14th Kilometer

37 3 0
                                    


***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong tumungo sa kuwarto ko't kinuha ang mga malalaking kahon na nakatago sa ilalim ng aking kama. May dalawang kahon ang nando'n kaya iyong isa muna ang binuksan ko, at agad na bumungad sa akin ang mga lumang gamit na mayro'n ako. Kinalkal ko 'yong nasa pinakailalim at nakakita ako ng isang lumang handy na digital camera. Bahagyang napakunot ang noo ko habang tinititigan ito. Mayamaya pa ay tuluyan ko na itong kinuha dahil sa kuryusidad, at masinsinang sinuri ang bawat detalye nito. Pagkatapos ay hinanap ko 'yong on button no'n, at nang umilaw ang LCD screen niya ay agad akong tumungo sa gallery. Pero agad ding lumitaw sa screen na "no memory card inserted", kaya tiningnan ko ulit iyong laman ng box at kinalkal, hanggang sa nahanap ko na ang hinahanap ko.

Ipinasok ko na ang memory card sa slot nito't muling bumalik sa gallery, at bumungad sa akin ang samu't saring mga litrato—na sa unang tingin ko pa lang ay alam ko ng ilang taon na itong nakuhanan. Pinindot ko 'yong pinakaunang litrato sa taas, at nang mag-fullscreen ito ay bumungad sa akin ang nakangiti kong mukha. Kaya bahagya akong nagulat at napakunot ang noo ko. Hinanap ko sa gilid nito kung may nakalagay ba na petsa kung kailan ito nakuhanan, at hindi naman ako nabigo. Nakalagay doon na taong 2012 pa itong nakuhanan, kaya hindi na nakapagtatakang ang bata ko pa tingnan sa litratong 'yon.

Tiningnan ko pa 'yong mga sumunod na litrato at puro mga stolen shots lang ang nakikita ko. Medyo grainy saka blurry din 'yong quality ng mga pictures, kaya hindi ko masyadong mamukhaan at maalala ang mga pangyayaring nandoon sa bawat litratong nakikita ko. Dahan-dahan akong tumayo at umupo sa gilid ng aking kama, at doon ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Habang nagtitingin sa mga litrato ay bigla akong nakarinig ng katok sa labas ng pinto ng kuwarto ko, kaya sandali akong natigilan sa aking ginawa. Ilang sandali pa ay bumukas ito at bumungad ang gulat na mukha ni mama nang makita akong nakaupo sa kama ko.

"O, ang aga mo yatang nagising ngayon?" untag niya, pero nagpatay-malisya lang ako at agad na ibinalik ang aking atensyon sa ginagawa ko kanina.

Naramdaman ko naman siyang pumasok na nang tuluyan sa kuwarto ko at naglalakad papunta sa akin. 

"Hay nako, lumabas ka na naman ba kanina? Jusko, ilang beses ba namin kailangang ipaintindi na delikado sa 'yo ang magmaneho nang mag-isa! Gusto mo na naman bang maaksidente ha?" sunod-sunod niyang pangaral sa akin. Pero mas nakatuon lang ang atensyon ko sa aking ginagawa.

Mayamaya pa ay nagulat ako nang bigla niya itong hablutin sa akin, kaya agad akong napatingin sa kanya na nakakunot ang noo ko.

"Umagang-umaga, e nagsisimula ka na naman. I'm talking to you, Jett Brenan Alcantara!"

Umirap ako at pilit na inabot ang hawak niyang cam, pero agad niya itong nilayo sa akin. At masama akong tiningnan.

"I'm doing something, Ma! Ano ba? At saka wala naman akong ginagawa. E ikaw nga lang 'tong biglang papasok sa kuwarto ko nang ganito kaaga, para lang pangaralan ako!" sunod-sunod kong saad at tumayo.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon