Chapter 23

1.4K 49 0
                                    

💕 Someone's POV 💕

Nang malaman ko na pumunta si Krizzia sa Battle Fight na magaganap sa Academy ay dali-dali akong naghada papunta rin doon.

" Hey Kuya! Hayaan mo na si Krizzia!" pagpigil sakin ng kapatid ko.

" Tsk! " nalang ang nasabi ko at nagteleport na papunta sa Academy.

Hayssst! Naabutan ko na sugatan na si Krizzia. Buti nalang hindi nya pa nasasaktan si Ashiana.

Nagtatago lang ako sa gilid para walang makakita sakin.

" Haysst! Hindi ko parin kayang pumatay. " sabi ni Ashiana at tumalikod na.

Nakita ko naman na pinulot ni Krizzia ang espada nya at tumayo. Tumakbo sya papunta kay Ashiana at sasaksakin sana ng espada ng nakatalikod pero.....

💕 Shana / Kycea POV 💕

Naramdaman ko na may susugod sakin kaya humarap ako at humagis ng dagger.

*Shing
*Shing

" I-ikaw? " gulat na sabi ko.

" L-leader " pagtawag ni Krizzia sakanya.

Nagulat ako dahil biglang sumulpot ang lalaking toh sa harap namin. Hinarang nya ang isa nyang espada sa dagger na hinagis ko at yung isa nya namang espada ay hinarang nya sa espada ni Krizzia.

" Anong ginagawa mo dito? " taka kong tanong sakanya.

Tiningnan nya lang ako at binaling uli ang tingin kay Krizzia.

Aba... Attitude...

" Let's go " cold na sabi nya kay Krizzia.

Akmang aalis na sya pero hinawakan ko ang kamay nya para tumigil sya.

" Sandali. Anong pangalan mo? " tanong ko pa.

Tumingin sya sa mata ko at umiwas agad ng tingin.

" Dark " tipid nyang sagot.

" Dark lang? Yung kumpleto. " pangungulit ko at yinugyog pa ang kamay nya.

" Daemon Dark Demonea. Done questioning? " pagsusungit nya.

" Taga saan ka? " tanong ko pa.

" Darkilous Kingdom " sagot nya.

Taga masamang kaharian pala sya...

" Ano katayuan mo dun? " tanong ko ulit.

Tinawag syang Leader ni Krizzia kaya syempre may katayuan sya dun.

" Prince and soon to be King. " sagot nya.

Yabang ahh. Sana all.

" Pangalan ni Father? " tanong ko pa.

" He's dead. " sagot nya.

Hayssst! Ang tanong ko pangalan. Hindi kung buhay o patay na ba sya... Tsk.

" Ni Mother? " tanong ko ulit.

Bahala na! Interrogate na this!

" Dead too. " sagot nya ulit.

Ouchh... Ansaket...

" May Sister? " tanong ulit ng chismosa nyong kapitbahay.

" Brother " tipid nyang sagot.

" Name? " tanong ko pa.

" Dyno Denver Demonea " sagot nya.

" Kat— " naputol ang sasabihin ko nang may umepal.

" Hey you Bitch! Bakit ba ang rami mong tanong?! " inis na tanong ni Krizzia.

" Bakit? Ikaw ba tinatanong ko? " baling ko sakanya.

" Hindi " sagot nya.

" So bakit ka affected? " tanong ko pa.

" Pake mo ba?! " inis na sagot nya.

" Pake mo rin ba?! " gaya kong sagot.

" Nanggag— " naputol ang sasabihin nya nang sumabat si Dark.

" Stop that nonsense! Let's go Krizzia! " maawturidad na sabi nya.

Bago sila umalis ay sinamaan muna ako ng tingin ni Krizzia.

Wala naman atang masamang mag-interrogate diba?

Famous Model's ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon