💕 Third Person POV 💕
" Pagkatapos ninyong pumili ay luminya na kayo ayon sa inyong Section..... " putol na sabi ng Dean.
" Sa Labanang ito kayo na ang bahala kung bubuhayin o papatayin ninyo ang inyong makakalaban. Kayo narin ang pumili kung sino ang gusto ninyong makalaban. Unahin natin ang mga Royalties! " dagdag pa nya at tumingin sa mga Royalties.
💕 Alexa POV 💕
Pagkasabi ni HM nun ay ako na ang naunang pumunta sa gitna. Tumingin ako kay Axen ng nakangisi.
Mukang alam na nya kung ano ang ibig kong sabihin. Matagal ko na syang gustong talunin para sa pwesto nya, ang kaso mas magaling sya sa pakikipaglaban kaysa sakin.
" Alexandra May Glamville Vs Axen Kiel Hyacinth " sabi ng MC.
" Simulan nyo na! " sabi naman ni HM.
Hinanda ko na ang espada ko at sumugod sakanya.
*Shing
*Shing
*Shing
*ShingMga tunog ng espada namin.
Nakakainis! Ba't ba kasi ang galing nyang gumamit ng espada?!
Nakakita ako ng pagkakataon para suntukin sya sa kaliwang bahagi ng katawan nya pero bago ko pa sya masuntok ay sinipa nya ako mula sa likod.
" Ahhh!!! " daing ko sasakit nang tumilapon ako.
Ang lakas nya talaga! Nakakainis talo nanaman ako!
" Tsk, masyado ka kasing kampante." sabi nya at tinulungan ako tumayo at bumalik na sa pwesto namin.
" Axen Wins! Stay in Position! " sigaw ng MC na kasama ni HM.
💕 Axel POV 💕
Ako naman ang sumunod na pumunta sa gitna. Naghihintay kung sino ang lalaban sakin. Syempre! Malakas ata toh!
Lumapit naman si Annie sakin. Sya siguro ang lalaban sakin. Tsk, kung kaya nya ko.
" Hoy, Lalaki! Alam kong wala akong laban sayo ngayon kasi wala akong kapangyarihan pero lalabanan parin kita! " sigaw nya na ikinatawa ko.
" Axel Ken Hyacinth Vs Liannie Firille! " sigaw ng MC.
Ako na ang unang sumugod sakanya. Iwas lang sya ng iwas sa bawat atake ko sakanya.
Nakakaasar! Wala ba syang planong umatake?!
" Aray! " daing ko ng sipain nya ang likod ng paa ko.
" Magfocus ka kasi... " sabi nya.
Akmang susuntukin nya ako pero hinila ko ang kamay nya at binalibag.
" Ouchhh!!! " sigaw nya.
" Mag-ingat ka kasi... " sabi ko rin sakanya at nginitian sya.
" Axel Wins! Stay in Position! " sabi naman ng MC.
Tinulungan ko na si Annie at bumalik na sa pwesto namin.
💕 Hazellie POV 💕
Pagkabalik nila Axel at Annie ay ako naman ang pumunta sa gitna. Hindi naman ako mapili sa kakalabanin ko kaya kahit sino pwede.
Lumapit naman si Nick sa direksyon ko kaya napasimangot ako.
What the?! Haysst! Bakit sya? Kainis naman oh!
" Hindi ka ba masaya na ako ang makakalaban mo? " nakangising tanong nya.
" Tinatanong pa ba yan? " pabalik kong tanong.
" Tsh... " sagot nya.
" Hazellie Firille Vs Nick Fryle Galicia! " sabat ng MC.
Hinanda ko na ang sarili ko at hinihintay ang pag-atake nya.
" Huh? " nagtatakang tanong ko.
Arghhh!!! Bakit sya nawala?!
" Nandito ako. " bulong nya sa tainga ko.
Lilingon na sana ako nang sinipa nya ang likod ng tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at nilagay sa likod ko.
Kainis naman oh!
" Hay naku... Wala man lang kaenjoy-enjoy kapag ikaw ang kalaban ko. " bored na sabi nya.
" Tsk. " nalang ang nasabi ko.
" Nick Fryle Wins! Stay in Position! " sabi naman ng MC.
BINABASA MO ANG
Famous Model's Reincarnation
FantasyBasahin nyo nalang tagalog naman to... Hehe.... Pafollow narin po ako....