Chapter 26

8.8K 257 4
                                    

MELIORA

It's been a month. Sa loob ng isang buwan ay wala akong ginawa kung hindi mamasid. I don't know if they already knew but who knows.

"Huy Meliora ano na naman ang iniisip mo? Gosh kwentuhan muna ako dali!" ngusong ani ni Avalie sa akin.

I smiled. Kasama ko siya ngayon dito sa Cafeteria. Nagkataon lang na nasa iisa kaming lugar, dahil nong nakaraang buwan ay minsan lang kami magusap.

Halos lahat ng mages dito ay busy sa pag-aaral at pag-eensayo. Habang kaming mga Elite ay ganoon din ngunit mas tinuon namin ang pag-eensayo.

Because that was the request of the Princess.

Maybe right now, may alam na siya sa mga nangyayari ngunit pinili niyang manahimik. It really got me confused. Dahil sa tingin ko ay pipiliin niyang mag-sumbong sa Hari at Reyna ngunit hindi, hindi man lang siya umuwi sa palasyo nila, simula nung hinahap namin siya.

"Melioraaaaa!" malakas na sigaw ni Avalie.

Napatakip naman ako sa tenga dahil dito. I glared at her but she just laughed at me.

"Ang dami mong iniisip ano ba kasi yan? Share share naman!" ani pa nito.

"Wala! Kumain ka nga lang!" sagot ko.

"At saan ka nagpupunta ha? Alam mo bang halos atakihin ako sa puso nung hinahap ka nila?!" sabi  niya habang may paturo-turo pa sa aking mukha.

"Diyan nga lang kumain!"

They always looked for me, except the Princess. I don't know if they're paranoid or not. Madalas kasi akong umaalis. I want to know Miss Violet and Headmistress plan. Pagkatapos kung marinig ang pinag-uusapan nila sa araw na yun ay hindi na ito naulit pa.

"Anong kumain? Huy Meliora nasa Cafeteria kami ni Drake parati!"

I look at her teasingly. "What? Nasa cafeteria kayo palagi?"

"Ano pa?" dagdag ko.

Bigla namang namula ang mukha nito. I laughed.

"Tumahimik ka nga hmp!" ngusong ani nito.

"Basta wag kang umalis bigla-bigla!" tanging sabi nito at kumain na rin.

Kanina pa ako tapos. Daldal kasi ng daldal kaya ganyan.

"Teka! Nasaan pala si Sandra?" tanong nito habang ngumunguya.

"May pinuntahan lang."

Yes. They already close. Magkasing daldal nga naman. Nagkataon kasi na kasama ko si Sandra pumunta sa kanya nung nakaraan. Pumunta lang ako sa dati naming dorm dahil wala lang! Tsk. Sumama naman si Sandra.

"Miss ko na ang bruhang yun!" ani niya.

"Oo kayo na mag-kaibigan!"

Bigla naman itong humahalaklak. Halos pinagtitinginan na nga siya ng iba dahil sa lakas. Tsk! Sino ngayon ang bibigyan niya ng Elite?!

I laughed with that thought. Pinili ko nalang ilibot ang aking tingin sa loob ng cafeteria. Normal lang naman ang lahat, may nagkwe-kwentuhan, tumatawa, may tahimik lang na kumakain.

I sigh. They didn't know what happened.

Sa loob ng isang buwan, parati kaming pinapatawag ni Headmistress sa opisina niya. Dahil hanggang ngayon maraming papel ang biglang dumadating sa kanyang pintuan. Which was written in different words but the same meaning.

Tamora Academy (Sylverian Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon