***
Ever since the night that Asher died within my arms, I started to drift away from the things that I am used to. From my family, friends, and especially myself. Na pinili kong magpakamiserable at gawing kumplikado ang buhay ko. I was hurt back then, having a hard time accepting the fact that he's gone. That I will not be able to see him again, hold his hand, hug him whenever I want. And to see how beautiful his smile...that made my heart fall for him.
Pitong taon na rin ang nakalipas, at magpahanggang-ngayon ay dala-dala ko pa rin 'yong sakit, lungkot, at pagsisisi na kung bakit hindi ko siya nagawang iligtas noon. At dahil doon, sinisi ko ang sarili ko, at inisip na ako 'yong dahilan kung bakit siya nawala. Na kung bakit siya namatay.
Ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay noon simula nang mawala siya, umaasa na matatapos na 'yong paghihirap na patuloy ko pa ring nararanasan sa bawat araw na humihinga pa ako. Pero kahit anong subok pa ang gawin ko, sa huli ay hindi naman ako nagtatagumpay na matupad ang bagay na gusto kong mangyari. But for some reason, that car accident happened. And it made me forgot my past, of the people who's been part of it.
Lalong-lalo na si Asher.
Kaya ngayon ko lang napagtanto na nakakausap ,at nakikita ko pala siya noon sa isip ko habang na-commatose ako. That I tend to create my own world, at kaming dalawa lang ang nandoon. Na kung saan sa mundong iyon ay mayroong kami, at mahal namin ang isa't isa. That he was just a product of my sadness, and bereavement for him for so long. Kaya nagawa ko ang mga bagay na 'yon, sa pag-aasam na mapunan 'yong puwang sa pagkatao ko—kahit alam kong mali.
Ngayon nga ay iniisip ko na baka kailangan ko nga sigurong mahantong sa isang malalang aksidente't ma-comma ulit nang matagal na panahon, para lang makasama't makita ko siya sa muling pagkakataon. Na kung saan maririnig kong muli ang boses at halakhak niya sa isip ko, na para bang buhay na buhay pa rin ito.
Pero napagtanto ko rin na ang damot kopa lang tingnan kung gagawin ko nga ulit ang lahat ng 'yon. Saka kailangan ko na ring tuluyang tanggapin ang pagkawala niya, nang sa ganoon ay malagay na sa tahimik ang puso't isip ko. At patawarin din ang sarili ko sa pagkamatay niya.
Sabi ng iba, kaya hindi pa rin nakatatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa ng mga taong mahal natin na namayapa na, ay dahil patuloy pa rin natin silang iniisip. Na magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin natin sila magawang bitawan, para tuluyan na rin silang malagay sa tahimik. Kahit hindi man natin sinasadyang gawin 'yon, kailangan pa rin nating tanggapin ang pagkawala nila.
Noong una ay nahihirapan akong gawin 'yon, dahil natatakot ako na baka kapag tuluyan kong ginawa ang lahat ng 'yon ay makalimutan ko na kung ano ang eksaktong itsura ni Asher. O hindi na maalala kung ano 'yong boses niya. But my parents and my friend Jester are always there, to give me some strength and support to overcome all of that. Kahit hindi man agad-agad, ay patuloy pa rin nilang ipinaparamdam sa akin na sa pagkakataong ito ay hindi na ako nag-iisa sa laban ko.
BINABASA MO ANG
Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]
General Fiction- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List *** When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...