MELIORA
Agad naman kaming sumunod sa babae. Sinundan pa kami ng tingin ng ibang estudyante lalo na ang lalaki kanina. Ngunit hindi na ito umimik pa.
"May nabalitaan si Headmaster na may bagong dumating." saad nito.
"Pumasok na kayo!" dagdag pa niya.
Nakatayo kami ngayon sa pintuan. Siya na ang nagbukas nito at agad na umalis.
"Oh? Pasok kayo!" malakas na sabi lalaki na nakaupo sa gitan. Sa tingin ko magkaparehas lang sila nang edad ni Headmistress, may bigote ito, at nakasuot ng isang suit.
"Ako ang Headmaster sa Salla Academy, tawagin niyo lang akong Headmister Kane." nakangiting saad nito.
"Bakit ngayon niyo lang naisipang pumasok?" tanong niya.
"May ginawa lang po kami kaya ganoon." sagot ko dito.
Napahawak naman ito sa kanyang baba habang paulit-ulit na tumango.
"Is that so? Alam niyo ba ang eskwelahang pinasukan niyo?" tanong nito.
"Bakit? Ano po ba?" nakataas na kilay na saad ni Sandra.
"At sino yung lalaki sa labas?!" iritadong dagdag nito.
Tumayo ito at pumunta sa kanyang malaking bintana. Tinatanaw niya ang mga estudyante na nakaupo sa harap ng Academy.
"Hindi nag-aaral ang mga estudyante dito. May mga mission silang ginagawa at kapalit non ay pera. They need money for their living and for their expenses." he explained.
"Ngunit taliwas nalang ang misyon ngayon kaya nagsagawa kami nang isang paligsahan. Sinasabi ko ito sa inyo dahil bago palang kayo."
"Sa makalawa may magaganap na paligsahan tatawagin itong War of Strongest. Bawat grupo ay maglalaban sa ibat-ibang kategorya. At kung ano iyon? Malalaman niyo din sa darating na araw." saad niya. Bumalik ito sa kanyang upuan at tumingin sa aming lahat.
"Ang tanong, kaya niyo ba?" then he started giggling.
Wtf?
"Anyways, maraming premyo ang ibibigay sa mananalo. Sasali ba kayo?" dagdag niya.
"Yes." Vandel said immediately.
Agad naman itong pumalakpak. "Good. Anong pangalan ng grupo niyo?"
May inilabas itong listahan ng mga sasali at ibinigay sa amin. Agad itong kinuha ni Vandel at isinulat sa ika-18 ang pangalang "Elites" at ibinalik sa kanya.
"Elites? Hmm magandang pangalan." agad niya namang itinatago ang papel.
"Magkano ang pinakamalaking kwarto?" walang gana na saad ni Vandel sa kanya.
Nangunot naman ang noo nito. "Why? May mga pera ba kayo? May maliit kami,limang ginto lang ang babayaran." he offered.
"Sabi po namin, magkano po ang malaki?" iritang saad ng Prinsesa.
"Oh! Isang daan na ginto." sagot nito. Labis parin ang pagkakunot ng noo nito.
Agad ibinigay ni Vandel ang bayad sa kanya. Nag-aalinlangan naman nitong ibinigay sa amin ang susi at ang mapa kung saan. Nagpasalamat lang kami sa kanya at umalis.
"Nakakainis!" Sandra said for the nth time. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya yang sinasabi habang hinahampas ang kung sino sa kanyang harap.
Nandito na kami ngayon sa isa sa pinakamalaking dorm dito sa Salla Academy. May nakasalubong pa kami kanina na nagtatakang nakatingin sa amin ngunit hindi na namin ito pinansin pa.
BINABASA MO ANG
Tamora Academy (Sylverian Series 1)
FantasySorcerers. Mage. Magic. Spells. Dealing with different dilemmas and revealing the truth behind the mask. Meliora has been hiding for so long, but not until she finally shows up and enters the Tamora Academy. Thus, she has a goal that she needs to ac...