26th Kilometer

39 1 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Awtomatikong rumehistro sa labi ko ang isang matamis na ngiti nang tumama sa aking buhok ang hanging dala ng mga along pinagmamasdan ko ngayon—na siyang lumugay sa ayos nito. Tumama rin ang sikat ng palulubog na araw sa aking mukha. Tumingala ako nang bahagya at huminga nang malalim para tuluyang maramdaman ang sandaling 'yon. Parang musika sa aking tenga iyong tunog ng mga along tumatama sa dalampasigan.

Mag-tatatlong linggo na ang nakararaan nang makalabas na ako ng ospital. Mabuti na nga lang at wala ng nakitaang mga side effects sa katawan ko, lalo na sa utak ko dahil sa gamot na ininom ko't binalak magpa-overdose noong araw kung kailan ako nangtangkang magpakamatay. Pero kahit nakalabas naman ako ng ospital ay patuloy pa rin akong mino-monitor ni Doc Zeke patungkol sa kalagayan ko.

Muli kong idinilat ang aking mga mata nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko, kaya agad akong lumingon dito. At muling napangiti nang mapagtanto kung sino ang taong 'yon.

"Kanina ka pa ba rito?" untag sa akin ni Jester nang makaupo siya sa buhangin. Ipinatong niya ang pareho niyang braso sa tuktok ng kanyang mga tuhod nang siya ay makaupo.

Tumango ako.

"Oo. Ikaw? Kararating mo lang ba?"

"A, oo. Medyo natagalan lang kasi may dinaanan pa ako kanina bago ako tuluyang nakarating dito," paliwanag niya.

May inabot siya sa akin na isang medium size na paper cup, at nang mapagtanto kong kape iyon na binili niya sa isang sikat na coffee shop ay agad akong napangiti. Kinuha ko 'yon sa kamay niya't nagpasalamat. Kaya agad kong naramdaman ang init nito, na hindi naman nakapapaso.

"Paborito mo talaga itong lugar na 'to 'no?" sambit niya, habang nakatingin sa harap namin. Bahagya naman akong napatingin sa kanya't tipid na ngumiti, pagkatapos ay tuluyan na ring iginawi ang atensyon ko sa aming harap.

Marahan akong tumango at tumikhim.

"It really reminds me of him lang kasi sa tuwing pumupunta ako rito. Especially how sand and water represent time, and memories."

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tiningnan niya ako matapos kong sabihin 'yon sa kanya. Bakas ang awa't pag-aalala rito pero ngumiti lang ako, na para bang sinasabi ng ngiti ko na wala siyang dapat na kailangan ikabahala.

Bumuntonghininga ako at humigop nang panandalian sa kapeng hawak ko, bago ulit ako nagsalita.

"Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay siya pa rin 'yong laman ng isip at puso ko. Kahit ilang taon na ang lumipas nang mawala siya sa buhay ko, hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nananatili ang alaala't halakhak niya sa bawat sulok ng pagkatao ko. At iyon ang malaking dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako, na kung bakit patuloy pa rin akong lumalaban kahit matagal ko ng gustong sumuko..."

Agad niya akong inakbayan pagkatapos ko 'yong sabihin, at marahang niyugyog ang balikat ko't tinapik-tapik. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga, kaya sa pagkakataong 'yon ay muli akong napatingin sa kanyang mukha.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon