💕 Shana / Kycea POV 💕
Pagkagising ko ay naramdaman ko na may mabigat na bagay ang nakalagay sa tiyan ko. Tiningnan ko ito at nakita ang kamay ni...
Oo nga pala dito natulog si Cay. Tsk. Napakawalangya talaga.
Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang napakaamo nyang mukha.
Ang gwapo nya..... Hindi naman bago sakin makakita ng gwapo pero ewan ko ba kung bakit iba ang dating nya sakin.
" Done staring at my handsome face? " biglang sabi nya habang nakapikit parin.
" Yes. I'm done staring your MONKEY FACE. " sagot ko sakanya at diniinan pa ang salitang MONKEY FACE.
Tumayo na'ko at pupunta na sana sa CR pero hinawakan nya ang kamay ko at hinila palapit sakanya kaya ngayon nakadagan ako sakanya.
‘dugsss, dugsss, dugsss’
Gosh!!! Anong nangyayari sakin?!
" Really? Monkey face? Why you're blushing? " natatawang tanong nya.
" A-ahh? Ahhmm.... M-maliligo na'ko. Maaga pa tayong aalis mamaya diba? " pag-iiba ko sa usapan.
Ngumiti sya at tumango kaya tumayo na ako. Pumunta na ako ng CR at naligo.
After 30 minutes ay natapos narin ako maligo at magbihis.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita silang handa na para sa misyon.
" Oh ano? Arat na? " tanong ni Annie.
" Syempre nakahanda na nga tayo eh! " sagot sa kanya ni Axel.
Sinamaan naman nya ito ng tingin. Gumawa na ng portal si Collen saka tumingin samin. Nagtanguan lang kami at isa-isang pumasok sa portal.
💕 Hazellie POV 💕
Medyo nahilo ako ng kunti nang makapasok na kami sa portal pero hindi na yun importante.
Nandito na kami sa Icy Mountain kung saan malapit na sa Crystrous Cave. Hindi talaga dumederetso ang mga portal sa exact destination na pupuntahan ng gumagamit nito.
Lumalamig narin pero hindi namin iyon alintana. Derederetso lang kami sa paglalakad nang may naramdaman kaming kakaibang enerhiya.
" Guys... What do you think about that? " tanong ni Axel.
Yung tinutukoy nya ay yung kakaibang enerhiya.
" I think that aura is from— " naputol ang sasabihin nya nang may nakakatakot na boses ang umalingawngaw sa buong paligid.
*UARRRRR~
Sigaw ng.....
" Ice Ogre " tanging sambit namin maliban kay Leader at Shana.
" May Ice Ogre pa palang nabubuhay dito. " sabi naman ni Collen.
Ang Ice Ogre ay ang halimaw na naninirahan sa Icy Mountain. Nakakatakot sila dahil sa pumapatay sila ng kahit na sino at wala rin silang pakialam sa mga kahit na sino.
" Pano tayo nyan makakapagpatuloy sa paglalakbay kung merong nakaharang? " dismayang sabi ni Annie.
Nakaharang kasi ang Ice Ogre sa daanan papunta sa Crystrous Cave.
" What are we gonna do now? " kinakabahang tanong ni Alexa.
Napaisip naman ako bigla. Ano nga ba ang gagawin namin ngayon?
" Ice Ogre... " sambit ko at napatingin sa pulang buhok ni Annie.
Nakatingin naman silang lahat sa akin ng nagtataka. Tsk, alam ko na ang gagawin.
" Guys mauna na kayo papunta sa Crystrous Cave. Kami na ni Annie ang bahala sa Ice Ogre. " sabi ko sakanila na ikinangisi nila.
Mukang alam na nila kung ano ang iniisip kong gagawin namin.
Naglabas ako ng Fire Blades at tinapon sa Ice Ogre. Tinamaan ito at masamang tumingin sa direksyon namin.
*UARRRRR~
Malakas na sigaw nito at naglakad palapit samin. Hinila ko naman si Annie at tumakbo para iligaw ang Ice Ogre para makadaan na sila.
BINABASA MO ANG
Famous Model's Reincarnation
FantasyBasahin nyo nalang tagalog naman to... Hehe.... Pafollow narin po ako....