Chapter 19 ( How We Meet )

6 3 0
                                    

                          Lane  POV

Song played. :

                  " More Than Before "

                                 By : Golden Canedo

Nandito ako sa lugar kung saan mas marami akong alaala kay Dave. Sa lugar kung saan una ko siyang nakita at nakilala.



Flashback


Abala ako sa pagmamaneho ng biglang huminto ang kotse ko.

" Naku patay, paano na ito" wika ko.

Agad naman akong lumabas sa kotse at tiningnan ang makina ng kotse. Napansin ko na nasunog pala ito kaya nasapo ko na lang ang noo ko.

" Ano nang gagawin ko " tanging bigkas ko.

Agad ko ng dinailed ang number ni dad. Sana he will pick it up.

" Hello " sagot nito.

" Hello Jean is that you? " tanong ko sa nasa kabilang linya.

" Yes, Ms. Trisha bakit ka po napatawag?" tanong nito.

" Nasan si dad? " tanong ko agad dito.

" Ahm, naku busy pa kasi ang daddy mo may business meeting kasi ito " saad nito.

" Ganun ba. Ahm can you please tell him after na I need help, nasiraan ako ng kotse " saad ko dito.

" Sige, sige sasabihin ko sa kaniya. Mabuti pa papapuntahin ko na lang si Mang Dino diyan. Para sunduin ka " wika nito sa akin.

" Sige, sige maghihintay ako "wika ko dito agad naman namatay ang tawag.

Kaya napahinga na lang ako ng malalim. Nagpalinga linga naman ako nagbabakasakali na may dumaan. Ngunit wala pa rin anong oras na malapit ng maggabi. Bakit wala pa si Mang Dino? Hanggang sa bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya dali dali akong pumasok sa kotse.

Tiningnan ko naman ang phone ko ngunit sa kamalas malasan wala na itong signal. Arghh paano na ito? Paano ko sila makukuntak? Hanggang sa may biglang bumulaga sa kotse ko na siyang ikinagulat ko. Dahilan para magsisigaw ako.

Isa lang naman itong manyak na lalaki na pilit na binubuksan ang pinto ng kotse ko. Wahh, dad help me, I need you. Ni locked ko naman agad ang pinto ng pumunta ito sa kabila. Niyakap ko na lang ang sarili ko. Naririnig ko naman ito nang akmang babasagin nito ang kotse ko ng tuluyan na akong sumigaw.

" Wahh, tulong. Tulungan niyo ako " nagmamakaawa na sigaw ko habang nasa loob ako.

Masisira na niya sana ang bintana ng kotse ng bigla na lang may humila dito at sinuntok ito. Nakita ko ito na nagsusuntukan silang dalawa. Kaya napanatag naman ako. Nakita ko naman ang isang bulto ng lalaki na pilit nakikipaglaban sa masamang tao na ito. Hanggang sa makita ko na lang ito na bumalaga sa lupa ang lalaking nangahas na basagin ang bintana ng kotse ko.

Nagulat na lang ako ng biglang humarap ang lalaki na naging kalaban nito at nagtama ang mga mata namin. Ewan ko pero wala akong takot na nararamdaman dito. Naglakad naman ito palapit sa kotse ko pero bago pa ito makalapit ng bigla na lang itong bumulaga sa kalsada. Kaya walang pag aalinlangan na bumaba ako sa kotse kahit na malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan at agad na nilapitan ito agad ko na itong dinaluhan at agad na pinatayo ito kahit na mabigat.

Ng maitayo ko na ito ay dahan dahan na akong naglakad. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kotse ng may humintong kotse sa harap namin. Kaya napahinto ako agad  naman na lumabas ang mga lalaki. At agad na nilapitan ako.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon