💕 Alexa POV 💕
Pagkarating namin sa dorm ay nagtungo muna kami ng sala.
" Sa tingin nyo? " putol na sabi ni Nick.
" Ano ang tingin namin? " balik na tanong ni Annie.
" Nagbago na ba talaga si Kycea? " tanong nya.
" Maybe " hindi siguradong sagot ko.
" What if she's just pretending? Tingnan nyo naman. Nakuha nya agad ang atensyon ni Ace. " sabi naman ni Collen.
" You're right, but there is wrong about her. " nagdududang sabi naman ni Kyle.
" You said she lost some of her memory tapos kapag tinatanong natin sya kung san sya natuto ng kung ano. Sagot nya nag-aral sya ng mga bagay na yun. " mahabang litanya ni Axel.
" Yes, but imposible namang marami na syang napag-aralan sa loob ng ilang araw. " sabi pa ni Kyle.
" Isa pa... Hindi naman sya mahilig mag-aral kasi nga wala syang alam." sabat ko naman.
" Hindi kaya... Hindi sya si Kycea? " biglang sabi ni Hazel.
" Baka nagpapanggap lang sya na si Kycea pero ang totoo isa sya sa mga kalaban natin. " sang-ayon naman ni Nick.
" Pano mo naman nasabi? " tanong sakanya ni Axen.
" Eh kasi kanina nga diba... Niligtas sya ni Dark. Means— " naputol ang sasabihin nya ng sumabat ako.
" Niligtas nga rin ni Dark si Krizzia diba? So kakampi ni Dark si Krizzia. Tapos si Krizzia naman.... Bakit nya susugurin si Kycea kung kakampi nila si Kycea? " mahabang pagpapaliwanag ko sa kanila.
" Eh bakit nya naman ililigtas si Kycea kung hindi nila sya kakampi? " tanong nya naman ni Axen.
" Like what she said... ‘Siguro inlove sya sakin’. " panggagaya ko sa sinabi kanina ni Kycea.
" Naaalala nyo naman ang sinabi ni Leader diba? Ang sabi nya— " naputol nanaman ang sasabihin ni Annie ng sumabat ulit ako.
" ‘Tsk. Assuming.’ " gaya ko naman sa sinabi ni Kuya.
" Hindi yun gaga! " sabi nya sabay batok sakin.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito at pumasok si Kycea.
" Oh, bakit gising pa kayo? " tanong nya nang tuluyan na syang makapasok.
Lumapit sa kanya si Kyle at tinutukan ng dagger. Nangunot naman ang noo nya at nagbigay ng ‘what's-your-problem’ look.
" Sabihin mo. Sino ka? " malamig na tanong nya kay Kycea.
" A-alisin mo nga yang d-dagger. " kinakabahang utos nya kay Kyle.
" Answer my question first. " galit na sabi ni Kyle at mas nilapit pa sa leeg ni Kycea ang dagger.
" S-sino pa ba sa tingin mo? " pabalik nyang tanong.
" Kakampi ka ba ng Dark na yun? "
She chuckled before answering Kyle's question.
" Nagpapatawa ka ba? Ehh sya na nga yung muntikan nang pumatay sakin tapos magiging kakampi ko?! May saltik na ba yang isip mo?! " inis na sagot nya.
" Hey, What's happening here? " biglang sulpot ni Kuya.
Napatingin naman kami lahat sakanya. Nag-iba ang timpla nya nang makita si Kyle na tinututukan ng dagger si Kycea.
" What are you doing to her? " nagbabantang tanong nya kay Kyle.
" A-Ace.... " sambit nito sa pangalan ni Kuya saka ibinaba ang dagger.
" Wala naman syang ginagawa ahh. Tingnan mo estatwa na sya oh. " sagot naman sakanya ni Kycea.
Tiningnan nya muna ng masama si Kyle at tumingin na kay Kycea.
" You have to sleep now. It's late in the evening. " sabi nya kay Kycea.
" And you too. " baling nya naman samin.
Akala ko si Kycea lang ang sasabihan nya. Kailan pa sya nagkapaki kay Kycea? Hindi nya naman gagawin yan nang walang dahilan. Tsk, i will find it out soon.
BINABASA MO ANG
Famous Model's Reincarnation
FantasyBasahin nyo nalang tagalog naman to... Hehe.... Pafollow narin po ako....