12th Kilometer

38 3 0
                                    


***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

It's been a week since I woke up from a deep sleep. Sa pitong araw na lumipas, wala akong ibang ginawa kundi ang hintaying sumikat at lumubog ang araw dito sa loob ng silid ko sa ospital. I seldomly talked to my mom when she will pay a visit everyday. Halata pa rin sa pagitan namin iyong ilangan sa isa't isa—na ilang taon na naming kinikimkim.

    Hindi pa ako pinayagan na lumabas ng ospital dahil may ilang araw pa akong gagawin na mga tests, at monitoring lalo na't hindi raw biro 'yong aksidenteng naranasan ko no'ng nakaraang buwan. Sabi ng doktor ko't kaibigan ni mama na si Doc Zeke—na isa pa lang neurologist, may internal bleeding daw na nakitaan noon malapit sa utak ko. It's very risky since it may affect my lifestyle, and the way I think. Kaya in-expect na niyang hindi ko talaga maalala pagkagising ko kung ano ang nangyari sa akin noon bago ako maaksidente.

Until now, I still keep thinking that day, of what really happened. But everytime na ginagawa ko 'yon ay sumasakit lang ang ulo ko. Kaya no'ng isang araw ay nagsagawa kami't nag-undergo ako ng Magnetic Resonance Imaging or MRI, saka Computed Tomography o CT Scan gaya na rin ng sabi ni Doc Zeke sa akin to see if may uncommon behaviors bang nagaganap sa pag-iisip ko. And to our relief, wala naman daw. Sa palagay niya ay natural response lang 'yon ng utak ko, na baka dala lang daw ng masyado kong pag-ooverthink.

"So, kumusta na ang kalagayan mo ngayon, Jett?" tanong ni Doc Zeke sa akin nang hapong 'yon pagkapasok niya sa kuwarto kung saan ako naka-confine.

Kauuwi lang ni mama mula sa pagbisita niya sa akin kanina. And as usual, hindi rin naman siya gaanong nagtagal sa kadahilanang hindi ko pa rin siya kinakausap. Nagdadala lang siya ng mga pagkain at prutas para raw kainin ko, at minsan ay tinatanong ako kung may gusto ba raw akong ipabili sa kanya. But my silence serve as yes to her.

Umayos ako ng upo sa kama mula sa pagkakasandal. Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

"Okay naman po ako, doc. Though iyon nga, sumasakit lang talaga ang ulo ko kapag pinipilit ko ang sarili ko na alalahanin ang lahat ng mga nangyari sa akin bago ako maaksidente."

Tumango lang siya at pagkatapos ay lumapit siya sa akin na may dalang monoblock chair, at doon umupo.

"Actually, there is something that I want to ask you. Hindi ko 'to sinabi sa mama mo kasi gusto ko na ikaw mismo ang sumagot," sambit niya.

Nakuha niya ang atensyon ko, dahilan para tumingin ako sa kanya nang diretso. Tumikhim ako at huminga nang malalim.

"Ano po 'yon, doc?"

Tumikhim din siya at bumuntonghininga bago ulit nagsalita.

"No'ng nakaraan kasi, while examining the results of your MRI and CT Scan, I fount out that there's a chemical unbalance residing on your brain. And when I dug deep to seek for more information, nalaman kong dahil 'yon sa isang gamot. Na usually e iniinom ng mga taong gusto makalimot, like anti-depressant," paliwanag niya—na siyang nagpakunot sa noo ko.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon