Ally POV
Morning
Kanina ko pa napapansin na parang wala sa mood si lane ngayon. Anyari? kaya nilapitan ko na lang ito.
" Lane? May problema ba?" tanong ko sa kaniya.
" Wala naman "tugon nito.
" Eh bat nakabunsangot ka? "takang tanong ko.
" Eh kasi nakita na naman niya ang di inaasahan na bisita "saad nito habang abala sa pagtingin sa mga balita.
" Bisita? Sino? "kunot noong tanong ko.
" Ayon ouh "turo ni lice sa bisita kunno.
Lumingon naman ako sa tinuro ni lice at nakita ang isang matipunong lalaki na nagdidilig ng halaman.
" Lice kailan pa tayo nag patawag ng hardinero? "takang tanong ko.
" Hahaha, di yan hardinero. Bisita yan ni lane. Manliligaw yata "saad ni lice sa akin na ikinalingon ko kay lane.
" Baka naligaw "naiinis na wika ni lane.
" Woah ang hot ahh. Hahahaha ang daming pandesal "puri ko dito. Hehhehehe.
" Maghunos dili ka ally "wika sa akin ni lane.
" Hehehe sorry ang hot lang kasi. Pabalikin ulit natin "pagbibiro ko dito.
Pinitik naman ako ni lane. Kaya napahawak na lang ako dito.
" Aray naman ano ang sakit non ahh "wika ko dito habang hawak ang noo ko.
" Ganyan ba umakto ang magiging Reyna? "tanong nito.
" Hindi, kaya nga ginagawa ko na ito ngayon kasi alam ko na di ko na magagawa yun "wika ko dito na nakangite. I just wanted to see her reaction.
" Hahaha oo nga lane yaan muna" sang ayon naman ni lice.
" Oo nga, bakit ikaw ba? di ka ba nagwagwapuhan sa kaniya? "tanong ko dito na nakangisi.
" Hin- hindi " di naman ito makatingin sa akin.
Nag walk out naman ito kunwari pa. Hahahhahahahha. Nag apir na lang kami ni lice.
Lane POV
Umalis na lang ako sa lugar na iyon, dahil panigurado. Aasarin lang nila ako. Habang abala ako sa paglalakad ng may nagsalita sa likod ko.
" Sabi na nga ba dito kita makikita "saad nito.
" Ano na naman ba ang kailangan mo? "inis na tanong ko ngunit ang loko nakangite lang.
" Hmm binibisita ka lang "saad nito.
" Alam mo Red, wala akong panahon sa biro "saad ko dito.
" Hindi naman ako nagbibiro ahh "seryoso na wika nito.
Napaiwas na lang ako ng tingin dito.
" Pwede ba ngayon na nakita mo na ako, pwede ka nang umalis "wika ko dito.
" Alam mo ba kung ano ang nagustuhan ko sayo? "tanong nito.
Napahinto naman ako sa tanong nito na di ko inaasahan.
" Wala, kaya pwede sa iba ka na lang maglar- "pinutol naman ako nito.
" Kaya di ako nakabalik noon dahil pinarusahan ako ni ama. Ikinulong nila ako dahil sa nalaman nila ang tungkol sa atin. Nalaman nila na di lang ang pagiging gabay ko sayo ang nararamdaman ko, kundi mahal kita na alam ko na higit na ipinagbabawal sa amin "wika nito.
BINABASA MO ANG
" Corazones Curativos "
RandomAng storya na siyang magpapakilig, magpapatibok sa natutulog niyong puso, magpapakaba, iyakan at tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Ang isang storya na magdadala sa inyo sa mundo ng puno ng kathang isip . Isang comedy fantasy story, na sa panagin...