***
I woke up in an empty room with blurry vision.
Pakiramdam ko'y para akong nagising mula sa napakahabang tulog. Inilibot ko ang aking paningin, at doon ko lang napansin na hindi pamilyar sa akin ang kuwarto kung nasaan ako ngayon. Isa lamang itong puting kuwarto, na may amoy na pamilyar din ako. Mayamaya pa ay naramdaman kong may nakakabit sa kamay ko kaya agad ko itong tiningnan, at doon ko lang napagtantong may nakakabit pa lang aparato sa akin.
And that's when I realize na nasa ospital pala ako.
Kaya ang una kong ginawa ay alalahanin ang nangyari sa akin, lalo na't kung paano ako napunta rito. Pero bigo akong gawin 'yon dahil sakit sa ulo lang ang nakuha ko. I can hardly remember what happened to me.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kuwartong iyon at may pumasok na isang doktor na nasa mid-30's. Nginitian niya ako nang makita akong nakaupo sa kama, at agad na nilapitan nang tuluyan na siyang makapasok.
"I'm so glad that you are awake now, Jett," biglang bungad niya sa akin, na siyang nagpakunot ng noo ko. Agad akong napatanong sa sarili ko kung paano niya nalaman ang pangalan ko.
Lumapit siya sa nakakabit na dextrose sa akin, at binasa 'yong mga detalyeng nakasulat sa bag. May kung ano rin siyang tiningnan dito, at pagkatapos no'n ay sinulat niya 'yon sa dala niyang papel na nakakabit sa clipboard.
"Alam kong nagtataka ka ngayon kung paano ka napunta rito. I also assumed that you are asking yourself what happened to you, kung bakit may nakakabit na aparato d'yan sa kamay mo ngayon," he explained.
Taimtim lang akong nakinig habang nakaiwas ang mga mata ko sa kanya sa kadahilanang tama nga ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Sandali siyang tumigil sa pagsasalita't napansin kong nakatayo na pala siya sa gilid ko.
"You had an accident, Jett. And you have been unconscious for a month now. Nang dinala ka rito sa ospital, halos hindi ka na namin mamukhaan dahil sa dami ng dugong kumalat sa mukha mo. Also, your mom was so worried about you. Akala niya'y wala ng pag-asa na mabubuhay ka pa dahil nga sa nangyari...but look at you now. You are a survivor. You refused to give up."
Halos hindi pa maproseso ng utak ko ang lahat ng mga sinabi niya sa akin. Pero isa lang ang tumatak sa akin, at iyon ay isang buwan na pala akong natutulog. Kaya pala pakiramdam ko kanina nang paggising ko, ay para akong nagising sa isang masamang bangungot.
Nanatili pa rin akong tahimik sa lagay na 'yon habang iyong doktor naman na kumakausap, at kaharap ko ngayon ay nanatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan niya.
"P-Paano po pala ako nasangkot sa isang aksidente?" pabulong kong untag.
Ngumiti siya nang tipid at kinuha iyong monoblock chair sa gilid ng bedside table, at ipinuwesto niya 'yon sa kung saan siya nakatayo kanina. At doon siya umupo nang nakaharap sa akin.
BINABASA MO ANG
Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]
General Fiction- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List *** When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...