Chapter 22

1.4K 48 0
                                    

💕 Nicollen POV 💕

Hayssst!!! Kanina pa ako kinakabahan kasi naman, ang chochossy kasi nila. Hayssst! Ayaw ko pa naman makalaban si Ace, baka maderetsohan pa ako dahil sakanya.

Alam ko na!

Hinila ko si Kyle papunta sa gitna ng Battle Field.

" Sandali! Hoy! Bitiwan mo nga ako! " sabi nya sakin at pinipilit na bumitaw sa hawak ko.

" Tayo nalang ang maglaban. " sabi ko.

" Anong tayo? Hoy! Walang tayo maglalaban lang! At saka si Ace ang gusto kong kalabanin! " bulyaw nya sakin.

" Baliw ka ba? O gusto mo ng mamatay? " tanong ko sakanya.

" Nicollen Faye Galicia Vs Kyle Santie Aeverhy! " biglang sabi ng MC.

" Hoy! Si Ace ang lalabanan ko! " sabi nya pa.

Hayssst! Ang tigas ng ulo!

Bumwelo na ako para umatake. Nakatalikod sya kaya pwede ko syang matalo. Sasaksakin ko na sana sya kaso bigla nya itong sinangga ng espada na dala nya na ikinagulat ko. Kailan pa sya nakiramdam sa paligid.

" Akala mo ha... " bulong nya.

Sinipa nya ang espada ko dahilan para mabitawan ko ito. Bigla syang lumitaw sa gilid ko at siniko ako sa likod kaya nawalan ako ng malay.

💕 Shana / Kycea POV 💕

Nang mahimatay si Nicollen ay agad itong sinalo ni Kuya. Masasabi kong magagaling nga talaga sila.

" Kyle Wins! Stay in position! " sabi pa ng Dean.

Umalis na si Kuya sa stage bitbit si Collen. Pupunta siguro sya sa Clinic. Naglakad naman si Cay papunta sa gitna ng nakapamulsa.

" Alexis Cay Earon Glamville Vs ? " patanong na sabi ng MC.

Naghintay kami ng ilang minuto pero wala paring lumalapit sa gitna.

" Tsk. " nasabi nalang ni Cay at bumalik na sa pwesto nya.

" Tsss, yabang. " bulong ko naman at umirap sa kawalan.

*Bogshhh

Nagulat kami ng may sumabog sa gitna. Nang unti-unti nang nawawala na ang usok ng dahil sa pagsabog naaninag namin ang isang bulto ng babae.

" Krizzia... " kanya-kanyang sabi ng mga estudyante dito sa Field.

" Hahahaha!!! Bakit hindi ninyo ako inimbitahan sa paligsahan na ito? Tsss. Nakalimutan nyo na ba na parte parin ako ng HH Warrior?! " mahabang litanya ni Krizzia.

" Isa kang kalaban kaya— " naputol ang sasabihin ni Axel dahil sumabat agad ito.

" Hhh.... Hindi ako papayag! Kailangang matalo muna ako ni..... " pagputol nya sa sasabihin nya sana at tumingin sakin ng nakangisi.

" Kycea..... " dugtong pa nya.

Akala nya aatrasan ko sya ha... Tsk, hindi kaya ako duwag!

Maglalakad na sana kaso may biglang humawak sa may pulsuhan ko. Paglingon ko si Cay lang pala.

" Shana..... It's dangerous. " pagpigil nya sakin.

Nginitian ko lang sya at lumakad na papunta sa gitna.

" Hindi ka ba natatakot na baka patayin kita? " nang-iinsultong sabi ni Krizzia.

" Why would i? " sabi ko at nagsmirk.

" Krizzia Valmira Vs Kycea Shantal Aeverhy! " sabat naman ng MC.

Nagsmirk muna si Kycea saka mabilis na pumaikot-ikot sa palibot ko. Hinahagisan ko lang sya ng mga dagger. Isang lalagyan kasi ang kinuha ko.

Tumigil na sya sa harap ko habang nakatutok sakin ang espada nya. Hindi naman ako nahilo sa ginawa nya kaya maiilagan ko pa sya.

Susugod na sana sya kaso tinapunan ko sya ng tatlong dagger.

" Ouchhh! " daing nya.

Nadaplisan kasi sya sa pisnge nya. Tumingin naman sya sakin ng masama at ngumisi. Kinontrol nya ang espada nya para isaksak sakin.

Malayo ang agwat ng pwesto namin sa isa't isa kaya kita ko ang mabilis na paglapit ng espada sakin. Kumuha pa ako ng tatlong dagger at isiniksik sa gitna ng mga daliri ko.

Tinignan ko muna ng mabuti ang espada at tinantya kung ano ang maaaring mangyari. Hinagis ko na ito sa espada at gaya ng inaasahan ko ang dalawang nasa gilid na dagger ay tumama sa dalawang braso ni Krizzia. Ang nasa gitna naman na dagger ay tumama sa dulo ng espada dahilan para bumulusok ang dagger sa gitna nito at nasira.

Patuloy parin ang pag-abante ng dagger palapit kay Krizzia kaya kumuha pa ako ng isang dagger at hinagis sa naunang dagger kaya pareho itong nahulog sa sahig.

" Haysst! Hindi ko parin kayang pumatay. " problemadong sabi ko at tumalikod na.








Famous Model's ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon