Ally POV
Morning
" Di ka na ba talaga mapipigilan?" nakita ko naman ito na umiyak.
" Lane di ba ikaw ang nag agree nito. Ouh bakit iiyak ka diyan? " tanong ko dito.
" Eh kasi di ka na uuwi dito "nakapout na wika niya.
" Teka nga lang, bat ka ba nagdadrama diyan? Eh sasama ka din naman sa kin "takang wika ko dito.
Inayos niya naman ang mukha niya.
" Oo nga noh, bat di ko naisip yun? Hehehhe "natatawa na wika nito.
" Hayy naku "nasapo ko na lang ang noo ko.
Nakarinig naman kami ng busina ng kotse.
" Nandito na ang susundo sa atin "nakita ko naman ang mga tuwa sa mga mata nito.
" Siguro "wika ko na lang dito.
Tumingin naman ako sa bintana. Ngunit nagulat na lang ako ng naglakad na si Lane palabas at hila hila ang mga maleta. Patay tayo.
" Lane " tawag ko dito.
Ng makalabas ako ay ngumite si Lane, pero yung driver nakanganga.
" What? " tanong nito.
Lumapit naman ako dito at kinuha ang maleta.
" Ahm, sensya. Pa - paano nangyari yun? May multo ba dito? "nakita ko naman ang takot sa mga mata ni kuya.
" Yes, ako po "nakangite na wika ni Lane eh di naman siya maririnig.
Kumaway pa talaga si lane dito. Hayss naku ang kulit talaga.
" Ahm ano po. May remote po kasi ang maleta ko. Heheh " napakamot na lang ako sa noo ko.
Hayss napaka sinunggaling ko na talaga, dahil kay Lane ito.
" Ahh ganun ba. Ahm sige ija ako na ang magdadala ng maleta mo" suhestiyon ni kuya sa akin.
" Salamat po "wika ko dito.
Kinuha naman nito ang maleta ko.
" Ikaw Lane ahh, muntik na tayo " panenermon ko sa kaniya.
" Eh kasi naman eh "nakapuot na wika nito.
" Excited ka yatang tumira don " saad ko dito.
" Eh ang ganda kasi ng kotse. Pink! Bakla ba itong driver? " nakangite na wika niya nanlaki naman ang mata ko.
" Hayy naku, kung ano ano ang naiisip mo " saad ko dito.
" Ayy daga. Daga shoo, shoo. Shoo "nanlaki lalo ang mata ko ng marinig ko ang baklang boses ng driver.
Nagkatinginan naman kami ni Lane.
" Bakla nga "sabay naming sabi at nagtawanan.
Dave POV
Mansion
" Hindi ka yata pumasok sa ospital? "tanong sa akin ni Diane ng maabutan ko siya sa sala.
" Ah, day off ko ngayon. Eh ikaw? Bat di ka pumasok sa school? "tanong ko dito pabalik.
" Wala kaming teacher eh "wika niya habang kumakain ng sandwich.
BINABASA MO ANG
" Corazones Curativos "
RandomAng storya na siyang magpapakilig, magpapatibok sa natutulog niyong puso, magpapakaba, iyakan at tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Ang isang storya na magdadala sa inyo sa mundo ng puno ng kathang isip . Isang comedy fantasy story, na sa panagin...