Chapter 31 ( Sakripisyo )

3 3 0
                                    

                           Lane POV

Habang naglalakad ako sa hallway ng barko ay agad ko ng hinanap kung nasan man si Ally. Hanggang sa may mapansin akong isang kwarto at may umiiyak na bata. Kaya agad ko na itong pinasok at nakita si Kyle na nakatali kasama si Diane na may tama ng baril at wala ng buhay. Kaya agad ko nang nilapitan si Kyle kahit na alam ko na di niya ako nakikita. Agad kung kinalas ang nakatali sa kaniya ngunit napansin ko na nagulat ito sa akin.

" Ate Trish?" tanong nito.

Nagtaka naman ako paano niya ako nakikita?

" Kyle wala na tayong panahon, kailangan mo na muna na magtago ok? wag kang lalabas. Delikado sa labas "habilin ko dito.

" Opo" tugon nito.

Ngumite naman ako at hinalikan siya sa may noo at agad na lumabas doon. Habang naglalakad ay napansin ko na naman ang isang kwarto na may nakabantay na mga lalaki. Kaya agad na akong nakapasok unang napansin ko ang parang ginagamit sa.

" Hipnotismo? " gulat na wika ko.

Agad ko nang nilibot ang paningin ko at nakita si Dave na nakatali sa may sofa at tulala. Kaya agad ko na itong nilapitan ngunit di niya pala ako makikita. Paano ko siya pababalikin sa wisyo niya? Kaya ginamit ko ang panghipnotismo upang pabalikin siya sa wisyo nito. Nakita ko naman na nakatitig siya dito.

" Dave alam ko na hindi mo ako nakikita ngunit sana. Sana bumalik ka na sa pagiging ikaw bumalik ka sa totoong wisyo mo. Nandito pa kami alalahanin mo ang mga masasayang araw na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay Hon " mahabang wika ko dito.

     

                    Dave POV

   
Bigla na lang akong nagising sa pagkakatulog at nakita ang sarili ko na nakatali sa may upuan. Kaya agad ko nang hinubad ang mga ito. At agad na tumakas ngunit napansin ko na may mga tao sa labas ng pinto kaya kumuha ako ng pamalo at kinalampag ang pinto. Dahilan para bumukas ito at pumasok ang mga bantay. Ng makapasok na sila ay agad ko na itong pinukpok sa likod. Habang nasa likod ako ng pinto maging yung isa kaya bigla na lang itong nakahandusay sa sahig. At dali dali na akong lumabas doon.


                                   Lane POV 

Nakangite naman ako ng makita ko na nakalabas na si Dave ngunit aalis na sana ako doon ng bigla na lang akong manghina. Anong nangyayari? Bakit ngayon pa? Di ko pa nakikita si Ally. Please bigyan niyo pa ako ng pagkakataon na makita siya. Pinilit kung tumayo at maglaho sa lugar na iyon. Hanggang sa mapadpad ako sa dulo ng barko. At doon nakita si Ally na nakatali at marami nang dugo ang lumalabas sa kaniya. Kaya agad ko na itong nilapitan hanggang sa mapansin ako nito.

" Lane?" gulat na tanong nito.

" Ako na ang bahala dito, patawad kung huli na akong nakarating. Tiisin mo muna ang sakit" wika ko dito.

" Hindi ko na kaya Lane patawad, binigo kitang makuha ang hustisya para sayo" saad nito sa akin.

" Hindi totoo yan Ally kumapit ka. Ikaw ang reyna kaya dapat na maging matatag ang loob mo, naiintindihan mo ako? " seryoso na wika ko dito.

" Salamat" tugon nito.

Nakita ko na lang itong ipinikit ang mga mata niya. Kaya sa galit ko ay bigla na lang lumakas ang ihip ng alon. Dahilan para magulat si Cath at Pat na mga traydor.

" Anong nangyayari? "takang tanong ni Cath.

" Di ko alam ang lakas ng alon "saad ni Pat dito.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon