19th Kilometer

30 3 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Biglang nanalaytay ang kaba sa aking dibdib nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi ko mabuka ang bibig ko para magsalita, maging ang katawan ko sa paggalaw. Para akong na-estatwa sa kinauupuan ko ngayon. Napansin ko naman mula sa gilid ng aking mga mata ang paglipat ng tingin ni Doc Zeke sa aming dalawa, tila ba ay naguguluhan sa nangyayari. Nakakunot ang kanyang noo at bahagyang nakaawang ang kanyang bibig.

"Anong ginagawa mo rito?" kalmadong tanong ni Jester sa akin, na nakakunot din ang noo niya.

Tumikhim ako at nagsalita.

"Inimbitahan ako ni Doc Zeke sa birthday party niya..."

Agad naman siyang tumingin sa katabi niya't mas lalong napakunot ang kanyang noo. "Magkakilala pala kayong dalawa kuya?"

Ako naman 'yong napakunot ang noo nang tawagin niyang kuya si Doc Zeke. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa, tinitingnan ang kanilang ginagawa.

Umayos naman ng upo si Doc Zeke at tumikhim.

"Uhm, yes. He was my patient back then. Bakit? Magkakilala rin ba kayong dalawa?"

Muli siyang tumingin sa akin na bahagyang seryoso ang reaksyon ng mukha niya't tumango.

"An old friend, perhaps..."

Wala sa wisyo ring tumango si Doc Zeke sa sinabi niya't sa akin naman siya tumingin.

"I-I didn't expect that you knew each other. Indeed, what a small world!" ani Doc Zeke at humalakhak. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Jester kaya umiwas ako ng tingin sa kanya nang mapansin kong unti-unting lumalalim ang tingin niya sa akin.

Huminga siya nang malalim at tipid na ngumiti saka niya nilahad ang kanyang kamay sa akin.

"It's nice to meet you again...Jett," saad niya na may diin sa aking pangalan.

Ilang segundo ko munang tinitigan ang kamay niya bago ko ito tuluyang tinanggap at nakipagkamay sa kanya. Ramdam ko 'yong tensyong namamagitan sa aming dalawa—na siyang ikinakabahala ko sa mga sandaling 'yon.

Pagkatapos no'n ay tumayo si Doc Zeke at hinawakan ang balikat ko, saka niya ito marahang tinapik. Kaya tumingala ako sa kanya't nginitian ako.

"O siya, maiwan ko muna kayong dalawa at nang makapag-usap kayo nang masinsinan. Babalik lang ako," sabi niya sa aming dalawa.

Tumango lang si Jester sa kanya at nginitian siya nang tipid. Nang tuluyan na siyang makaalis ay saka lang nawala ang ngiti sa labi niya't napalitan ito ng isang buntonghininga. Muli niya akong nilingon kaya umayos ako ng upo at hindi makatingin sa kanya nang diretso.

"Kapatid mo pala si Doc Zeke?" agad kong tanong sa kanya, bilang pambasag na rin sa katahimikang unti-unting namamayani sa pagitan namin.

Agad naman siyang umiling.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon