Chapter 43

1K 36 0
                                    

💕 Someone's POV 💕

" Napadala mo na ba ang sulat sa akademya at sa Darkilous Kingdom? " tanong ko sa inutusan kong tauhan.

" Opo, mahal na Reyna. " magalang na sagot nya at yumuko.

Tsk, Malapit na ang paghahari ko sa buong Enchant World.... Malapit na!

💕 Kyle POV 💕

Nandito na kami sa office ni HM. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa sulat na galing daw sa Darkilous Kingdom.

" Ano daw sabi sa sulat? " tanong ko kay HM.

" Gusto nilang makipagdigmaan. At kahit ano mang oras maari na silang sumugod. Kaya magsihanda na kayo. " sagot niya.

" Bakit naman sila makikipagdigmaan? " naguguluhang tanong ni Kycea— ay este Ashiana.

" Dahil akala nila pinagtulungan ng limang kaharian na patayin ang magulang nila kaya gusto nilang maghiganti. " mahabang litanya ni Axen.

" Kung ganun, ano pang hinihintay natin? Maghanda na tayo! " excited na sabi ni Ashiana.

" No. You're not coming with us. " tutol ni Ace sa sinabi ni Ashiana.

" No ka din kasi gusto kong sumama. " pagmamatigas ni Ashiana.

Matalim silang nagtitigan ni Ace. Naputol lang iyon ng magsalita si Collen.

" Leader kailangan na nating maghanda. " paalala ni Collen kay Ace.

" Alexa, ikaw na ang bahala kay Shana. " sabi ni Ace at lumabas na ng office ni HM.

" I'm sorry Ashiana sa gagawin ko ha... Utos ni Kuya eh... " nag-aalinlangang sabi ni Alexa kay Ashiana at lumapit dito.

" Sa— "

Bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay siniko na sya sa likod ni Alexa dahilan para mawalan sya ng malay.

" Kyle pakidala nalang sya sa Dorm. " utos nya sakin.

Tumango lang ako at binuhat na si Ashiana.

💕 Dark POV 💕

Nanggigigil kong hawak ang sulat na galing sa Academy.

F*ck them! Pinatay na nga nila ang magulang namin balak pa nilang angkinin ang kaharian ko!

" Maghanda na kayo! Susugod tayo sa Academy. " galit kong sigaw.

" But Leader... Kate is not here yet. " sabi ni Faith.

" Nag-utos na ako ng hahanap sakanya. " cold kong sabi at tumayo na para maghanda.

💕 Kate POV 💕

Sinusundan ko ngayon ang nagdala ng sulat na galing daw sa Academy. Mabigat naman ako kaya hindi nya mararamdaman ang presensya ko.

I don't know pero parang may mali eh... Coz' hindi naman magpapadala ang Academy ng sulat para lang makipagdigmaan.

I'm sure na may iba pa kaming kalaban and i will find it out.

Nakarating kami sa isang kaharian? Isang yelong kaharian. But wait, pa'no nagkaroon ng yelong kaharian dito? Sa pagkakaalam ko, matagal nang walang ganitong kaharian sa Enchant World.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Ibig sabihin... Buhay pa si—

" Napadala mo na ba ang sulat sa akademya at sa Darkilous Kingdom? " tanong ng isang familiar na boses na nagpabalik sakin sa ulirat.

Ngayon ko lang napansin na nakapasok na pala ako ng kaharian.

" Opo mahal na Reyna. " sagot naman ng isang lalaki.

Napasilip ako sa pinanggalingan ng boses, na mas nagpagulat sakin dahil sa nakita. Kung ganon, hindi nga ako nagkamali na buhay pa talaga sya.

" Mahal na Reyna, ito na po yung pinapakuha nyo. " sabi ng isang kawali sabay abot ng isang bagay sa Reyna.

" Magaling. Ngayon, si Ace Glamville naman ang isusunod kong papatayin. Uto-uto namang Dark, naniwala agad sa isang kasinungalingan. Dahil ako naman talaga ang pumatay sa napakawalang kwentang magulang nya. " mahabang litanya nya.

Tsk, walang hiya sya.... Kailangang malaman agad ito ni Dark bago pa magsimula ang digmaan.

Dali-dali akong umalis ng kaharian nayun. Hindi pa man ako nakakalayo ay sumalubong na sa harap ko ang napakaraming ice minnions?

" Bw*set! Nagmamadali ako! " iritang sabi ko at pinagtatapunan na sila ng mga fire spell ball na ginawa ko.

Famous Model's ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon