***
Araw ng sabado, at hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Alas tres y medya na ng hapon nang magising ako sa pagtulog ko sa tanghali. Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag-ring ng phone kong nakapatong sa ibabaw ng aking bedside table. Pagtingin ko rito ay sampung missed calls agad ang bumungad sa akin galing kay mama. Nakakunot pa ang noo ko't papikit-pikit pa ang aking mga mata nang tiningnan ko 'yon. Mayamaya lang ay bumangon na ako't humikab saka tumungo sa likod ng pinto para kunin 'yong tuwalyang nakasabit doon. At dumiretso kaagad sa banyo para maligo.
Makaraan ang sampung minuto ay natapos na ako sa pagligo kaya agad na akong nagbihis at nag-ayos para sa pupuntahang birthday party ni Doc Zeke. Pinadalhan niya ako kahapon ng invitation card kung saan nakalagay din doon ang detalye tungkol sa kaarawan niya, lalo na ang kanilang home address. Nang malaman ko 'yon ay napagtanto kong may kalayuan pala ang bahay nila mula rito sa amin. Aabutin pa yata nang halos isang oras bago ako makarating doon.
Nang matapos akong magbihis ay kinuha ko na 'yong susi ng aking sasakyan na nakapatong lang din sa ibabaw ng bedside table. Tumungo na ako sa garahe't siniguro munang naka-lock nang maayos ang gate ng bahay namin bago ako umalis. Kanina pa kasi nakaalis si mama't gaya rin ng sabi niya sa akin noong nakaraang araw ay bukas pa siya makakauwi.
Habang nagmamaneho ay naka-on lang 'yong speakers ng sasakyan ko't nagpapatugtog ng mga random music mula sa aking phone. Nang sa ganoon ay hindi ako mabagot sa ginta ng biyahe. Naabutan na ako ng dilim sa daan dahil mga ala singko na ng hapon nang ako ay makaalis.
Makaraan ang humigit isang oras ay natunton ko na ang bahay nila Doc Zeke. Nasa taas ng burol 'yong pinakabahay nila kaya may daan pa paakyat pagpasok mo sa main gate. Mula rito sa baba ay kitang-kita ko na ang magarbong mga ilaw na nakalambitin sa ere. May mga tao rin sa labas ng veranda, at doon ko lang napagtanto na may kalakihan ang bahay nila. Iyong design nito ay gawa sa bato na may halong kahoy, sort of modern, and somehow minimalist.
Pagdating ko sa parking lot ay hindi muna ako agad bumaba pagkapatay ko sa makina ng sasakyan. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng kaunting kaba sa hindi malamang dahilan. Mula ng paglabas ko ng ospital ay ngayon lang ulit ako makapupunta sa ganitong klaseng okasyon—na kung saan may maraming tao.
Paulit-ulit akong huminga nang malalim hanggang sa pareho ko ng nararamdaman ang pagiging kalmado ng aking puso at isipan. Kaya sa puntong 'yon ay nagdesisyon na akong bumaba. Agad kong inayos ang dulo ng suot kong blazer na pinalooban ng round neck cotton shirt. Iyong pambaba ko naman ay isang korean style slack pants na above the knee ang haba nito. At tinernuhan ng puting sneaker shoes. Sumabay na akong naglakad papasok sa loob kasama ang iba ring bisita ni Doc Zeke na kararating lang.
Pagkarating ko sa mismong labas ng bahay sa malawak nilang patio, ay agad kong nakita si Doc Zeke na nakatayo sa gilid at may kausap. Kaya agad ko siyang nilapitan at tinawag.
BINABASA MO ANG
Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]
Ficción General- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List *** When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...