***
Two days had passed, but it's still feels like yesterday. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Asher sa akin dahil sa nangyari. Throughout the travel of going home, wala kaming imikan. As much as I tried to talk to him, still, in the end, iniiwasan pa rin niya ako. Kaya labis na lang ang pagsisisi ko ngayon.
Ang bigat pala sa pakiramdam na galit sa 'yo 'yong taong pinapahalagahan mo. Na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin 'yong konsensyang dala ko noong araw na nagsimula siyang magalit sa akin. I tried to contact him, sending him bunch of messages, and attempting to call him. Lahat ng paraan na alam ko ay ginawa ko na para lang makausap siya. Pero sa huli ay ganoon pa rin, kahit paghinga niya ay wala akong narinig mula sa kanya.
Pinaplano ko na noong isang araw pa na puntahan siya sa kanila, pero hindi ko naman alam kung saan talaga siya nakatira ngayon. Kasi sa tuwing hinahatid ko siya pauwi ay doon lang siya nagpapababa sa highway, gaya ng dati. Kaya talagang wala akong ideya ngayon kung saan ko siya hahanapin.
Para akong naghahanap ng taong hindi naman nag-eexist.
Sa tuwing naaalala ko kung bakit ko 'yon nagawa sa kanya, wala akong ibang maramdaman sa sarili ko kundi galit, at inis. And because of that, I can't stop to overthink again.
Paano kung...ayaw na niya akong maging kaibigan?
Paano kung 'yon na pala ang huling beses na makita ko siya?
Growing up in a miserable family, and with a fucked up personality, he's the only one that I am sure of. I know that it's strange to admit, pero sa tuwing nandiyan sa tabi ko't magkasama kami ay kumakalma ako. Time can't measure how much he means to me.
Sa mundo ko ngayon—na hindi ko alam kung may kasiguraduhan pa ba, ay siya na lang 'yong masasabi kong mayroon ako. Na malaya kong nagagawa ang lahat ng gusto ko nang walang pag-alinlangan kasi hindi niya ako hinuhusgahan.
At ngayon ko lang ulit ito naramdaman.
Sa kaiisip ko ay hindi ko namalayang alas tres na pala ng madaling araw. Kinuha ko 'yong phone kong nakapatong sa ibabaw ng bedside table, at muling sinubukang tawagan si Asher. Nakailang subok pa ako ng pagtawag sa kanya, pero sa huli ay bigo pa rin akong marinig ang boses niya. Kaya mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil doon.
Pero agad ding naputol 'yon nang makita kong umiilaw ang screen ng phone ko't narinig ang pag-ring nito. Kaya dali-dali ko itong tiningnan, at nagulat nang makitang rumirehistro sa screen ang pangalan niyang tumatawag. Sa sobrang sabik ay napangiti ako't walang pag-alinlangan na sinagot ang tawag niya.
"Asher..." mahina kong sambit.
Agad na bumungad sa akin ang isang katahimikan. Naghintay muna ako nang ilang segundo bago ulit ako nagsalita.
"Nand'yan ka ba?"
Mayamaya pa ay narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga.
"Ano? Napagtanto mo na bang gusto mo pa rin akong maging parte ng buhay mo?"
BINABASA MO ANG
Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]
General Fiction- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List *** When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...