Several years ago, Sorcerers and Mages were happily living together with their world.
Walang inggitan at walang alitan. Everyone has their own business. Everyone was at peace.
Not until the Princess was born.
"Ang unang prinsesang mabubuhay ang sisira sa ating kinabukasan!" malakas na sigaw nang isang matandang sorcerer.
"Hindi totoo yan! ang aming supling ang magbibigay buhay dito sa mundo!" giit nang reyna.
"Alam mong nakakakita ako ng mangyayari sa kinabukasan mahal reyna" ani nito.
Tanging iling at iyak lang ang ganti ng reyna. "Hindi maari!" ani niya sa kanyang isipan. Kahit kailan ay hindi niya kayang mawalay sa kanyang anak. Proprotektahan niya ito kahit kapalit ang kanyang buhay.
Ginawa nang reyna ang lahat para hindi maniwala ang ibang tao sa sinasabi nang matanda. Ngunit likas itong magaling makipag-usap. Hanggang halos lahat nang tao, ay pumanig sa Sorcerer.
Gusto nilang patayin ang prinsesa, yun ang kanilang layunin.
Nang malaman ito ng reyna ay labis siyang nagdalamhati, hindi maari! Ang natitirang tagasunod at mga hindi naniniwala sa sinasabi ng matanda ay ipinatawag nang reyna dahil batid niyang may magaganap na malaking digmaan.
Ang Hari ay patuloy na nakikipag-usap sa ibang tao, dahil kahit saang anggolo ay hindi pa sila nangangalahati sa bilang ng mga Sorcerer at ang ibang Mages na pumanig sa kanila.
Subalit, labis na nagimbala ang Hari sa kanyang nasaksihan pagbalik sa kanilang palasyo. Ang kanyang mahal na asawa ang nakaluhod habang may tarak na espada sa kanyang dibdib. Dali-dali itong tumakbo patungo sa reyna.
"M-mahal ko, nandito n-a ako w-wag mo kong iiwan." labis na iyak na sambit nito.
Tumingin ang kanyang asawa sa kanya. " P-patawad m-ahal. P-protektahan mo ang ating s-supling."
Huling habilin nito bago nalagutan ng hininga.
Nagkalat ang iba't-ibang tao sa paligid, nagliliparan ang ibat-ibang kapangyarihan, naglalaban ang iba't-ibang lahi. Ang ganitong tanawin ay hindi lubos maisip ng Hari. Ang dating masayang pamumuhay ay nauwi sa kalungkutan. Ang dating masaganang tawanan ay nauwi sa sigawan. Ang dating pagkakaisa nang lahat ay nauwi sa paglalabanan.
Ngunit isa lang ang kaniyang gusto at nagiisa niyang tungkulin. Ang protektahan ang kanyang Prinsesa.
BINABASA MO ANG
Tamora Academy (Sylverian Series 1)
FantasySorcerers. Mage. Magic. Spells. Dealing with different dilemmas and revealing the truth behind the mask. Meliora has been hiding for so long, but not until she finally shows up and enters the Tamora Academy. Thus, she has a goal that she needs to ac...