MELIORA
"Ikaw po ba si Celes?" magalang na tanong ni Sandra sa kanya.
Her forehead furrowed. "Ako nga. Bakit?"
"Galing po kaming Tamora. Ipinadala po kami ni Headmistress Selena dito." sagot ni Vandel sa kanya.
Her eyes widen. "T-tamora? Selena?" she said stuttered. Tumingin ito sa labas bago sa amin. "Pumasok tayo sa loob." dagdag nito.
She open the door widely. Agad naman kaming sumunod sa kanya papasok. Hindi gaya sa labas ay masyadong malinis dito sa loob. Maraming gamit at maraming libro.
"Umupo kayo." utos niya at tinuro ang couch sa gitna. Tahimik naman kaming sumunod dito at umupo. Kumuha siya ng isang upuan at inilagay sa harap namin. Umupo siya dito at maiging tumingin sa amin.
"Bakit anong kailangan ni Selena sa akin?" kunot-noong tanong nito sa amin.
"She needs the book." diretsong sambit ng Prinsesa.
Mas lalong napakunot ang noo nito. "Anong libro ang sinasabi niyo?"
"The sacred book." sagot ni Copelan sa kanya.
Nakita ko namang napaawang ang bibig nito. "Paumanhin, ngunit wala na ito sa akin ngayon."
"Po? Bakit po? Nasaan po ito ngayon?" agad na tanong ko.
"Noong nakaraang buwan ay sinugod ako ng mga kabataan dito. Nakita niyo ba yung nangyari sa labas? Ang sabi nila kailangan nila ang libro, halos hinalungkat nila ang lahat ngunit hindi sila nag-tagumpay. Subalit sinabi silang susunugin nila lahat ng nandito kung hindi ko ibibigay. Wala akong nagawa kung hindi ibigay ito." nakayukong kwento niya. Nanginginig pa ang mga kamay nito habang nagsasalita.
"Nasaan na yung mga sinasabi mong kabataan?" tanong ni Vandel sa kanya.
"Nakasuot sila ng uniporme ng Salla Academy. Baka naging isang misyon ang paghahanap sa libro." sagot nito. Tumingin ito sa amin na parang nagmamakaawa. "Kailangan niyong hanapin ang libro. N-nakapa importante ng librong yon. Nakakalungkot lang dahil wala akong lakas para ipaglaban yon noon." malungkot na sabi nito.
"Marami pong salamat Aling Celes." marahan na sambit ni Sandra sa kanya.
"Aalis na po kami." paalam naman ni Copelan.
Tumango ito sa amin at ngumiti. "Mag-iingat kayo." huling sabi nito.
Agad naman kaming lumabas.
"Ano nang plano?" tanong ni Relm. Nakatayo kamo ngayon sa gitna nang rumaragasang mga mages.
"Let's go to my house. Doon tayo mag-usap." mahinang sabi ko sa kanila.
"Woahhh! May bahay ka dito Meliora?" Sandra exclaimed. Dali-dali itong kumapit sa akin na tila nasasabik.
"Malamang Sandra! Dito siya nakatira noon. Duh!" sagot ni Relm sa kanya at romolyo pa ang mata. I mentally laughed, dahil yun ang palaging ginagawa ni Sandra sa kanya.
Sumabay kami sa mga naglalakad na mages. Wala ni isang nakapansin sa amin o nagtanong man lang. Perhaps, maaring sanay na sila sa mga bagong mukha na pumupunta dito.
After a couple of minutes, ay namataan na namin ang mga kabahayan. Katulad nang dati malinis parin ang daanan habang bawat gilid ay may bahay na nakatayo. Halos lahat nang bahay dito magkasing-pareha sa disenyo, sa laki, at sa kulay pero syempre may mga bahay din na naiiba. At isa ang bahay namin.
"Pasok kayo." saad ko sa kanila pagkadating sa bahay. My house was simple, halos itim at puti lang ang kulay ngunit malaki ito, kumpleto sa gamit at iba pa.
BINABASA MO ANG
Tamora Academy (Sylverian Series 1)
FantasySorcerers. Mage. Magic. Spells. Dealing with different dilemmas and revealing the truth behind the mask. Meliora has been hiding for so long, but not until she finally shows up and enters the Tamora Academy. Thus, she has a goal that she needs to ac...