko ng pinto, nakahilata na si Mia sa sahig nakasuka siya ng dugo. "OMG Mia!!" sabi ko then agad-agad siyang binuhat ni Linus, tsaka namin siya dinala sa Notre Dame, kung saan nagta trabaho yung asawa ni Jonathan, sakto buti nalang kamo, isa siyang Pulmonologist. Pagkadating namin sa hospital, agad-agad siyang dinala sa E.R para makabitan ng oxygen tank. Yung asawa ni Jonathan at yung mga nurses lang yung nasa loob, kami naman nila Carlos ay nag hihintay sa labas. After 10 minutes, lumabas na yung mga nurse pati si Melissa. "Kumusta siya? Ayos na ba siya?" tanong ni Linus. "Yes, ayos na siya, inatake siya ng asthma niya which is very rare, nasa level siya kung saan kapag inaatake siya nag rereact pati brain at vision niya kaya siya nag pass out. Yung pagkasuka naman niya ng dugo, we just found out that she also has pulmonia, kelangan niyang mag take ng gamot continuously, but she's ok now, she's just sleeping right now, we just have to wait for her to wake up so we could check her again" sabi ni Melissa. "Ah thank you doc, Melissa, salamat din sa Diyos at okay siya" sabi ni Linus. "Ano bang nag cause niyan" tanong ko. "Usually stress, pagod, and over thinking" sabi ni Melissa. "Pwede ba namin siyang puntahan?" tanong ko. "Sure, pwede" sabi ni Melissa then pumasok kami sa E.R. "Haay, dati nang may sakit si Mia, dati na siyang inatake din ng ganyan, remember noong 1 week siyang hindi nakapasok nun dahil na hospital din siya?" sabi ko. "Yup, I remember that" sabi ni Linus. "Dinalaw pa nga natin siya dito nun eh, with Ma'am Suarez" sabi ni Carlos. "Oo nga, tapos kasama itong si Linus, uyyy, eh nung araw na yun eh war sila ni Mia, hahaha" sabi ni Jonathan. Ngumiti lang si Linus. "Grabe pinag isipan ko din nang husto kung paano ko sasabihin sa kanya na kapartner ko siya sa Literature nun, whew!" sabi niya. "Wahaha grabe nga yung reaction ni Mia nun eh, nakakatuwa siya" sabi ni Jonathan. Ngumiti lang ako. "Guys, look, nananaginip siya" sabi bigla ni Melissa. "Huh? Paano mo naman nalaman bhabe?" tanong ni Jonathan. "Look at her eyes, kapag ganyan ang mata ng isang taong tulog, pati yung steadiness nila, ibig sabihin nananaginip sila" sabi ni Melissa. "Talaga? Wow" sabi ko. "Galing talaga ng honey bunch ko!" sabi ni Jonathan ng medyo malakas. "Shshsh! Baka magising!" sabi ni Melissa. "Oopps, sorry" sabi ni Jonathan. "Ano kaya napapanaginipan ng Mia ko" sabi ni Linus. "Ayiiee Mia ko daw oh, gumaganyan ka porket tulog siya at hindi ka niya naririnig" sabi ni Jonathan. "Toh naman, pagbigyan niyo na ako, nagagalit siya kapag naririning niya yun eh" sabi ni Linus. "Kumusta nga pala kayo?" tanong ko. "Oo nga, nagkakamabutihan na ba ulit kayo?" tanong din ni Carlos sa kanya. "Uhmm, yun na nga eh, hindi niya parin ako matanggap, haay" sabi ni Linus. "Naku! Eh paalis na siya next week paano yan" sabi ko. "Susubukan ko parin hangga't hindi ako nauubusan ng oras" sabi niya. "Tama yan bro! Kaya kita idol eh" sabi ni Jonathan. Ngumiti lang ulit si Linus.
