MELIORA
Napag-pasiyahan ko na ding bumalik sa loob dahil baka hanapin na naman nila ako. Tahimik lang akong naglalakad papasok.
Pagkapasok ko ay nasa harap ang Reyna nagbibigay mensahe sa Prinsesa. Umupo lang ako sa dati kong upuan at tahimik na nakikinig.
"Meliora saan ka galing? Hahanapin na sana kita." nag-aalalang tanong ni Sandra.
Nakatingin din sa akin ang iba naghihintay ng aking isasagot.
"I went to the comfort room." I uttered to them.
Tumango naman sila ngunit nakatingin parin si Vandel sa akin. I look at him comfused, pero umiwas lang ito ng tingin sa akin.
Humarap ako sa harap ng entablado. Tumayo na ang Hari para magbigay mensahe sa kanyang Prinsesa.
"First of all, I would like to say that I love you very much. You are my Princess, my strength, and the one I love the most. I promise to protect you always, no matter what happen you will always be my Princess." maiyak-iyak na saad nito.
Humihikbi naman ang Prinsesa na nakikinig dito. She instantly gave the King a hug and cried. Pilit namang pinapatahan ng Hari ang Prinsesa at lumapit nadin ang Reyna sa kanila.
Umiwas ako ng tingin at pilit inalis sa aking palaisipan ang sinabi ng Hari. Ngunit kahit anong pilit ko pilit rin itong bumabalik. Biglang may tumulong luha sa aking mga mata at dali-dali kong pinunasan. Wala namang nakapansin sa kanila dahil nakatitig sila sa harap.
I sigh heavily.I may look stupid if I do that. Ano naman ang idadahilan ko kung sakali?
Nag-bigay din ng mensahe sila Elara ngunit hindi na ako nakinig. Pagkatapos ay ang Prinsesa na ang nagbigay. Nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo lalo na ang kanyang mga magulang, ngunit napa-tingin ako sa kanya sa huling sinabi niya.
"I will always be the one and only Princess of Tamora. Remember that!" huling sinabi nito bago ibigay kay Headmistress ang micropono.
I clenched my fist silently. Napakunot naman ang noo nila lalo na ang Hari. Habang nakatingin ang Reyna kay Headmistress at nakatitig lang si Miss Violet sa kanya.
"Uhm. Okay, thank you for coming mages. Let's end it here!" sabi pa nito at umuna nang bumaba sa establado.
Tumayo naman ang Hari at Reyna at dahan-dahang naglakad pababa. Nakakapit parin ang Prinsesa sa kanila.
Huminto sila sa aming harapan kaya nagbigay-galang kami sa kanila.
"Goodevening Elites." bati ng Hari sa amin.
"Magandang gabi din po mahal na Hari at Reyna." sagot ni Vandel sa kanya.
The Queen chuckled. "Don't be too formal Vandel. Just call us Tito and Tita okay?" sagot nito.
Bigla naman itong tumingin sa akin na nagtataka. "Who are you?" malamig na tanong nito.
Bigla naman silang nagtaka sa inasta nito. Bigla itong ngumiti sa akin. "I mean you look familiar." bawi niya.
I bow my head a little. "I am Meliora po, new Elite member." sagot ko.
Her forehead furrowed. "I didn't know, na may bagong Elite." saad nito.
"Bago lang po kasi siya." sagot naman si Sandra sa kanya.
Marahan naman na tumango ang Reyna. Nakatitig parin ito sa akin pero kalaunan ay tumingin na din kina Elara.
BINABASA MO ANG
Tamora Academy (Sylverian Series 1)
FantasySorcerers. Mage. Magic. Spells. Dealing with different dilemmas and revealing the truth behind the mask. Meliora has been hiding for so long, but not until she finally shows up and enters the Tamora Academy. Thus, she has a goal that she needs to ac...