21st Kilometer

37 2 2
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Dumaan pa ang mga araw hanggang sa naging linggo, ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Walang ipinagbago. Nanatili pa ring blangko ang puso't isip ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko lalo na at unti-unti ko ng natutuklasan ang mga katotohanang noon ko pa gustong malaman. Sana nga ay hindi ko na lang nalaman ang lahat ng 'yon. Siguro nga ay tama nga 'yong ginawa ni mama sa akin simula nang magising ako—na itago sa akin ang lahat ng katotohanan tungkol sa nakaraan ko. Kasi hindi ko lubos akalaing ganito pala ang magiging epekto no'n sa akin.

Iyong galit at pagkamuhi na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko alam kung para saan, o kung para kanino.

Hindi ko rin alam kung makakaya ko pa bang harapin ulit si Jester matapos kong malaman sa kanya ang katotohanang noon ko pa inasam-asam, lalong-lalo na kay Asher. Iyong konsensya na patuloy pa ring namumutawi sa buo kong katawan, ang siyang kumakain sa akin ngayon nang paunti-unti.

At hindi ko alam kung kailan ako mauubos nito.

Sana nga ay hindi na lang ako nagising mula sa mahaba kong tulog noon.

Nabalik ako sa aking ulirat mula sa mahaba kong pagmumuni-muni nang marinig kong nagriring ang phone kong nakapatong sa upuang nasa tabi ko. Nandito ako ngayon sa loob ng aking sasakyan, nakahinto sa tapat ng isang drug store. Ilang minuto na akong nakaupo rito sa loob, iniisip ang planong nais kong gawin. Kahit namamayani man ang kaba't takot sa aking dibdib, desidido pa rin akong gawin ang planong ninanais kong mangyari.

Huminga ako nang malalim bago ko na tinuluyang buksan ang pinto ng driver seat saka ako lumabas na nang tuluyan. Paglabas ko ay tumayo muna ako't pinagmasdan saglit 'yong harap ng drug store, at pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad papasok sa loob. Mag-aala-singko na ng umaga, at sa kabutihang palay ay twenty-four hours open 'tong drug store na nahanap ko.

Pagpasok ko sa loob ay sobrang tahimik at 'yong nag-iisang babaeng pharmacist na nasa mid-30's lang ang taong nakikita kong nakatayo sa harap ng counter, may ini-encode sa computer na kaharap niya. Noong una ay alanganin pa akong tuluyang pumasok dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Pero kalaunan ay nakayanan ko ng maglakad papunta sa counter. At nang makaharap ko na 'yong pharmacist ay tumigil siya sandali sa ginagawa niya para harapin ako.

Agad niya akong nginitian habang ako naman ay hindi makatingin sa kanya nang diretso. Tumikhim ako't parehong ibinulsa ang kamay ko sa bulsa ng suot ko ngayon na kulay abong jacket.

"Ano ba 'yong hinahanap mo hijo? Baka may maitutulong ako sa 'yo?" tanong nito sa akin.

Palihim akong lumunok bago nagsalita.

"Uhm, a-ano po..." halos mautal-utal kong sabi't bahagyang nakayuko. "May mga stimulants po ba kayong binebenta rito?" dagdag kong sabi.

Tuluyan ko ng inangat ang tingin ko sa kanya't bumungad sa akin ang bahagyang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya't seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon