💕 Nick POV 💕
Nakatayo ako ngayon dito habang nakatingin sa mga sumasayaw. Sana all may kapartner.
" Gusto mo bang sumayaw? " tanong ng babaeng sumulpot sa harap ko.
Si Kate Heran Spellendra, Princess of the Witches Kingdom. Ang hot nya guys...
" Hey, excuse me Miss, but you're flirting the wrong person, i guess? " sabat ni.... Hazel.
Pagkasabi nya nun ay umalis na agad si Kate. Lumingon naman ako sakanya.
Woahhh! Mas sexy sya kaysa kay Kate.
" Gusto mong— "
" Oo " putol ko sa sasabihin nya.
Itatanong lang naman nya kung gusto kong sumayaw kasama sya. Tsk, ang gwapo ko talaga....
" So gusto mo ngang suntukin ko yang manyak mong mata? " patuloy nya sa sasabihin sana nya kanina.
Tsk, akala ko pa naman yayayain nya ako. Ayokong ako ang magyaya sakanya kasi lagi syang tumatangi kaya sya nalang dapat.
" Hindi malamang. " sagot ko at tumalikod.
Aalis na sana ako nang magsalita pa sya na ikinangiti ko.
" Tsh, sige na nga. " sabi nya kaya hinarap ko sya.
" Hindi mo talaga mareject kagwapuhan ko... " mayabang kong sabi sakanya.
" Hangin. " bulong nya na narinig ko naman.
Gwapo talaga ako noh! Mala—Min Yoongi ng BTS ang kagwapuhan ko, tsk.
💕 Dark POV 💕
Pagkaalis ko ng garden ay pumunta na ako sa Ball. Hinanap ko ang mga kasamahan ko para umalis na kami sa lugar na'to.
" Are you looking for us? " biglang sulpot ni Krizzia sa harap ko.
" Where's the others? " cold kong tanong.
" Why? Uuwi na ba tayo? " tanong naman ni Kate.
Tumango lang ako at nagteleport na papuntang Darkilous Kingdom.
Bad trip ako ngayon kaya wala akong ganang magtagal doon.
" Syang naman ang suot ko.... Hindi man lang ako nasayaw ni Denver... " nakangusong reklamo ni Faith.
" Pwede naman kitang isayaw dito ahh.... " sabi naman ni Denver.
" Talaga? " pagkukumpirma ni Faith.
" O— " pinutol ko na ang sasabihin ni Denver.
" Can you two, shut up?! " inis na sabi ko sakanila.
Ang ingay! Bad trip nga ako ehh! May pakissing scene pa sa garden, tsk, tsk!
" Di naman sila bagay! " inis na sabi ko.
" What?! Kuya! Sabi mo okay lang na maging kami ni Faith? " tanong ni Denver.
Problema nya?
" Kinakausap ba kita?! " bulyaw ko sakanya.
" You know what guys? Leader is in jealous, like duh... " natatawang sabi ni Krizzia.
" Shut up! " galit na sabi ko at pumunta na ng kwarto ko.
💕 Alexa POV 💕
Habang nag-uusap kami ni Collen ay may bigla nalang akong naalala.
" Nga pala! Si Ashiana Waltzon ba talaga yung nakita natin? " naguguluhang tanong ko.
" Oo, nakita ko pa nga sila ni Leader na nagha— I mean nakita ko sila ni Leader na magkasama. " sagot nya.
" Di ba, comatose si Ashiana? So means hindi yun si Ashiana.... " pagtutol ko sa sagot nya.
" So sino yun? " tanong nya sakin.
" Nakita nyo ba si Kycea? " biglang sulpot ng Kyle.
" Kycea? " wala sa sariling sambit ko sa pangalan ni Kycea.
" Tama! Si Kycea yun! " dagdag ko pa.
" Ano si Kycea? " tanong naman ni Kyle.
" Si Kycea yung nakita nating Ashiana Waltzon! " sagot ko.
" Shana.... Ahh... Kaya pala.... " natatawang sabi ni Collen.
" Bakit? " sabay na tanong namin ni Kyle.
" Kasi Shana ang tawag ni Ace kay Kycea. Tapos, alam nyo bang nakita ko silang nagha— " di nya na natuloy ang sasabihin nya nang sumulpot si Axen.
" Alexa! Tara sayaw tayo! " yaya sakin ni Axen.
Hayssst! Lagi nalang napuputol ang sasabihin ni Collen pagdating dyan sa nagha—.... Haysst! Ewan!
" Hoy! Nangangalay na ang prinsipe mo! " sabi ni Collen sakin at hinampas pa ako sa braso.
Sinamaan ko ito ng tingin at tumingin na ako kay Axen na ngayon ay nakalahad ang kamay. Inabot ko ito at hinila nya ako malapit sa but at nagsayaw na kami.
BINABASA MO ANG
Famous Model's Reincarnation
FantasyBasahin nyo nalang tagalog naman to... Hehe.... Pafollow narin po ako....