Chapter 27 ( Hostage )

4 1 0
                                    

                           Ally POV



Naalimpungatan ako dahil sa nakagalaw ako eh, hehhehehe. Ng maidilat ko na ang mga mata ko ng makita ko na nasa isang abandonadong mansion ba ito? Nasan ba ako? Ang sakit ng ulo ko ahhh. Di man lang naawa yung pumukpok sa akin, talagang nilakasan talaga. Hayy naku. Malaman ko lang kung sino yun gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya.

Napansin ko na nakaposas pala ako para naman akong krimenal sa ginagawa nila. Nilibot ko ang buong paligid ng marinig kung may nagsalita.

" Magaling at gising ka na pala. Kumusta ang mahimbing mong pagtulog? " tanong ng boses babae na alam kung galing sa kabilang kwarto.

" Ok lang naman ganun pala kayo magpatulog ano. Masakit? " tugon ko dito.

Tss, boba gusto mo ulitin ko? " tanong nito.

" Wag na nakakahiya naman sayo ano " saad ko sa kaniya.

" Alam mo malandi ka talaga eh, ikaw ang sumisira sa mga plano ko " saad nito sa akin na galit na galit.

" Di ko naman alam ang mga plano mo ahh? wala ka namang sinabi " inosente na wika ko.

" Boba ka talaga, paano ka ba nagustuhan ni Dave" wika nito na alam ko na nagtataka.

" Aba ewan ko sayo" saad ko sa kaniya.

" Naiinis na ako sayo pwede wag kang magsalita" saway nito sa akin.

" Ok sabi mo eh" sang ayon ko dito.

" Nakakainis" wika nito sa may microphone.

Nangunot naman ang noo ko dito. Siya ba talaga ang pumatay kay Lane? Kung siya man yun kailangan ko siyang makita. Ngunit paano? Alam ko na nakikita niya ang bawat galaw ko. Kaya di ko alam kung anong magagawa ko na di niya malalaman.

" Oh, bat ang tahimik mo riyan?" tanong nito.

" Ako ba ang tinatanong mo?" tanong ko dito.

" Gaga, sino pa ba? Tayo lang naman ang nag uusap" wika nito kaya napailing na lang ako.

" Sabi mo kasi manahimik ako eh. Kaya sinunod kita " wika ko dito.

" Ahhh! estupida " saad niya na halatang naiinis na.

" Ouh kita mo toh? siya na pinagbigyan siya pa ang galit" wika ko dito.

" Mababaliw ako sayo babae ka " galit na wika nito.

" Ahh di ka pa nababaliw? Akala ko baliw ka na? Kasi sino ba ang nag isip na posasan ako nang may susi na nakalagay? "nakakunot na tanong ko.

" Ano? " gulat na tanong nito.

" Pwede magtanong? "tanong ko.

" What? Bilisan mo marami pa akong client " saad niya na ikinatawa ko nang mahina.

" Wow sana all. Ang tanong ko lang. Ikaw ba ang pumatay kay Lane? " seryoso na tanong ko dito.

Hindi naman agad ito nakasagot.

" Ano? Sagutin mo ako? Simple lang ang tanong ko" wika ko dito.

" Ako! Ano naman ngayon? Matagal na siyang patay" saad niya sa akin.

" Anong dahilan mo?" tanong ko dito.

" Wala ka na don bitch kasi mamamatay ka na din naman " wika nito sa akin.

" Sigurado ka?" tanong ko dito na nakangisi.

" Oo, ak- sino kayo? Paano kaayo nakapasok dito?" gulat na wika nito.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon