Lane POV
Hayss, kailangan ba talaga maging ganito? Bakit ba nararanasan ko ang bagay na to? Wala naman akong ginawa ahh, may mali ba akong nagawa nong nabubuhay pa ako?
" Anong iniisip mo diyan? " tanong sa akin ni Scar.
" Ewan ko di ko na alam" nakanguso na wika ko dito.
" Alam mo mag inuman na lang tayo" napakunot naman ang noo ko na nakatingin dito.
" Talaga lang ahh? Yan talaga ang naiisip mo sa umaga na ito? " takang tanong ko dito.
" Hmm, malay mo yan pala ang makakatulong sa problema mo" suggest nito na kumindat pa talaga.
" Ewan Scar baka dumagdag pa yan "iling na wika ko dito.
" Hahaha. Try it panigurado matutuwa ka " saad nito.
" Hayy naku Scar, ewan ko na lang siguraduhin mo lang ahh "wika ko dito na may paniniguro.
" Yeah sure na sure kaya tara na. Hinanda ko pa ang mga ito ano " aya nito sa akin.
Nauna naman itong maglakad kaya sumunod na lang ako.
Fast-forward
" Hahaha, oo kaya totoo ang sinasabi ko ano. Ano ka ba " natatawa na wika ko dito.
" Alam mo Lane di ko alam na yan pala ang epekto ng gatas sayo "wika nito sa akin na ikinalingon ko dito.
" Hahaha char lang yan ano. Ikaw bat di ka pa nalalasing diyan? Ilang bote na ng alak yang ininom mo ano "saad ko dito.
" Hehehe, ano ka ba malakas kaya ito parang si Mark. Magkatulad lang kami non malakas din yun. Matagal malasing "proud na wika nito sa akin.
Bigla na lang akong nalungkot sa sinabi nito.
" Ahm sorry pinapaalala ko pa "wika nito saka yumuko.
" Nah ok lang ano ka ba. Wala naman na talaga eh, wala na siya. Atshaka mabuti naman talaga ang bagay na yun " wika ko dito na nagawa pang ngumite kahit na masakit.
" Lane alam ko na nasasaktan ka. Patawad kung isa din ako sa bagay na nagpapasakit sayo" saad niya sa akin habang hinahawakan ang kamay ko.
" Hahahah, ano ka ba ang importante ngayon Scar malaman ko kung sino ang pumatay sa akin. Para makarating na rin ako sa lugar na dapat kung puntahan. Alam mo na " wika ko dahilan para tumango ito.
" Masaya ako kung masaya ka. Kaya tutulong ako sa paghahanap sa taong may sala sa pagkamatay mo. Pangako yan " wika nito na siyang ikinangite ko.
" Inaasahan ko yan Scar. Malapit na ang oras na hihintayin ko. Lalo na si Ally para makabalik na rin siya sa mundo nila " saad ko dito
" Pero ang tanong kaya niya bang iwan si Dave?" tanong nito na ikinalingon ko dito.
" Hayss, di ko alam " kibit balikat na wika nito.
" Ikaw mahal mo pa rin ba si Dave? Lalo na ngayon at bumalik na ang alaala mo? " tanong nito na ikinagulat ko.
Napahinto naman ako sa tanong nito.
" Ahm, di ko yata masasagot ang bagay na yan. Lalo pa at lahat ng alaala na meron ako ngayon ay nandon si Dave. Lahat galing sa kaniya lahat ng mga masasayang araw naming dalawa. Kaya mahirap para sa akin na magdesisiyon agad lalo na ngayong nandito pa rin siya sa puso ko. Kahit wala na akong puso hanep noh? Galing! Patay na ako wala na akong katawang lupa pero ang lakas pa rin ng nararamdaman ko para sa kaniya. Patay ba talaga ako Scar? Epekto ba ito ng new normal? " kunot noong tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
" Corazones Curativos "
AcakAng storya na siyang magpapakilig, magpapatibok sa natutulog niyong puso, magpapakaba, iyakan at tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Ang isang storya na magdadala sa inyo sa mundo ng puno ng kathang isip . Isang comedy fantasy story, na sa panagin...