Chapter 36

7.8K 283 3
                                    

MELIORA

Victoria from the Alpha and Beverly from the Stars. It is a girl versus girl. Interesting.

Tumingin ako sa upuan ng Alpha, nakatitig lang sila sa stage at tila walang pakealam sa mangyayari. Hindi na ako tumingin sa grupo ng Stars dahil ayaw ko naman na lumingon pa sa likod.

Pagkarating nila sa stage ay agad nila ginamit ang kanilang magic. Victoria threw a water ball towards Beverly but Beverly counter it with a stone wall.

A water mage and a stone mage.

I glance at them. Napaayos ng upo si Elara, malamang water is her magic at katulad ito kay Victoria, at nakatutok lang ang iba sa gitna.

Agad nagseryoso ang dalawa, nakatayo lang sila sa gitna at nagpakarimdaman. When suddenly biglang kumilos si Beverly at nagpaulan nang napakaraming bato, iwas lang ang ginawa ni Victoria at ginawa yung chance ni Beverly na makalapit sa kanya.

Pagkatapos maiwasan ni Victoria ang huling bato na papalapit sa kanya, Beverly attack her in front. She punch her hard in the face which Victoria did not expected. Tumilapon ito sa malayo at hinang-hinang tumayo.

"I think her knuckles are made up of stone, look!" biglang sabi ni Sandra sa amin.

Sinundan namin nang tingin ang sinabi nito at kapwa napaawang naman ang kanilang bibig. Her knuckle looks like a stone. Naging kulay grey ito habang ang natitira niyang kamay ay ganoon parin ang kulay.

"Masakit yun!" nakangiwing sabi naman ni Relm.

Agad akong tumingin kay Victoria dumudugo ang ilong nito ngunit nakangisi siya.

Napakunot-naman ang noo ko.

She use her magic to clean the blood, unti-unting kumalat ang tubig sa kanyang mukha. Ngayon walang bakas na dugo ang nasa kanyang mukha.

Tumingin siya ng mariin kay Beverly, bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay at pumikit. Napaayos naman kami ng upo ng magsimulang lumindol ng mahina, biglang may nagsilabasan na mga tubig sa ilalim. Suddenly, it became a large wave. Halos umabot ito sa bubong ng stadium at papalapit ito kay Beverly. Beverly panick, she run as fast as she could pero naabutan parin ito.

Namamangha namang tumingin ang manonood dahil sa ginawa ni Victoria, ang ginawa niyang alon ay nasa pagitan lang nila Beverly hindi man lang ito umabot sa amin o sa ibang kalahok na nasa gilid niya.

Beverly use her magic to swim above, pero dahil stone mage siya ay lalo lang siyang lumulubog sa ibaba. Nang makita ni Victoria na malapit na itong mawalan ng hininga at biglang nawala ang alon. Leaving Beverly panting so hard. Pilit nitong hinahabol ang kaniyang hininga habang basa-basa ang kanyang damit.

That made Victoria won. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang sampung minuto.

Agad naghiyawan ang manonood. They chant Alpha's name so hard. Habang natutuwa namang nakatingin si Victoria sa kanila.

"We are the best, kami ang mananalo!" mayabang na saad ni Victoria.

Nakangisi itong bumalik sa kanyang upuan habang habol hininga paring naglakad pabalik si Beverly.

So ito ang Alpha. Their magic are almost the same with us yet we don't see and know what others can do. Kaya hindi man lang sila nabahala sa mga nangyayari dahil alam nila sa sila ang mananalo sa lahat na nandito.

Hmm. Interesting.

Agad namang umakyat sa entablado ang announcer habang nakasunod ang babae na nagdadala ng bola. The announcer immediately put his hands inside, bumunot ito at biglang ngumiti.

Tamora Academy (Sylverian Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon