Chapter 2 ( Mundo Ng Mga Tao )

14 4 3
                                    

                       Ally POV



Nagising ako ng mukha ni Lane ang bumungad sa akin kaya nasampal ko ito.

" Arayy naman ouh "reklamo ni Lane sa pisnge niya kung saan ko siya sinampal.

" Ikaw naman kasi eh, bat ka ba kasi nanggugulat? At nakadagan ka pa sa akin? "depensa ko, diba siya naman kasi eh.

" Haler, ang tagal mo kayang magising kamahalan. Atshaka ang gaan ko lang kaya "nakasimangot na wika nito.

" Oo na sorry na po "hinging paumanhin ko.

Mula ng makarating ako sa mundo nila ay namimiss ko na agad sina Ama at Ina. Akala ko ba maganda ang mundo ng mga tao? Eh bakit mga usok ang sumalubong sa akin.

Nandito kami ngayon sa isang bahay ewan ko kung bakit dito kami tinuro ng mahiwagang porselas na bigay sa akin ni Ama. Bigla na lang kaming dinala dito. Hinanap ko na lang si Lane ngunit wala siya.

" Lane, Lane nasan ka? "tawag dito ng di ko siya makita.

" Nandito ako sa kusina "sigaw nito mula sa baba.

Tumakbo naman ako sa kusina at nakita ko itong abala sa pagluluto. Napanganga naman ako.

" Anong ginagawa mo? "takang tanong ko dito.

" Nagluluto po kamahalan, eh wala tayong makakain eh "tugon nito sa akin.

" Huh? diba multo ka? Eh hindi ka na kumakain "nangunot na lang ang noo ko sa pagtataka.

" Ewan ko ba? natutuwa nga ako dahil multo na ako at wala ng gastos sa bigas. Alam mo naman na mahal na ang bigas ngayon, eh ginugutom pa rin ako "naka puot na wika nito.

Ibang klase di pa ako nakakakita ng multo na kumakain tulad niya.

" Ayan luto na, pumunta ka na sa mesa "utos nito sa akin kaya nagtungo na lang ako sa mesa.

" Kainan na "nakangite na wika niya kumuha na lang din ako.

" Bat kunti lang kinakain mo? "takang tanong ko sa kaniya.

" Diet ako eh "mahinang wika nito.

" Kita naman halos wala ka ng laman ouh "turo ko sa katawan niya.

" Kasi ilang taon na akong di kumakain "saad nito.

" Ouh heto ubusin mo "nilagyan ko naman ang plato nito na siyang ikinalaki ng mata niya.

" Diet nga ako " pigil nito sa akin sa paglalagay.

" Ako ang iyong prinsesa at inuutusan kitang kainin yan "matigas na wika ko. Hahahhaha.

" Baka nakakalimutan mo kamahalan, nasa mundo ka namin kaya walang utos utos dito "balik na wika nito sa akin.

" Ahh, ok walang mission na magaganap "saad ko sa kaniya na kumain na lang.

" Oo na kakainin na" suko nito.

Kaya natawa na lang ako.

" Mabuti  "wika ko sa kaniya.






                       Dave POV



  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon