17th Kilometer

34 3 0
                                    


***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Nang matapos akong kumain ay saka naman ulit lumabas si Jackson mula sa loob ng kusina sa kanilang arroz caldo-han. Nagpasalamat ako sa kanya pati na rin kay Kuya Larry, na nginitian ako nito't tinanguan. Nagpaalam lang si Jackson sa kanyang tito na ihahatid niya ako sa labas. Kaya nakatayo kaming dalawa ngayon sa harap ng sasakyan ko.

"Thank you nga pala sa pagbigay sa akin ng mga impormasyon tungkol kay Asher, Jackson," panimula ko.

Ngumiti siya't tinanguan ako.

"Wala 'yon, Jett. Saka kung ano man 'yong pinagdadaanan mo ngayon, lalo na sa mga tanong na bumabagabag sa isipan mo, sana ay mahanap mo na ang mga kasagutan sa mga ito."

Tumikhim ako bago muling nagsalita.

"Sana nga, Jackson," saad ko't huminga nang malalim. "Kailangan ko na nga pa lang umalis. Kita na lang tayo ulit sa susunod."

"Sige, sige. No worries. Ingat ka rin sa biyahe."

Kumaway siya sa akin nang nakapasok na ako sa loob ng aking sasakyan kaya nginitian ko siya ng tipid, at kinawayan din pabalik. Mayamaya pa ay nagsimula na akong magmaneho't umalis sa lugar na 'yon.

Habang nasa gitna ng biyahe ay bigla na lang nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan na nakapatong sa upuang katabi ko. At rumehistro ang pangalan ni mama sa screen. Kaya hindi ko maiwasang bumuntonghininga't piniling huwag 'yon sagutin. Pero patuloy lang ito sa pag-ring nang ilang segundo kaya wala akong nagawa't sinagot na lang ang tawag niya, dahil unti-unti na rin akong naaalibadbaran sa ingay nito.

Hindi pa man ako nakakapagsalita, ay agad ng bumungad sa akin ang malakas na boses ni mama sa kabilang linya.

"Pabalik-balik na naman ba tayo rito, Jett? Ilang beses ka ba dapat maaksidente para lang matauhan ka?"

Umirap ako kahit hindi niya iyon nakikita at sumingasing.

"Can you calm down Ma? May pupuntahan lang ako. And yes, I'm sorry I didn't tell you about my plan earlier. But please, just trust me this time, okay? Mag-iingat po ako."

Narinig ko lang ang mabigat niyang paghinga at sandaling pagtahimik.

"Hindi mo maiaalis sa akin ang labis na pangangamba kasi ina mo ako, Jett. Magulang mo ako, kaya natural lang na ganito ako kung mag-react nang malaman kong tumakas ka na naman dala 'yang sasakyan mo. You don't know the fear that is lurking inside of me right now, knowing that kagagaling mo lang sa isang malalang aksidente. Iniisip mo ba 'yon ha?"

"I know, Ma. Again, I'm sorry okay? But please, just trust me this time. I will be extra careful. Ayoko rin namang mangyari ulit iyong nangyari sa akin noon."

Muli kong narinig ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya.

"Saan ka ba talaga pupunta ngayon? Just at least tell me where you are going, nang sa gano'n ay mapanatag ang loob ko kahit papaano..."

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon