Chapter 13

2.3K 69 0
                                    

💕 Collen POV 💕

Nagsisimula na kami sa pag-akyat ng bundok, nasa tuktok kasi nito ang bulaklak ng buhay na sya ng kailangan naming kunin. Napahinto kami nang may marinig kaming mga kaluskos.

" Tsk. " sabi ni Leader at nagsmirk.

Sa di kalayuan ay may nagpakita saaming mga...

" Red Demons " nasabi ko nalang.

Actually hindi naman kami takot sa Red Demons dahil sila lang naman ang Low Class sa 3D na mga kalaban namin. Malalaman nyo rin yan sa tamang panahon😂.

" We have to get the Life Flower quickly. Shana can't hold on any longer. " cold na sabi ni Leader saka tinaponan ng Light Magic ang mga Red Demons.

Pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa kalagitnaan ay nakaramdam kami ng itim na kapangyarihan na bumabalot sa buong lugar.

" Hey guys! What's happening? " nagtatakang tanong ko.

" Night Shadows... " sabi ni Kyle.

Ngayon ko nalang ulit narinig ang pangalang yan...

Ang Night Shadows ay naninirahan sa Optimus Mountain. Lumalabas lang sila kabag 6:00 pm hanggang 6:00 am. Mahirap silang kalabanin dahil nga anino sila ng gabi. Sa liwanag lang sila natatakot.

" Ready your selves, we have to fight them. " cold na sabi ni Leader.

Hinugot ko na ang espada ko na nasa tagiliran ko at naghanda.

" Ahhh!!! " daing ko ng may humiwa sa gilid ng braso ko.

Lumapit naman sila sa akin at inalalayan ako ni Kyle. Kahit kailan talaga kaasar ang mga Night Shadows!
Naglabas naman ng ilaw si Leader kaya hindi na kami malalapitan ng mga bw^set na yun!

💕 Nick POV 💕

Nagaalala na talaga ako kay Ate... Nung una ayaw tapos sasama rin pala. Kainis talaga! Paano kung hindi na sila makabalik? Paano kung magaya sila kay Lolo? Ano ba kasi pumasok sa isipan ni Leader para iligtas ang Bitch na'to?!

" Hoy Nick! Masyado kang tahimik ngayon ahh... " tawag sakin ni Hazel.

" Ehh kasi... Baka— " naputol ang sasabihin ko ng nagsalita si Alexa.

" Hindi mangyayari yun! Hindi sila mamamatay doon! Makakauwi sila! " galit na sigaw nya.

" A-ahhhhh!!! " malakas na sigaw ni Kycea.

" Anong nangyayari sa kanya? " tanong ni Axen.

" Sh^t!!! Nangingitim na sya!!! " biglang sigaw ni Axel.

" Mukhang hindi na sya aabot pa hanggang bukas... " nanlulumong sabi ko.

Bilisan nyo na Ate...

💕 Alexis POV 💕

Nakarating na kami sa tuktok nang biglang sumigaw si Collen. Lumingon kami sa kanya at nakitang hinihila na sya ng mga ugat ng higanteng halaman.

" Oh sh^t!!! A Giant Plant Slayer! " sigaw ni Kyle at napaatras ng kunti.

Ang Giant Plant Slayer ay mga halaman na pumapatay ng tao o kaya kinakain nila toh. Sa Optimus Mountain lang ito nakikita.

" Kyle! Help!!! " sigaw ulit ni Collen.

Tumakbo naman si Kyle at pinagpuputol ang mga ugat. Masyadong marami ito kaya mahihirapan sya.
Nagpatuloy nalang ako sa paglakad para makuha na ang Life Flower.

" Got you... " nakangiting sabi ko nang makuha na ito.

" Leader bumalik na tayo! " sabi ni Kyle habang inaalalayan si Collen.

Tumango nalang ako at naglakad na kami pababa ng bundok. Hindi kami makapag teleport dahil hindi yun gumagana dito sa bundok. Napangiti ulit ako ng maalala ko si Shana.

Maliligtas ko na si Shana... Just hold on.....





Famous Model's ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon