- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List
***
When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
***
"Kanina ka pa tahimik d'yan? Nag-aalala na ako sa 'yo..."
Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho, na para bang nataranta sa biglang pagsalita niya.
Hindi ko namalayang ilang minuto na pala akong tahimik magmula nang bumalik na kaming dalawa sa biyahe. Dalawampung minuto na pala akong gano'n, nakatuon lang ang atensyon ko sa daan, at muntik ko ng makalimutan na kasama ko pa pala siya. Agad din akong tumingin sa kanya nang tawagin niya ako, bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha.
"S-Sorry, I almost forgot na kasama pala kita."
Tumikhim siya't rinig ang kanyang malalim na paghinga.
"As you should."
Kumunot ang noo ko't nagtataka siyang tinapunan ng isang tingin, puno ng tanong ang itsura ko sa sandaling 'yon. Inirapan niya lang ako at tinuon ang atensyon sa labas, sa mga nadadaanan namin. Kaya huminga ako nang malalim at muli siyang tiningnan.
"I'm sorry, okay? Hindi lang kasi ako mapakali simula nang may makita ako sa mukha mo kanina bago tayo umalis."
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko't siya naman 'yong tumingin sa akin.
"Nakita? Bakit, ano ba ang mayro'n sa mukha ko kanina?"
Nagtitigan lang kami sandali, nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko 'yon sa kanya o hindi. Pero sa huli ay bumuntonghininga na lang ako at umiling.
"Nevermind."
Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang muli niyang pag-irap sa akin, halatang naaasar sa sinabi ko sa kanya.
"I'm not a psychic, Jett. Kaya sana ay alam mong wala akong abilidad na basahin kung ano ang laman ng utak mo ngayon. Besides, don't give me anxieties. Alam kong alam mo rin kung ano ang pakiramdam no'n."
Umiling na lang ako nang nagsimula siyang sermonan ako habang nagmamaneho. At huminga nang malalim.
"May mga bagay kasi na hindi na dapat sabihin pa, lalo na at alam mong masasaktan lang nang husto ang taong pagsasabihan mo ng bagay na 'yon."
"Pero mas lalong masakit kung panghabang-buhay mo na lang itatago 'yon sa taong pagsasabihan mo sana tungkol sa bagay na 'yon 'di ba? Like there's no such thing as regrets, for not telling those things that it is meant to be said. When you still have a chance."
Natigilan ako sa sinabi niya kahit ang presensya ko naman ay nasa daan. Bigla akong napaisip at napagtantong tama nga siya.
Wala na ngang mas sasakit pa sa panghabambuhay na pagsisisi.
"Iyon na nga lang ang kaisa-isang bagay na nararapat niyang malaman, pero 'yon pa talaga ang ipagkakait mo sa kanya?" dagdag niyang sabi. Kaya tuluyan na akong tumingin sa kanya. At nadatnan kong nakadungaw lang siya sa bintana ng sasakyan ko.