MELIORA
Maaga kami nagising kinabukasan. Ngunit hindi gaya kahapon ay mas marami ang mga tao ngayon, at may nakikita akong babae. This is very weird.
"Tapos naba kayong mag-ayos?" Vandel asked us.
Ngayon, kailangan naming hanapin si Ms. Stone. Kahit maliit lang ang bayang ito ay hindi kami sigurado kung saan hahanapin si Ms.Stone ni mukha nito ay hindi namin alam.
Nagtipon-tipon kami lahat .
"I have a plan." panimula ni Vandel. Naging alerto naman kami kung ano ito.
"Para mas mapadali ang ating misyon kailangan nating maghiwalay sa paghahanap. Sandra at Meliora kayo ang magkasama, Relm at Copelan kayo naman, Eliora and Elara kayo ang magkasama at ako lang mag-isa. Bumalik kayo dito bago lumubog ang araw, hindi natin alam baka maulit ang nangyari kahapon. Maliwanag?" mahabang paliwanag nito.
We all agreed. Lumabas na kami sa kwarto, nakita pa namin yung babaeng nagbabantay na nakatingin sa amin. We all smiled at her but she didn't respond. Nakatingin lang ito sa amin ng deritso. Kumunot ang noo ko. This place was really weird. Isinawalang-bahala nalang namin ito.
"Make sure to be safe." huling sabi ko bago kami umalis ni Sandra.
--
"Meliora saan tayo ngayon?" marahang tanong ni Sandra.
Tumingin ako sa paligid. Maraming tao ang palakad-lakad ngayon, may bumibili, may kumakain, may masayang nagtatawanan, ngunit ang mas nakuha ng aking atensyon ay ang maliwanag na sikat ng araw. Ang nadatnan namin kahapon ay walang kahit anong sinag ng araw ang tumatama dito.This scene doesn't look right. Why do I have this feeling that they don't look real. Salungat na salungat ito na kung anong nagyayari ngayon.
"Sandra may napansin kaba sa kanila?"
Her forehead narrowed and glanced at the the people. "They looked happy, they were many people. Parang yun lang Meliora."
"That's it! Hindi ito ang nadatnan natin kahapon Sandra." giit ko.
Tila nagiisip naman ito. " You're right. Pero magtanong nalang tayo."
Pumunta kami sa isang bilihan ng mga bulaklak. May isang matandang babae na nagbabantay dito habang malawak na ngumingiti sa mga dumadaan na tao.
"Anong mapaglilingkod ko sa inyo binibini." agarang tanong nito sa amin.
"Nay, ang ganda ng mga bulaklak na binebenta niyo." Sandra complemented.
"Ako mismo ang nagtanim nito, inalagaan ko sila nang mabuti na parang mga anak ko." nakangiting pahayag ng matanda.
Tumingin naman ito sa akin. " May gusto ka bang bulaklak iha?"
Umiling ako. " Wala po nay, magtatanong po sana kami." marahang sabi ko.
Lumapit naman si Sandra sa akin. " May kilala po ba kayong Violet Stone?"
"Violet Stone? Naku! Wala akong kilalang ganyang pangalan." sagot nito.
"Maraming salamat po nay." ani namin.
Halos lahat nang madaan at natanong namin ay walang kilalang Violet Stone. Kung hindi iling ay nagsasabi lang itong walang Violet Stone ang nakatira sa Bora.
Pagod na umupo kami ni Sandra sa isa sa mga kainan dito sa Bora. "Gutom na ako kakahanap sa Violet nayan Meliora!" pagmamaktol nito.
"Hindi kaya ay wala na si Ms. Stone?!" malakas na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Tamora Academy (Sylverian Series 1)
FantasySorcerers. Mage. Magic. Spells. Dealing with different dilemmas and revealing the truth behind the mask. Meliora has been hiding for so long, but not until she finally shows up and enters the Tamora Academy. Thus, she has a goal that she needs to ac...