13th Kilometer

27 3 0
                                    


***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakahiga sa kama, at nasa kamay ko pa rin ang litratong 'yon. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko't napagtantong alas diyes na pala ng gabi. Ngayon ko lang din naalalang hindi pa pala ako kumakain simula nang dumating kami kanina. Kaya agad akong bumangon, at dumiretso sa kusina. Naka-off iyong ilaw sa sala pagkalabas ko ng kuwarto, at tanging wall lamp lang ang naka-on. Nakita kong may nakapatong na kaldero sa kalan kaya binuksan ko ito para malaman kung ano ang laman no'n, at napangiti nang mapagtantong sinigang na baboy lang pala 'yon na niluto ni mama kanina. Agad kong in-on ang stove para initing muli 'yon dahil nalipasan na ng lamig.

Sunod naman akong tumungo sa ref at binuksan ito. Kumuha ako ng dalawang sili at kalamansi. Hiniwa ko 'yong sili sa maliliit at nilagay sa isang maliit na dipping bowl. Piniga ko na rin ang mga kalamansi roon, saka ako naglagay ng sukang paumbong. At hinalo ang lahat ng 'yon. Nakaugalian ko na kasi na kapag kakain ako ng sinigang, kahit anong klaseng sangkap man ang gagamitin, ay hindi talaga dapat puwedeng mawala 'yong ganoong sawsawan. Ginaganahan kasi akong kumain kapag may kasamang maanghang na sawsawang.

Nang mainit na ulit iyong sinigang ay saka lang ako naglagay no'n sa isang soup bowl, at sinunod naman ang kanin sa isang plato. Bago umupo sa dining table ay binuhay ko muna ang ilaw sa kusina. Pagkatapos ay agad na akong kumain.

Unang higop ko pa lang sa sabaw na nasa kutsara ko ay talagang napapikit ako dahil miss na miss ko na ang lasa no'n. Somehow, it's my comfort food. Kaya talagang masaya ako ngayon kahit papaano dahil nilutuan ako ni mama ng isa sa mga paborito kong ulam. Sa nakaraang isang buwan kong pamamalagi sa ospital, ay ngayon lang ulit ako nakatikim ng lutong-bahay. 

Iba pa rin talaga ang lasa ng lutong-bahay—na siyang nagbibigay-buhay sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang mga pinagkainan ko bago ako ulit tumungo sa kuwarto ko. Pagbalik ko roon ay umupo ako dulo ng kama, at muli na namang nahagip ng mga mata ko ang litrato na nakita't hawak ko kanina.

Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang isang katanungan, na kung sino nga ba siya sa buhay ko? At kung bakit may gano'n akong litrato. But that letter made my heart skip a beat the moment I read that letter. Kahit wala mang kasiguraduhan ay malakas pa rin ang pakiramdam ko na para sa akin ang sulat na 'yon. Bumuntonghininga na lang ako sa mga naiisip ko ngayon.

Hindi ko namalayan at mag-alas dose na pala ng hating gabi. Pero heto pa rin ako ngayon, gising pa rin ang diwa ko. At ngayong oras na ito ay paniguradong ang himbing na ng tulog ni mama. Kaya sobrang nakababagot, at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon para mawala ang pagkabagot ko.

Hanggang sa naisipan ko na lang na lumabas at mag-road trip. Kaya agad kong hinanap ang susi ng sasakyan ni mama sa labas ng kuwarto niya. May maliit na lamesa kasing nakalagay doon, at kadalasan ay doon niya nilalagay ang susi ng kanyang sasakyan. At hindi naman ako nabigo sa hula ko dahil nakalagay nga roon ang susi, kaya agad ko itong kinuha. Pagkalabas ko ng bahay namin ay agad kong binuksan ang gate saka dumiretso sa garahe pagkatapos para paandarin ang sasakyan.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon