***
Dahil sa mga nangyari nitong nakaraang araw, at sa mga bagay na nalaman ko, ay napagdesisyunan kong alamin ang tungkol sa pagkatao ni Asher. Nangangamba man na baka nga ay walang kasiguraduhan itong pinaplano ko ngayon, ay umaasa pa rin ako na tuluyan ko ng malaman at mahanap ang mga kasagutan sa tanong na matagal na ako nitong binabagabag. At tungkol na rin sa pagkatao ko, sa nakaraan ko. Inipon ko ang lahat ng mga bagay na maaaring makatutulong sa akin para mas mapadali ang aking pinaplano, mula sa litrato niya, sa cassette tape at player, maging iyong liham sa likod ng kanyang litrato. Lahat ng iyon ay itinago ko sa isang maliit na kahon.
Kahapon ko lang din nalaman na ipinaayos na pala ni papa ang sasakyan ko. Inuwi niya 'yon dito sa amin kagabi kaya sobrang tuwa ko nang makita ito. Pero agad ding pumagitna sa amin si mama't sinabihan siya na bakit pa niya raw inuwi iyon sa amin. Gayong kagagaling ko lang sa isang malalang aksidente. Baka maulit na naman daw ang nangyari sa akin noon, kaya natatakot siyang magkaroon ako ulit ng sarili kong sasakyan. Sandali pa kaming nagtalo ni mama dahil kinontra ko iyong mga desisyon niya para sa akin.
Inis na inis ako sa kanya dahil sa huli ay siya pa rin ang nasunod. Walang nagawa si papa kaya ibinigay niya kay mama ang susi ng sasakyan ko. Kaya talagang nag-walk out ako sa harap niya't hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kinakausap. Nakakainis lang din dahil alas tres na ng madaling araw at hindi ko pa rin mahanap iyong susi ng kanyang sasakyan. Sa hula ko ay nilagay na niya 'yon sa loob ng kanyang kuwarto para hindi ko na maitakas pa ulit ang sasakyan niya nang ganitong oras.
Yamot na yamot ako habang hinahanap ko pa rin iyong susi. Hanggang sa nahanap ko nga ito, pero ibang susi naman 'yon. Ang lapad ng ngiti ko nang mapagtantong susi pala iyon ng sasakyan ko. Kaya agad akong bumalik sa kuwarto ko para kunin 'yong bag na dadalhin ko.
Kahapon ko pa ito talagang iniisip nang mabuti, at ngayon ay nakapagdesisyon na akong hanapin kung saan nakatira si Asher. Alam kong napakaimposibleng mangyari 'yon kasi hindi ko rin naman alam iyong eksaktong address ng bahay nila. O lugar kung saan ko talaga siya mahahanap. But I will trust my gut feeling for now. Ang lakas kasi ng kutob ko na kailangan ko 'tong gawin. Nararamdaman ko na may makukuha akong sagot mula rito sa gagawin ko.
At ngayon nga ay nagmamaneho na ako sa gitna ng tahimik na daan. Hindi alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko lang ay gusto kong mahanap ang mga kasagutan tungkol sa pagkatao niya.
Tiningnan ko 'yong oras sa aking phone at nakitang mag-aala singko na pala ng umaga. Habang nagmamaneho ay nakaramdam naman ako ng gutom kaya kumain muna ako sa isang lugawan, at um-order ng arroz caldo. Bigla na lang din kasi akong nag-crave kanina sa hindi malamang dahilan.
Pagdating ko rito sa lugawan na nahanap ko ay kaunti lang 'yong mga customers na nando'n—na sa hula ko ay mga biyahero rin base pa lang sa suot nila. Nang nakatayo na ako sa harap ng counter ay nginitian ako ng isang lalaking nasa mid-40's. Pero laking gulat ko na lang nang batiin niya ako.
BINABASA MO ANG
Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]
General Fiction- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List *** When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...