Linus' POV:
Grabe nandito nanaman si Mia sa hospital, haay, naalala ko nanaman yung sakit niya, tsk. Nasa harap ko nanaman siya ngayon habang may naka kabit ng dextrose sa kamay niya. Aalagaan kita Mia, nandito lang ako palagi para sayo. Hindi ko hahayaang makuha ka ni Chad, dahil wala naman siyang magandang maibibigay sayo. Sa napakaduming ugali niya palang na iyon, hinding-hindi talaga ako papayag na sa kanya ka mapunta. Sinubukan kong hawakan yung kamay niya "Mia, mahal ko, alam ko malakas kang tao, and sobrang mahal na mahal parin kita hanggang ngayon" sabi ko ng mahina then umupo nalang ako sa tabi niya, tinititigan ko lang siya.
Mia's POV:
Nakahiga ako sa hospital bed, inatake nanaman ba ako? Whew. Pagkalingon ko sa tabi, nakatayo sa tabi nung bed si Linus, tinititigan ako, tapos nandoon din sila Athena, pati na din si Ma'am Suarez at yung buong klase niya! What the?? Tumayo ako sa kama ko, sinubukan kong maglakad. Nakangiti lang sila sa akin, anung ginagawa nilang lahat dito? Hmm ... Nandoon din si Bobby! "Bobby?" sabi ko pero hindi siya nagsasalita. Sinubukan ko siyang hawakan pero bakit hindi ko siya maabot? OMG! Patay na ba ako? Oh no! Biglang nanlabo yung paningin ko, pilit akong ibinalik sa kama. Bigla kong minulat mata ko, nananaginip lang pala ako, pero nandito parin ako sa hospital bed. Totoo na ba toh? Sinubukan kong tumingin sa tabi, nandoon ulit si Linus, tinitignan ako. Ngumiti siya sa akin. Sinubukan ko siyang hawakan, nahawakan ko yung kamay at mukha niya, hindi na ako nananaginip sa wakas. "Buti naman at nagising ka na Mia" sabi niya. Ngumiti lang ako. "Tatawagin ko lang yung doctor, si Melissa, para ma check ka niya" sabi ni Linus. Then nilapitan ako nila Athena. "Bhe, pinakaba mo kami nang husto ah" sabi niya. "Sorry" sabi ko. "As long as okay ka, okay na din kami" sabi niya. "Salamat huh" sabi ko. Ngumiti lang sila then dumating si Melissa, wow, siya pala ang doctor dito. Chineck niya ako then sinabi niyang pwede na akong makalabas kinaumagahan. "Salamat Melissa" sabi ko. "Walang ano man Mia" sabi niya then lumabas na muna siya. "Guys, salamat huh? Kung wala kayo, malamang patay na ako" sabi ko. "Wag mong sabihin yan Mia, hindi ka pa mamamatay, ang lakas mo kaya" sabi ni Athena. "Hinding hindi ako papayag na mawala ka Mia, hinding hindi" sabi ni Linus. Ngumiti lang ako sa kanya. "O siya, uwi na muna kami sis, maiwan muna si Linus dito mag bantay sayo, alas kwatro na ng umaga eh, see you later" sabi ni Athena. "Sige, maraming salamat ulit ha?" sabi ko. "You're welcome sis" sabi niya then niyakap niya ako then umalis na sila ni Carlos. Si Jonathan naman, umuwi din muna para pag handaan ng pagkain si Melissa pag uwi. So kami nalang ni Linus ang natira doon sa room. "Mia, ituloy mo na yung tulog mo,para makapag pahinga ka ng husto, dito lang ako sa tabi mo" sabi ni Linus. "Bakit di ka na rin muna umuwi, para makapag pahinga ka rin" sabi ko. "Mia, I remember you telling me that you always need me by your side, tutuparin ko yun Mia, sa bawat araw na natitira sa ating dalawa bago ka umalis, gusto kong iparamdam sayo yung saya na dapat noon mo pa naramdaman" sabi niya. Ngumiti lang ako then hinawakan ko yung kamay niya "Maraming salamat Linus" sabi ko. "Anytime Mia" sabi niya then pumikit na ulit ako.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...