20th Kilometer

43 2 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Ilang oras na akong tulala't nakatitig sa kawalan. Hindi ko namalayang ala siyete na pala ng umaga, ngunit heto pa rin ako—gising pa rin ang aking diwa at hindi nakararamdaman ng antok. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa isipan ko ngayon, at magpahanggang-ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari noong gabi ng birthday party ni Doc Zeke. At 'yong komprontasyon naming dalawa ni Jester.

Apat na araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang pangyayaring 'yon, na siyang nagbibigay sa akin ng pangamba nang marinig ko mula sa bibig ni Jester ang lahat ng mga akusasyon at pambibintang niya. Lalo na noong sinabi niyang inagaw ko si Asher mula sa kanya, at ako rin ang dahilan para mawala siya sa amin nang tuluyan.

Kaya ngayon ay hindi ko pa rin matanggap kung bakit hindi ko maalala ang lahat ng mga ibinibintang niya sa akin. I also starting to hate myself for being like this, a worthless piece of shit. Ang bigat ng dibdib ko ngayon dahil gustong-gusto ko ng malaman at mabigyan ang lahat ng mga katanungang pabalik-balik na umiikot sa isipan ko. Na kung ano ba talaga ang nangyari noon para humantong ang lahat sa ganito.

At kung sino nga ba talaga si Asher sa buhay ko't bakit ganoon na lang kalaki ang galing niya sa akin.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin, gayong para akong nawala sa kawalan. Hindi na alam kung saan ang daan pabalik.

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay bigla ko na lang narinig na may kumatok nang marahan sa pinto ng kuwarto ko, kaya agad akong lumingon dito para hintayin at alamin kung sino 'yon.

"Jett, anak? Gising ka na ba? Halika na't mag-aalmusal na tayo..."

Pinakinggan ko lang ang mga sinabi ni mama sa akin at nanatiling nakaupo. Pagkatapos no'n ay huminga ako nang malalim at agad na lumihis ng tingin sa pinto. Mayamaya pa ay narinig ko na lang ang pagbukas nito't naramdaman ang presensya ni mama na kapapasok lang.

Naglakad siya patungo sa akin at umupo sa tabi ko. Kaya sa gilid ng aking mga mata ay kita kong nakatingin siya sa akin, dala ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ilang araw ka ng ganyan. Nag-aalala na ako sa 'yo nang husto..." pabulong niyang sabi sa akin at kinuha ang kamay ko't marahan niya itong pinisil.

Yumuko ako para hindi niya makita ang mukha ko ngayong papaiyak na dahil sa mga emosyong nagbabadyang mamayani sa aking dibdib. Emosyong hindi ko na maintindihan kung para saan, at bakit.

Hanggang sa unti-unti ko na ring naramdaman ang pagtulo ng sarili kong mga luha. Hinayaan ko lang ito kasabay ng paghinga nang malalim.

"Sino ba talaga si Asher sa buhay ko Ma?"

Naramdaman ng presensya ko't sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko, na natigilan siya sa tanong ko. Kaya agad kong inangat ang tingin ko sa kanya't bumungad sa akin ang gulat sa kanyang mukha—na siyang laking ipinagtataka ko sa sandaling 'yon.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon