💕 Lina POV 💕
Ako nga pala si Lina ang tagapagsilbi ni Prinsesa Kycea. Labimpitong taong gulang na ako pareho kay Prinsesa. Masama ang loob ko sakanya dahil ang sama ng turing nya sa akin. Kaya nong malaman ko ang nangyari sakanya natuwa pa ako. Buti nga sakanya ang sama ng ugali nya ehh...
Nagpapahinga ako dito sa may puno ng biglang may sumigaw. Dahil sa gulat ko nahulog ako sa puno." Aray ang sakit! " daing ko pero ng maalala ko na boses ng Prinsesa yun ay tumakbo ako papunta sa kwarto nya. Gising na pala sya.
Halos magka-undagaga na ako sa kakatakbo papunta sa kwarto nya.
Nang makapasok ako ay wala sya rito kaya tumakbo ako papunta sa CR. Nakita ko sya na naghihilamos ng mukha." M-mahal na prinsesa a-ano po ang nangyari? " hinihingal na tanong ko.
" Sorry... Nalakasan ata ang pagsigaw ko. " sagot nya habang nagpupunas ng mukha at humarap na sa akin.
Namangha naman ako sa kagandahan nya.
" What's your name? "
Mayroon siyang mahaba at puting buhok, kulay-rosas na mga labi, mapupungay at itim na mga mata.
" Hey, What's your name? "
Sobrang ganda nya talaga!!!
" I said what's your name?! "
Nabalik naman ako sa ulirat sa mga sinabi nya. Ano daw?
" Po? " tanong ko dahil hindi ko naman naintindihan ang mga sinasabi nya. Umirap naman sya.
" Tinatanong kita kung anong pangalan mo. " sagot nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya.
" L-lina po mahal na prinsesa. " magalang na sabi ko at yumuko.
" Okay... Makakaalis ka na. " sabi nya kaya umalis na ako.
Kailangan malaman ng mahal na Hari at Reyna ang paggising ng prinsesa.
💕 Shana / Kycea POV 💕
Nang makaalis na yung babaeng nakasuot ng pangmaid ay naligo na ako.
Kumuha ako ng maayos na damit sa walk-in-closet ko. Eh kasi naman halos pangbekini na ang mga damit nya!
Ang sinuot ko nalang ay crop top na color pink, heighwaist maong mini skirt, at pulca-dot wedge sandal.
Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko ay nakita ko si Lina na papalapit sakin.
" Mahal na prinsesa pinapapunta ka na ng mahal na hari sa silid-kainan. " sabi nya ng makalapit na sakin.
" Lead the way. " sabi ko na parang nag-uutos.
" Paumanhin mahal na prinsesa pero hindi po ako nakakaintindi ng pangmaharlikang lenggwahe. " mahabang litanya nya. Ano bang klaseng mundo to?
" Pakituro ng daanan. " sabi ko ulit sakanya.
Pinagpatuloy naman namin ang paglalakad at nakarating na sa dining room.
May nakita naman akong tatlong taong kumakain na. I think those are her parents and also her kuya. Napatingin naman sila sa gawi ko ng lumapit ako sa kanila." Gising ka na pala anak..." sabi sakin ng Mommy or Mom ko nalang.
" So you're now awake huh... " sabi nung Kuya ni Kycea pero Kuya ko narin." Can't you see i'm fully awake. " sabi ko sa Kuya ko na ngayon.
Nagulat naman sya sa sinabi ko at tumingin ng deretso sakin. Lumapit naman ako kila Mom and Dad ko 'kuno'.
" Good morning Mom, Dad. " nakangiti kong sabi at kiniss sila sa cheeks.
Bahagya pa silang nagulat sa ginawa ko. Problema nila? Ehh sa morning routine ko yun kapag nakikita ko si Mom and Dad ehh.
BINABASA MO ANG
Famous Model's Reincarnation
FantasíaBasahin nyo nalang tagalog naman to... Hehe.... Pafollow narin po ako....