Chapter 42

8.1K 262 17
                                    

MELIORA

"Anong nagaganap kaya sa Tamora? Matagal din tayong nandoon sa Salla." tanong ni Relm sa aming lahat.


"Siguro gaya parin ng dati." sagot naman ni Elara sa kanya.

Nakasakay kami ngayon sa kalesa pabalik sa Tamora. Sikat na sikat ang araw sa kalangitan at hindi na masyadong malamig ibig-sabihin malapit na kami sa lupain ng Tamora. I glance at everyone, tulog ang iba at tanging kaming tatlo nila Relm at Elara lang ang gising. Mahigit isang oras narin kaming nakasakay dito.

Tumitig ako sa labas at napabuntong-hininga. Nasa kamay ni Vandel ang libro at alam kong ibibigay niya yun kay Headmistress mamaya, pero paano ko yon makukuha? Kailangan kong ibalik yun sa kanya.

"I miss this feeling." biglang saad ni Elara.

"About what?" takang tanong ko sa kanya.

"Home. It feels like home." mahinang sagot nito sa akin.

I silently smile. Indeed it feels like home. Ipinikit ko ang aking mata at dinadamdam ang hanging malayang pumapasok sa loob. Wala paring makakatumbas sa Tamora, kahit nakapunta na ako sa Salla, Bora, at Namorn mas gusto ko parin dito.

"Waaa malapit na tayo!" Relm eyes flickered with excitement.

Ginising na niya sina Sandra at Copelan, ginising naman ni Elara ang Prinsesa at ginising ko si Vandel na katabi ko. Sa malayo ay makikita ko na ang malawak na gate nang Academy, may mga paru-paro at ibang bulaklak na rin akong nakikita sa paligid, at malayang lumilipad ang mga ibon sa itaas.

Kusang bumukas ang gate ng Academy at pumasok ang kalesang sinasakyan namin. Huminto lang ito sa gilid at isa-isa na kaming lumabas. Kusa naman itong umalis at unti-unti ring sumara ang gate.


"Tara na!" masayang ani ni Sandra at kumapit sa akin. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa opisina ni Headmistress ngunit kataka-taka kung bakit walang masyadong estudyante ang pagala-gala ngayon dito gayong tanghali pa naman.

"Nasaan ang mga ibang estudyante? Bakit malimit lang nakikita ko?" tanong ng Prinsesa.

Nangunot naman ang mga noo nila at tumitingin sa paligid. May iilang estudyante namang nakaupo at naglalakad ngunit nakasuot sila ng berdeng uniform, ibig-sabihin halos taga benginner class lang ang nandito sa loob. Masyadong tahimik at tanging tunog sa aming sapatos ang maririnig. Pagkarating, agad kumatok si Copelan bago buksan ang pintuan. Ngunit akmang susunod na kami sa kanya nang tumingin ito sa amin.

"Headmistress was not here." Copelan said to us. Isinarado na niya ang pintuan ulit.

"Ha? Saan sila?"

Yan din sana ang tanong na sasabihin? Where are the other students? Si headmistress pati si Miss Violet? Namayani ang katahimikan sa amin. Pinili nalang naming bumalik sa dorm para ilagay ang mga gamit bago hanapin sila Headmistress.

Binuksan ko ang pintuan ng dorm at agad naman silang sumunod sa akin. Maski ang tagabantay sa gate dito ay wala.

Ano bang nangyayari sa Tamora nong nawala kami dito?

Pagkalapag sa mga gamit namin ay pinili na din naming lumabas. Bitbit ang librong dapat at ay ibibigay namin kay Headmistress.

"Magtanong tayo." the Princess suggested. Agad naman namin itong sinunod at tinawag ang unang estudyante na aming nakita. Kusa naman itong lumapit sa amin.

She bow a little, bago tumingin sa amin. "Bakit po?"

"Nasaan ang ibang estudyante? Pati si Headmistress?" the Princess asked.

Tamora Academy (Sylverian Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon