MELIORA
Let us welcome the Princess of Tamora Land, Princess Meliora Whitlock." malakas na annunsiyo ni Sandra sa harap. Agad naman akong bumaba sa hagdan habang ngumiti sa mga pumapalpak na mga mages. Nakaabang si Vandel sa akin sa ibaba para maging escort ko at alalayan patungo sa aking mga magulang.
Halos nandito ang mga estudyante at mamamayan ng Tamora. Isiniwalat ni Mom ang katotohanan sa lahat at agad naman nila itong tinanggap. Kalat narin sa buong Sylverian ang nangyayari dito sa Tamora at alam nila na bumalik na ang totoong Reyna at Prinsesa.
Inilalayan naman ako ni Vandel patungo sa harap , agad nitong binati sila Mom and Dad bago bumalik sa upuan sa harap kung saan nakaupo ang Elite.
Kumaway naman sa akin si Avalie habang nakangiting nakatingin sa akin sila Eliora at Elara at ganoon din si Copelan at Relm. Ipinaliwanag na rin nila Avalie ang nangyayari, wala lang talaga silang magawa ni Elara dahil ina niya si Headmistress at hawak ng dating Reyna ang magulang si Elara kaya naiintindihan ko sila, talagang nadamay lang sila sa mga nangyayari sa kanilang magulang. Hindi din alam ni Eliora ang nangyayari, hindi sinabi ng ina niya na dating Reyna kaya ang alam niya anak talaga siya nila Mom and Dad.
Naging isang ganap na Elite na din si Avalie ang isa sa pinapangarap niya, hindi na siya maatubiling masuot ang uniform ng Elite para itong batang binigyan ng tsokolate.
Humingi na rin nang tawad sa akin si Dad. Talagang minahal siya si Eliora noon gaya ganoon, at patuloy niya parin itong mahal ngayon. Sa katunayan, sa palasyo nakatira si Eliora kasama naming tatlo naging parte na siya ng pamilya at isa parin siyang Prinsesa ng Tamora.
Nakinig lang ako sa mga sinasabi ng aking magulang sa harap at tahimik na nakaupo dito sa upuang nakalaan para sa amin. Sa katunayan, may upuan si Eliora dito pero pinili niyang umupo sa upuan ng Elite.
Nagpatuloy ang kasiyahan, may mga kumakain, nagsasayawan sa gitna. Nagpaalam naman ako kina Mom and Dad para pumunta sa upuan ng Elite. Pagkarating agad akong umupo at kumuha ng pagkain.
Gutom na gutom na ako!
"Hindi halatang gutom ka Meliora!" tumatawang ani ni Avalie.
Hindi ako sumagot bagkos ay kumain lang. Napailing naman si Vandel sa aking gilid bago pinunan ng pagkain ang aking plato. Lihim naman akong napangiti sa ginawa nito.
"Buti nalang talaga ay hindi na ako mahihimatay o matutulala pag makakita ng Elite." tawang kwento ni Avalie sa kanila. Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari noong unang araw ng klase, hindi pala iyon drama iyon, totoo talaga ang ganoong tagpo.
"Wag kang pahalatang tagahanga ka namin Avalie. Nakakatakot!" ismid na sagot ni Sandra sa kanya.
"Tumahimik ka Sandralita!" nakangusong ani nito.
"Nasaan pala si Drake?" tanong ko kay Avalie. Narinig ko namang napaismid si Vandel sa aking gilid.
"Nandoon sa Higher Class na upuan, mas gusto daw niya doon!" sagot ni Avalie sa akin.
Si Drake na palaging nakasunod kay Avalie ay matagal ko nang kilala. Siya ang nagbibigay mensahe kay Mom noon at sa akin. Siya din ang may-ari nong malaking ibon at ang nagbigay sa akin ng lunas.
"Eat more." bulong ni Vandel sa akin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
Natapos ang kasiyahan sa isang mahabang mensahe galing kay Dad. Tinawag niya din kami ni Eliora sa harap para opisyal na ipakilalang Prinsesa ng Tamora. Kahit hindi siya tunay na anak nila ay tinuring naman nila itong sa kanila.
Sa ilalim ng palasyo nakakulong si Headmistress, Miss Violet and dating Reyna na ina ni Eliora sa kasalanan ginawa nila noon at ngayon. Walang sinuman ang makakapagbukas nang kulungang yon, ginawa mismo ni Mom iyon para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Tamora Academy (Sylverian Series 1)
FantasySorcerers. Mage. Magic. Spells. Dealing with different dilemmas and revealing the truth behind the mask. Meliora has been hiding for so long, but not until she finally shows up and enters the Tamora Academy. Thus, she has a goal that she needs to ac...