2nd Kilometer

216 19 2
                                    


***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Isang oras na kaming bumabiyahe, hindi pa rin namin alam kung saan kami pupunta. Nakarating na kami sa kabilang siyudad, mag-aala singko na rin ng umaga. Kanina pa nakatulog si Asher sa kinauupuan niya, kaya paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya. Bahagyang nakaharap ang mukha niya sa bintana ng sasakyan kaya kita ko pa rin kahit papaano ang kanyang mukha. Saka patuloy pa rin na nagpi-play ang mga kanta sa kanyang phone na nakakonekta sa speaker ng sasakyan ko.

Mayamaya pa ay napansin ko ang paggalaw niya mula sa kanyang pagkakasandal sa upuan. Kaya sandali ko siyang tiningnan, at nakitang kagigising lang niya sa kanyang tulog. Lumingon siya sa akin at agad akong nginitian. Kaya nginitan ko rin siya pabalik.

    "Morning," bulong niya sa akin at marahan akong tumango.

    "How's your sleep by the way?"

    Umayos siya ng upo at nag-inat ng kanyang mga braso, saka bumuntonghininga.

    "Okay lang, nakatulog naman nang maayos. Ikaw pala? Hindi ka ba inaantok?" aniya at tumingin sa akin. Umiling ako at tipid siyang nginitian.

    "Nah, I'm not sleepy yet."

    "But you need to sleep at least, Jett," saad niya, dahilan para umasiwa ako.

    "Thanks for the concern, pero okay lang talaga ako."

    Tinitigan niya ako nang seryoso.

    "You need to wake up."

    Nang dahil sa sinabi niya ay naagaw niya ang atensyon ko. Agad namang kumunot ang noo ko nang lumingon ako sa kanya.

    "But...I'm already awake," sagot ko at nakipagsukatan sa kanya ng tingin. Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. 

"What?"

    Ilang sandali pa ay umiwas siya ng tingin sa akin sabay iling nang marahan. At sa katahimikan niya ay nagbigay sa akin ng konting pag-aalala. Kaya simula no'n ay hindi na ako mapakali. Talagang binabagabag ang isip ko sa sinabi niya sa akin.

    "Bakit mo nga pala nasabing kailangan kong magising?"

    Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Siyempre, ilang oras ka ng nagmamaneho. Tapos wala ka pang tulog. E baka bigla kang antukin d'yan at ma-aksidente pa tayong dalawa."

    Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa sa sinabi niya, kaya bahagyang sumama ang timpla ng kanyang mukha.

    "Seryoso ako, Jett," seryoso niyang saad. Kaya agad ding nawala ang ngiti sa labi ko't tumikhim.

    "Sorry," sagot ko naman at bumuntonghininga. "Pero hindi pa talaga ako inaantok. Promise. Kung inaantok man ako ay sasabihin ko naman sa 'yo."

    "Talaga lang ha?"

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon