Chapter 1 ( Palasyo Ng HEARTIA )

51 4 4
                                    

                    Heally POV



Sapa



Abala ako sa pagtingin sa maliit na sapa malayo sa palasyo ng may isang bato akong nakita. Itatapon ko na sana ito ng bigla na lang itong kuminang.

" Huh? Ano naman ito?" takang tanong ko.

Parang isang shell, pero iba naman ang kulay nito kundi berde.

" Kamahalan hinahanap ka ng iyong amang Hari at inang Reyna "wika sa akin ng isang kawal na nagbabantay din sa akin.

" Uuwi naman ako eh, nag abala pa tuloy kayo na hanapin ako "wika ko sa mga ito.

" Iyon ang aming tungkulin prinsesa " tugon naman ng aking bantay na kawal.

" Sige na nga, tara na po" nakangite na saad ko sa kanila.

Sumunod naman ito sa akin. Ako si Heally Heartia ang nasasaad sa propesiya, tagapagmana ng kaharian. Ako ang maharlika na may natatanging kakayahan na magpagaling ng mga may sakit. Yun ang sabi ng aking ina at ama, pero ewan ko ba kung totoo hehheheh.




Palasyo




Tanaw ko na ang kagandahan ng palasyo. Walang sinuman ang nakakilala sa akin sa labas ng palasyo. Tanging ang mga kawal at tagasilbi ng kaharian lamang. Pagkapasok ko sa palasyo ay mga alipin at kawal ang nakapila sa unahan ang sumalubong sa akin.

" Kamahalan, kanina pa kayo hinahanap ng iyong ama at ina " bungad sa akin ni Alice ng magkasalubong kami sa loob ng palasyo.

" Galit ba sila sa akin Alice? " tanong ko dito.

" Hindi ko makita ang reaksiyon ng Hari" saad sa akin ni Lice.

" Heally Heartia " patay, mukhang galit si Ama. Lagot!

Napalingon na lang ako sa likod ni Alice at nakita sina.

" Ina, Ama " nakangite na bungad ko sa kanila.

" Saan ka galing? " bungad na tanong sa akin ni Ama na seryoso.

Ouh, ouh.

" Ama" wika ko dito.

" Heally, pinag aalala mo kami ng iyong Ama. Halos libutin na namin ang mundo natin. Kulang na lang ang mundo ng mga tao" himig ni Ina na may pag aalala.

" Mundo ng mga tao? " nanlalaking mata na tanong ko dito.

" Anak pumasok ka na lang sa silid mo "wika sa akin ni Ina.

" Pero Ina, saan po ba ang daanan papunta sa mundo ng mga tao? "takang tanong ko dito.

Nakita ko naman na nanlaki ang mata ni Ina.

" Kamahalan pumasok na po kayo "aya sa akin ni Alice kaya nauna na lang akong maglakad dito.

Hanggang sa makapasok na kami sa aking silid.

" Bakit ganun? Bat ayaw sabihin sa akin ni Ina? " takang tanong ko kay Lice na abala din sa pag aayos ng aking silid.

" Kamahalan wala lang naman yun " wika nito sa akin.

" Hayss, ano kaya ang hitsura ng mundo ng mga tao? May buntot ba sila? "takang tanong ko dito habang malalim ang iniisip at iniisip kung ano nga ba.

Napangiwi na lang ako sa iniisip ko.

" Huh? aba malay ko" kibit balikat na wika ni Lice sa akin.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon